“Anak, talaga bang ayaw mo ng magkaayos kayo ni DJ?” tanong ni Aling Marilyn kay Dianne habang nasa kusina sila, kasalukuyang nagluluto ng almusal. Naroon din si Arriane, dahil humingi ng tulong si Dianne sa bunsong kapatid. Isang linggo na ang nakalipas simula nang lumabas si Dianne sa ospital matapos manganak, at habang nagluluto, ramdam niya ang bigat ng nakaraang mga araw sa dibdib. Huminga ng malalim si Dianne at pinilit i-ayos ang sarili. “Sa totoo lang, nay, masama ang loob ko sa kanya… dahil hindi man lang siya sumipot nung manganak ako,” sagot niya, at tumalikod upang itago ang kanyang mga mata na hindi mapigilang mapuno ng luha habang nagsasalita. Oo, inaamin niya sa sarili na gusto niyang lumayo at ilayo kay DJ ang mga anak nila. Ngunit sa kabila ng galit at sama ng loob, hindi

