Pagkatapos ng ikalawang subject ni Dina nang hapong iyon, napagdesisyunan niyang tumungo sa canteen. Hindi kasi siya nakakain ng tanghalian dahil sa mga pangyayaring naganap kanina—lalo na ang sandaling iyon sa garden. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa kanyang isipan ang mga nangyari . Ramdam pa rin niya ang kakaibang pintig ng kanyang puso, ang damdaming hindi niya lubos maipaliwanag. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong tawag doon, ngunit malinaw sa kanya ang isang bagay—masaya siya. Masayang-masaya. Hindi niya inaasahan na ang naramdaman niya kanina ay hindi lang pala siya ay nakakaramdam ng ganoon. Na tulad niya, ganoon din ang nararamdaman ni Mikael. Na pareho silang may nararamdaman na na parehong tinatago dahil pinipigilan. Pakiramdam niya, noong mga sandaling kasama niy

