Nang marinig ni DJ ang pangalan ni Dianne na sinambit ni Dansel at ang balitang kasama raw nito ang asawa sa ospital, ay hindi na siya nag-atubiling alamin kung saan sila naroon. Mabilis ang t***k ng kanyang puso habang nakikinig sa kabilang linya, pilit inuunawa ang bawat salitang binibigkas ng kaibigan. Sinabi ni Dansel kung saang ospital sila naroon. Hindi pa man siya nakapagtatanong ng iba pang detalye ay bigla nang naputol ang kanilang usapan. Dali-daling tumayo si DJ at halos matumba pa sa pagmamadali. Agad siyang sumakay sa kotse at mabilis na pinaandar iyon, tila ba hinahabol ng oras at ng sariling kaba. Hindi na niya inintindi ang mga sasakyang nadaanan, ang mahalaga ay makarating siya sa ospital sa lalong madaling panahon. Nagtaka na lamang sina Athena, Kier, at Amy nang makit

