Hindi nagsalita si Mikael, alam niyang hindi siya, kaya hinanda ang sarili sa maririnig. Alam niyang masasaktan siya sa pangalang maaaring sabihin ni Dina. Sino ba naman ang tulad niya na minsan ay pinagtawanan si Dina at naging kabarkada ni Maui na palaging nanlalait sa kanya. “Ang lalaking iyon…ay ikaw,” narinig niya mula sa bibig ni Dina. Parang huminto ang mundo ni Mikael. Nagulat, hindi makapaniwala sa narinig. “Ano…sabi mo? Puwede mo ba ulitin?” tanong ni Mikael, halatang gusto niyang maseguro ang narinig niya. Halos nanginginig an appg boses niya sa kaba at saya. “Oo, Mikael…mahal din kita,” sagot ni Dina, mabagal at maingat na binigkas ang bawat salita. Ramdam ni Mikael ang bawat titik na bumabalot sa kanyang puso—ang t***k nito ay parang lumilipad sa sobrang kilig. Para sa san

