Chapter 97

1376 Words

Sa unang pagkakataon, si Dianne ang tumawag kay Gemma para magkita sila. Napagkasunduan nila ni Ian na makikihalubilo si Ian kay Gemma upang masilip ang totoong intensyon ng babae. Nasabi kasi nito kay Dianne na may something fishy kay Gemma, lalo na nang malaman ni Ian na dating magkasintahan sina DJ at Gemma. Nang dumating si Gemma sa napagkasunduang lugar kung saan sila magkikita, naroon na si Ian. Ipinakilala ni Dianne si Gemma kay Ian. “ Kamusta ka na? Kamusta na ba kayo ni DJ? Nakapag-usap na ba kayo ni DJ nang dumating ka rito sa Manila? ” Agad na tanong ni Gemma kay Dianne nang makaupo na ito at matapos silang makapag-order. “ Okey lang naman ako, pero kami ni DJ ay hindi pa rin okey, ” sagot ni Dianne, halatang malungkot ang mukha. Napangiti si Gemma. “ Mas mainam kung ganoon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD