Habang nakatingin siya sa inang masaya sa sorpresang selebrasyon, nanatili sa kanyang isip ang tulang ipinahayag sa gitna ng entablado para sa kanyang Ina—on the spot niyang ginawa iyon, walang ballpen at papel, tanging sa isip niya lamang siya nagsaulo. Bago pa man niya inumpisahan iyon, ilang sandali lang ang lumipas at hindi niya maitago sa sarili ang kaba. “Ang tulang ito ay para sa aking Ina… sa pinakamamahal kong Ina…” wika niya, at inumpisahang ipahayag ang mga salitang lumitaw sa kanyang isipan. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba; ang mahalaga ay maipahayag niya sa Ina ang kanyang tunay na saloobin at pasasalamat sa mga sakripisyong ginawa nito upang maabot niya at ng kanyang mga kapatid ang kanilang mga pangarap, lalo na ang makapagtapos sila ng pag-aaral dahil sa pagtitiy

