Nang dumaan sila ulit sa kinaroroonan nina Mikael at Maui ay naroroon pa rin ang mga ito, subalit may bagong kasama. Bahagyang napahinto ang mga hakbang ni Dina nang makilala niya ang dalaga—ang dati nilang kaklase na nag-transfer ng paaralan matapos ang first year. Si Archelyn. Maayos ang ayos nito, may kumpiyansang ngiti sa labi habang masiglang kinakausap sina Mikael at Maui. Hindi nakaligtas kay Dina ang bahagyang pagliwanag ng mga mata ni Mikael nang mapansin ang paglapit nila. “Uy, Dina! Mark!” masayang bati ni Archelyn. “Buti naman at nakita ko kayo.” Nagpakilala ito muli, waring walang bahid ng ilang taong pagkawala. Ikinuwento nitong may munting handaan sa kanilang bahay para sa kaarawan niya—malapit lamang daw iyon sa eskwelahan. Nang marinig iyon, agad na nagyaya si Maui, si

