Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata… Habang kabado at punô ng pag-aalala sina Athena, Amy, at Dansel para kay Dianne, naroroon din si Kier sa bahay nina DJ at Dianne. Lahat sila ay naghihintay ng anumang balita. Bigla namang tumawag ang kumidnap kay Dianne kay DJ at inutusan siyang puntahan ang asawa sa isang address na ibinigay nito. Bago ibaba ang tawag, mariing binalaan si DJ na huwag magsusumbong sa pulis at huwag magsasabi kanino man tungkol sa kanilang usapan. Sa pagpapatuloy… Malapad ang pagkangiti ni Gemma nang ibaba niya ang cellphone matapos makausap si DJ. Isang ngiting puno ng tagumpay at kasiyahan—dahil epektibo ang lahat ng kanyang plano. Hindi halata ang kanyang tunay na boses dahil sa application na naka-install sa kanyang cellphone na kayang mag-iba ng tono at t

