Hindi nakaimik si Dianne nang sabihin nito na tinatanggap nito ang desisyon niya na tinanggihan ang promotion, pero hindi na siya bibigyan ng pagkakataon na mapromote pa at habang nasa kumpanya siya nagtatrabaho ay manatili lang siya sa kanyang posisyon bilang empleyado. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon—parang isang napakalaking pinto ng oportunidad ang bumukas sa kanyang harapan, ngunit isinara rin sa kanyang mukha. “I will ask you again, Ms. Hernandez, for the last time if you will accept this Sales Manager position offered to you?” tanong ng Regional Head, may halong pagkabahala at pag-asa na sana’y magbago ang isip ni Dianne. Saglit siyang hindi nakasagot at ilang sandali ay napatango. Napag-isip-isip niya na tama at may punto ito sa mga sinabi sa kanya. Halos maramdaman niya ang b

