[MANDY] Para akong nakakita nang multo. Napaupo pa nga ako sa lupa dahil biglang bumigay ang mga tuhod ko. At hindi na rin naman ako nagulat doon. Makita mo ba naman ang lalaking pinakamamahal mo na nasa harapan mo ngayon, talagang manghihina ka sa sobrang gulat at pagkalito. Nakatingala na ako ngayon sa kanya dahil nga sa pagkakasalampak ko sa lupa. At dahil doon, nagkaroon tuloy ako ng magandang view para kilatisin siya (hindi ito bastos ha) at alamin kung siya nga ba ang iniisip ko na nakikita ko ngayon sa harapan ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko, at makalipas ng limang taon ngayon lang na naman ako kinabahan nang ganito. Pero talagang kakabahan ka naman talaga dahil kamukhang-kamukha ni Dark ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parehong mukha. Parehong tindig ng katawan. Parehong

