Tama si Dianne, ako lang ang makakagawa ng paraan para sumaya ang puso ko. Iyon ang nasa isip ni Gemma, nakapagdesisyon na siya na gawin kung ano ang alam niyang nararapat gawin. Pero kung talagang para sa kanya si Darwin, kung ito na ang lalaking itinadhana sa kanya, alam niyang tutulungan siya ng tadhana na makamit ng puso niya ang lalaking inilaan para sa kanya. — Nang iwan na ni Darwin ang babae ay papunta na sana siya sa pintuan ng departure area. Ngunit napatigil siya nang mapansin ang hand towel sa dala niyang maliit na bag. Hand towel iyon na puti. Pumasok sa isip niya na baka sa babaeng tinulungan niya ang may-ari ng hand towel, baka nahulog nang muntik nang matumba sa sahig ang babae. Mabuti na nga lang ay mabilis niyang nahawakan sa braso at likod nito. Tiningnan niya ang han

