Pinipigilan ni Dianne na tumulo ang kanyang mga luha nang makapasok siya sa comfort room. Ayaw niya kasi na makita ng ibang tao na umiiyak siya. Ramdam niya ang bigat sa dibdib, at bawat hakbang patungo sa silid ay tila ba pinapaalala sa kanya ang sakit na nararamdaman. “ Wag kang umiyak! Wag kang umiyak! Wag kang umiyak, Dianne! Maawa ka sa sarili mo na hindi ka mukhang kawawa sa paningin ng ibang tao, ” bulong niya sa sarili habang pilit na pinipigilan na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Mabuti na lamang at mag-isa siya roon. Tahimik niyang tiningnan ang sarili sa salamin, napapansin niya ang pula at namumugong pisngi, at ang mapanglaw na tingin na sumasalamin mula sa kanyang sariling mata. Huminga siya ng malalim, pilit pinagpipigil ang kanyang emosyon. “ Wag kang magpapadala

