“ Hoy, miss… ano ba talaga ang gusto mong katibayan? Gusto mo ba ng marriage contract na ipapakita sa’yo para maniwala ka na mag-asawa sila? ” Singit ni Dansel na halatang naiinis na sa reaksiyon ng babae kay Dianne. Hindi na niya nagustuhan ang tono ng pananalita nito—mapanlait, mapanghusga, at tila ba pilit na binababa ang dignidad ng kaibigan niya sa harap ng maraming tao. Tahimik lamang si Dianne sa tabi ni DJ. Ramdam niya ang tensiyon sa paligid, ang mga matang nakatutok sa kanila, at ang mga bulung-bulungan na hindi man niya marinig nang malinaw ay alam niyang patungkol sa kanya. Hindi niya inaasahan na sa isang gabing akala niya’y magiging masaya at payapa ay muli na naman siyang mailalagay sa alanganing sitwasyon. Samantala, kakarating lamang ni Maribel Brillantes, ang talent ma

