Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata... Galit si DJ na nilapitan si Gemma nang makita niya ito at sinumbatan. Sa Pagpapatuloy... "Tinatanong mo ako kung bakit si Dianne ang pinili ko? At wag mong sabihin na wala sa kalingkingan mo sa hitsura mo, dahil kung pagbabasehan sa ugali. Kahit sa kuko man lang ni Dianne ay wala ka!" Sagot ni DJ. "DJ, ano ba ang dapat kung gawin para mahalin at tanggapin mo?" madamdaming pahayag ni Gemma. "Mahalin at tanggapin? Kung dati ay hindi kita natutunan na mahalin, ngayon pa kaya? At kahit kailan ay hindi kita matatanggap sa buhay ko dahil you're the worst person I have ever knew! Pinagsisihan ko nga kung bakit nakilala pa kita. Ng dahil sayo nasira ang buhay ko, sinira mo kami ni Dianne! At pakiusap lang, layuan mo na dahil ayoko ng makita ang m

