“Maganda rin pala ang ending ng love story ni Gemma at Darwin.” Masayang sambit iyon ni Dexter habang yakap ang maliit niyang unan, bahagyang nakaangat ang ulo sa pagitan ng kambal. Ang ilaw mula sa bedside lamp ay sapat lang para makita ang mga mukhang punô ng emosyon—tila ba may kanya-kanyang iniisip matapos pakinggan ang kwento ng kanilang ina. “Mommy,” biglang tanong ni Annilou, bakas sa kanyang mga mata ang paghanga at pagtataka, “totoo ba ang tadhana na minsan nagiging tao para masigurong matagpuan ang taong inilaan para sa kanila?” Bahagyang napangiti si Dianne. Umupo siya nang mas maayos sa gilid ng kama at marahang hinaplos ang buhok ng anak. “Oo naman. Hindi naman ilalagay ang ganyang klaseng kwento kung hindi naranasan ng isang tao. Ang tadhana, minsan tahimik lang—hindi na

