“Ang sabi ko, hayaan mo na siya!” Galit-sigaw ni Mikael. Na ikinagulat ng lahat lalo na ni Maui ….at ni Dina. Nagulat si Maui at kabarkada nila ng galit na sumigaw si Mikael, binitawan ni Maui ang braso ni Dina dahil nakaramdam ng takot sa sigaw na iyon ng lalaki. Ang mga kabarkada nila ay tumigil rin sa pagtawa. Gulat man si Dina ay nagtaka sa tinuran ni Mikael. Nakita niyang napakaseryoso ng mukha nito. "Alam niyo, noong una parang tanga rin ako na nakikisakay sa ginagawa niyo. Pero, hindi naman kayo pinakialaman ng tao, ah. Nananahimik na nga lang ang tao ginaganyan nyo pa! Inaano ba kayo ni Dina? Sumusobra na kasi kayo, wala na kayo sa lugar!" Patuloy ni Mikael, matikas na nakatayo at galit ang boses. "Lalo ka na, Maui, sumusobra ka na!" Galit na sabi ni Mikael kay Maui na ngay

