Chapter 20: Hopeless

1801 Words
Pinikit ko ang isang mata ko at tinutok ko ang nguso ng SG sa kaniyang dibdib. Huminga ako ng malalim. "Bye-bye." tsaka ko kinalabit ang gatilyo. Gumawa ito ng malakas na tunog. Sa nangyari ay nabitawan niya ako at napa-atras siya. Bumagsak ako sa sahig at pinanuod kong sumigaw ang Melox habang salo ang kaniyang dibdib na may butas. "NO!!!!" may takot sa kaniyang boses habang sumisigaw siya. Unti-unti ay nakikita ko ang usok na nagmumula sa kaniyang dibdib. Noong una ay maliit ang butas nito hanggang sa unti-unti ay lumalaki ito at nagiging abo ang kaniyang katawan. Napalingon siya sa akin at sa isang iglap biglang naging normal ang kaniyang itsura. Isang magandang dalagita na nanghihingi ng tulong sa akin. "Help...me..." she whispered hanggang sa tuluyan na siyang naglaho sa harapan ko. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang abo. Nanginginig kong hinawakan ito. Hindi mawala-wala sa utak ko ang kaniyang huling salita na binitawan bago siya tuluyang mawala. "Are you okay?" Napatingin ako kay Basil na lumuhod sa gilid ko at hinaplos ang balikat ko. Bumaba ang atensyon ko kay Laina na hawak niya sa kabilang kamay niya. Wala parin itong malay dahil napalakas ang pagkakahampas ng likod ng ulo niya sa pader kanina. "Before she died, she went back to her normal self." kapos hiningang saad ko at bumalik ang paningin ko sa abo na unti-unting hinahangin sa mga kamay ko. "Don't be fooled." walang buhay niyang saad, "They are shape shifters. That is not their real body. You need to wake up Jadey and don't let your heart be weak in times like this." Natauhan ako sa mga salitang binitawan ni Basil. Hinila niya ako patayo at minuwestra na umabante na kami. Hindi ko tuloy maiwasan na pagmasdan ang kaniyang likuran na naglalakad palayo sa akin. Alam kong masyadong sapilitan ang gusto niyang mangyari pero naiintindihan ko ang gusto niyang ipunto sa akin. We are in a survival mode. We need to use our brains, not our hearts. Huminga ako ng malalim at napilitan akong sumunod sa kaniya. Pinulot ko muli ang bag na binagsak ko sa sahig at sinukbit ko ito. Napangiwi ako nang makaramdam ako ng kirot sa balikat ko. Masakit ang katawan at bahagyang umiikot ang paningin ko pero kailangan namin magpatuloy. "Can you carry that?" Napatingala ako kay Basil nang magsalita siya. He was crossing his arms while waiting for me at the door. Sinundan ko ng tingin ang kaniyang mata at nahuli kong sa SG pala siya nakamasid. "I guess." walang buhay kong tugon. Nagtagal saglit ang atensyon niya sa akin. Napabuga siya ng marahas na hininga at nagulat ako nang hawakan niya ang baba ko. Biglang nagwala ang mga halimaw sa sikmura ko nang ilapit niya ang mukha sa akin habang sinusuri ang lagay ko. "You want me to carry that bag for you?" he asked. Ang kaniyang boses ay malumanay. Hindi ako nakakibo agad. Sa hindi malamang rason ay para akong estatwa nanaman sa pwesto ko habang pinagmamasdan ko ang mga kulog at kidlat na sumasayaw sa kaniyang mata. Para itong isang bagyo na niwawasak ang aking sistema. Hindi ko namalayan nakakapit na pala ako sa kaniyang malapad na braso. "I-" nabaling ang tingin ko kay Laina na nakasandal ang ulo sa kaniyang dibdib. Mahimbing ang tulog nito at maamo ang mukha, tila, hindi makabasag pinggan. Biglang namatay ang mga paru-paro sa tiyan ko at walang buhay ko siyang tinulak palayo sa akin. Nagtaka siya pero nilagpasan ko na siya. Hindi ko alam, ngunit, bigla akong nawalan ng gana. "Hey, wait." he called my name but I didn't look back at him. Diretso lang ang tingin ko sa harapan. Mabibilis ang bawat hakbang ko papalayo sa kaniya nang maramdaman kong hinawakan niya ako sa braso ko at sapilitan akong hinarap sa kaniya. Ngunit, dumiin ang kamay niya at masakit ang parte kung saan siya nakahawak kaya't napa-aray ako at kusang tumulo ang luha ko. "I'm sorry..." mabilis niya akong binitawan. Hindi ko siya pinansin. Sa halip ay minasahe ko ang braso ko. Kumikirot na talaga ang ilang muscles ko at gusto ko nang mahiga at magpahinga. Pagod na pagod na ako. Pinipilit ko na lang gumalaw para makatakas na sa lugar na ito. Bakit ba kasi napili nilang sa pinakamataas ng floor kami magtago. Ang hirap tuloy bumaba at wala na akong ideya kung anong floor na ba kami. "Here, let me carry this." Nagulat ako nang hablutin niya mula sa akin ang bag na dala ko. Sinukbit niya ito sa kaniyang balikat at inayos ang pagkakabuhat kay Laina. Hindi ko tuloy maiwasan na maawa sa lagay niya. Ang dami niyang bitbit. "Ako na, kaya ko naman." baka bumigay ang kaniyang mga kamay sa dami ng dala niya. Tatlong bag ang kaniyang sukbit sa balikat at buhat pa niya si Laina. "No." madiin niyang saad at nilayo sa akin ang mga bag. Seryoso niya akong tinignan at bumaba ang kaniyang mata sa katawan ko. "You're injured and can barely walk straight. If I can carry you with me I would do it without a beat." aniya at siya naman ang nilagpasan ako. Sinunandan ko naman siya ng tingin. Alam kong nahihirapan siyang bitbitin ang lahat ng gamit pero pinipilit lang niya para hindi na ako mahirapan. Bumaba tuloy ang tingin ko sa mga kamay ko. Dugo, sugat, madumi at parang galing sa putikan. Ang dumi-dumi ko na palang tignan. Pare-parehas naman kami pero bakit ako lang ang naiiba sa kanila. If Laina is awake, hindi naman siya magiging pabigat katulad ko. Malakas siya at maaring magtulungan pa sila ni Basil sa pagpapatumba ng mga kalaban. Samanatalang ako, eto, kailangan pang i-spoon feed kung paano makatakas sa isang mapanganib na sitwasyon. Kakayanin ko ba kung mag-isa lang ako? Maliligtas ba ako nang walang tulong nila? Pumikit ako ng mariin. Gusto ko lang naman tumulong at tumayo sa mga sarili kong paa. Bumibigat ang balikat ko, tila, pasan ko ang lahat ng responsibilidad. "Jadey." Natigilan ako nang marinig kong may nagsalita sa harapan ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha kay Basil na nag-aabang sa akin. Ang kaniyang tingin ay tumatagos hanggang kaluluwa ko, parang hinahalukay ang kaila-ilaliman ng damdamin ko. Sa hindi malamang rason ay biglang lumambot ang puso ko na pilit kong pinapatigas. Namalayan ko na lang na bumubuhos nanaman ang mga luha ko habang nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya. Nakatayo lang ako at parang walang buhay at emosyon. "I'm sorry for everything." 'yan lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Gusto ko pang bumuga ng mga salita na binubulong ng puso at utak ko sa akin, pero namalayan kong tutop ko ang bibig ko, pinipigilan ang sarili. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman. Dahan-dahan akong napaluhod sa kaniyang harapan at yumuko ako. Nanginginig ang mga kamay ko. I want to scream. I want to vent out my inner demons. I want my young self to be free from this abyss. I was losing hope and was lost in a dark place, no light ahead. Kahit saan ako lumingon, walang katapusan na dilim at takot ang umuusbong. Palinga-linga ako sa paligid hanggang sa huminto ito sa isang pigura hindi kalayuan sa aking pwesto. She's young and alone. She was also scared like me. Instead of doing something, she cried. Nanghihina siyang napa-upo at niyakap ang kaniyang tuhod. Nanatili naman akong nakatayo sa pwesto ko, walang emosyon pinagmamasdan ang walang silbi, mahina, at iyakin na bata sa harapan ko. "Kailan ka ba magbabago?" bulong ko kahit na alam kong hindi niya ako maririnig. I just stood there, lifeless. As much as I want to help her, I can't find myself taking a step forward either. Napabuga ako ng marahas na hininga at napa-upo na lang din ako. "Wala ka na ba talagang gagawin, Jadey?" I asked the kid. Para na akong masisiraan ng bait dahil nakikita ko ang younger self ko, much worst, I'm judging her. Napapikit ako ng mariin muli dahil hindi ko masikmuraan ang sarili ko. "You're not alone." Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya. Bigla akong nawala sa madilim na lugar nang mag-angat ako ng mukha sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang matagpuan kong nakangiti siya. It's my first time seeing him smile, and it somehow gives comfort to my existence. "You have me." he said gently while caressing my cheeks. The way he said those words made my insides week and my heart did a somersault. Napalunok ako at biglang tumigil sa pagtulo ang luha ko. Nawala ang mga bagay na nakapaligid sa amin at tanging siya lang ang nakikita ko. "You don't have to say sorry all the time, Jadey. I will protect you."  Ang mga salitang ito ang matagal ko nang gustong marinig. Unexpectedly, it was from someone who I don't know deeply. Dahan-dahan niyang nilapit ang kaniyang mukha sa akin. Biglang nagkagulo ang mga paru-paro sa tiyan ko at hindi ako makapag-isip ng maayos. Wait, is he going to kiss me? Pinikit ko ang mata ko at hinayaan siya. Naghihintay ako nang maramdaman kong pinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko at nakapalupot ang kaniyang mabigat na kamay sa beywang ko. Namula ang mukha ko dahil inakala kong may gagawin siyang kakaiba. Ngunit, niyakap ko na lang din siya pabalik. We stayed in that position for how many minutes. I was enjoying the moment and feel like I'm walking on the top of clouds when we hear someone coughing. "Laina?" Biglang humiwalay sa akin si Basil at bumaba ang tingin niya kay Laina na hawak niya. Nawala sa isip ko na buhat niya parin si Laina. Umuubo ito at dahan-dahan na dinilat ang talukap ng kaniyang mata. Nakitaan ko ang pagkislap ng mata ni Basil, tila, tuwang-tuwa siya at niyakap niya ng mahigpit si Laina na tuluyan nang nagising. Ako naman ay pinapanuod lang silang dalawa. "B-basil?" halos walang boses ang lumabas sa bibig ni Laina. Halatang nanghihina pa siya kaya't pinatahimik siya ni Basil at maingat niyang nilapag sa sahig si Laina. Ako naman ay hindi makagalaw at naging bato nanaman sa pwesto ko. Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang umabante kay Laina. Mabigat ang loob ko habang pinagmamasdan ko siya. Pakiramdam ko ay ang sama-sama ko tuloy dahil pinakita niya ang kabutihang loob niya sa amin. "Basil..." sumilay ang ngiti sa labi ni Laina nang mapagmasdan niya si Basil. Hinaplos ni Basil ang kaniyang labi at lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Napapikit ako. Bakit natatabangan ako sa nasasaksihan ko? I should be happy because she's fine and awake now. Lumuhod ako sa gilid niya at hinawakan ko ang kamay niya. Napalingon siya sa akin at mas lalong lumawak ang ngiti niya nang magsalubong ang tingin namin. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko at gusto kong isumpa ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD