Chapter 117

1463 Words

‎Habang tinatamasa ang mga alaalang iniwan ni DJ bago ito umalis ay napaluha si Dianne, alaala nang isilang niya ang kanilang bunso– ‎ ‎Hindi pa rin makapaniwala si DJ habang nakaupo sa tabi ng kama ng ospital, nakatitig sa mukha ni Dianne na mahimbing na natutulog. Kanina lamang ay pakiramdam niya’y gumuho ang buong mundo nang makita niyang mawalan ng pintig ang asawa sa monitor; ang linya ay naging diretso, at sa sandaling iyon ay tila sumabay na rin ang pintig ng kanyang puso sa katahimikan ng paligid. ‎Ngunit ngayon, narito siya—buhay, humihinga, at nasa kanyang tabi, para bang isang panaginip na ayaw na niyang magising mula sa bangungot na iyon. Sa labas ay maririnig pa rin ang yapak ng mga nurse at mga mahinang tinig ng mga doktor, ngunit sa loob ng silid ay tila huminto ang oras;

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD