Chapter 118

1457 Words

11:45 na pala ng gabi. Napakunot ang kanyang noo. Hindi niya namalayang lumipas na ang mga oras habang nakaupo lamang siya sa kanilang sala, nag-iisip at pinipilit ayusin ang gulo ng damdamin sa kanyang dibdib. Maaga pa naman silang dapat gumising bukas, dahil kailangan nilang dumalo sa binyag ng anak ni Amy. Kahit mabigat ang pakiramdam at puno pa rin ng alaala ang kanyang isip, pinilit niyang kumilos. Lumabas siya ng silid, at sa kusina ay nadatnan niya ang kanilang katulong na abala pa rin sa pag-ayos sa kusina. “Ma’am, tapos na po ako dito. Magpapahinga na rin po ako pagkatapos,” magalang na sabi nito. Tumango lang si Dianne at pinilit ngumiti. "Gabi na po, aling Rosa Hindi pa kayo nagpahinga" Ani Dianne sa katulong na nag-aayos ng mga pinggan. "Naaliw po ako sa paglinis at pag-a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD