Habang papalapit si Darwin sa airport, lalo siyang kinabahan. Ramdam niya ang mabilis na t***k ng kanyang dibdib, kasabay ng mahigpit na pagkakahawak niya sa manibela ng motorsiklo. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa pagod, sa takot, o sa pananalig na baka huli na ang lahat. Sa isip niya, paulit-ulit ang isang panalangin—sana maabutan ko pa si Gemma. Mabilis siyang pumasok sa bakuran ng airport at ipinarada ang motorsiklo. Kahit ramdam pa rin ang kaba, pilit niyang pinatatag ang sarili. Papasok na sana siya sa entrance nang bigla siyang napahinto. Sa mismong unahan niya, biglang natumba ang isang babae. Walang pag-aalinlangan, mabilis siyang sumugod at nahawakan ang braso at likod nito bago pa tuluyang bumagsak. Napahinto rin ang ibang mga tao sa paligid, nagkagulo sandali habang sin

