Chapter 19: Hide One's Head

1817 Words
Kinakabahan akong napalingon muli sa paligid. Alam kong naglaho na siya pero ayaw mapanatag ng loob ko. Hindi niya sinagot kung nasaan ang kapatid ko at alam kong hindi siya karaka-rakang mawawala sa gusali na ito, lalo na kung isang katulad niya na halatang gutom at uhaw sa dugo. "Let's make it simple." Natigilan ako at nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses niya sa likuran ko. Ang kaniyang hininga ay humahaplos sa punong tenga ko. Nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko at mabilis akong lumingon sa likuran ko, ngunit, wala na siya rito. Mabilis siyang nawala ulit. "The instructions are you just need to hide and I need to find you, simple right?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses niya at natagpuan ko siya sa dulo ng hallway. He's standing there, arms crossed and waiting for us to get up. "I don't want things to be boring so let's make a twist. If I catch you, I'm going to eat your head. But if you get out of this building alive without me catching you, then you're free to go." "But remember," pahabol pa niya. Nilagay niya ang kaniyang kamay sa likuran at dahan-dahan na humakbang. "I have pets out there, lurking and waiting for you."  Tumingin ako kay Basil na nakatingin na rin pala sa akin. Dali-dali akong tumayo at sinukbit ko ang bag ni Laina. "Let's get out of here." pag-aaya ko sa kaniya. Ang kabog sa puso ko ay mas lalong lumakas at dumadagundong. "Ten..." nagsimula na siyang mag bilang na mas lalong nagbigay ng kaba sa dibdib ko. Nagmamadaling binuhat ni Basil si Laina at kumaripas na kami ng takbo palayo kay Abchanchu. "Nine..." We can still hear his voice ringing in our ears kahit na nakalayo-layo na kami sa kaniya. Pinipigilan ko na lang ang sarili ko na umiyak dahil pinangungunahan nanaman ako ng takot. Ayoko maging kampante. Kung nakatakas kami kanina kay Lidit Ermosa, ibang klase ang kalaban namin ngayon. Mas mapanganib, nakakatakot, mabilis at higit sa lahat... "Eight..." Kung saan-saan na kaming pasilyo lumiko nila Basil. Ramdam ko na ang pagod na rumaragasa sa buong sistema ko. Ang mga tuhod ko ay nanlalambot na kasabay ng pangangalay ng balikat ko sa bigat ng mga dala ko pero tiniis ko para lang makatakas. "Here." Napatingin ako sa senyales sa taas na nakalagay ay fire exit. Binuksan ni Basil ang pintuan at pinauna na niya ako. Napatingin ako sa ibaba at halos malula ako sa dami ng hagdan na kailangan namin tahakin para lang makarating sa pinaka ground floor. "Hurry!" Napaigtad ako at kumaripas na ako pababa ng hagdanan. Nakahawak ako ng mahigpit sa railings nang biglang yumanig ang buong lugar. Napahinto tuloy kami at saglit kaming nagkatinginan. "What's happening?" kinakabahan kong tanong. Napakurap si Basil at napalunok. Nahuli kong humigpit ang pagkakahawak niya kay Laina at huminga siya ng malalim. "Let's just keep on going." nag-iwas na siya ng tingin at nauna na. Sinundan ko naman siya ng tingin. Napatingala ako sa pinanggalingan namin. Hindi ko na naririnig ang kaniyang boses at mukhang nakalayo-layo na kami sa kaniya. Ngunit, alam kong hinahanap na niya kami dahil ilang minuto na ang nakalipas at siguradong tapos na siya magbilang. Sumunod na lang ako kay Basil. Bahagyang yumayanig parin ang buong gusali, tila, malapit na itong bumigay. Kinagat ko ang dila ko at nagpatuloy sa pagbaba nang may narinig akong kumakanta. Natigilan kami ni Basil. Napatingin ako sa kaniya at ramdam kong tumambol ng malakas ang t***k ng puso ko, nangangamba sa sasalubong sa amin. Malabo pa sa aming pandinig ang boses pero sa bawat minutong lumilipas ay lumilinaw na ito at nakikilala ko na kung kanino ito nanggagaling. Nanlaki ang mga mata ni Basil at tumingala siya. Napalunok ako at dahan-dahan akong tumingin sa likuran ko, sa pinanggalingan namin. Hindi ko alam kung bakit hindi nanaman ako makagalaw kung ito ang pagkakataon na kailangan namin tumakbo muli dahil may nakasunod sa amin. Para akong maiihi sa takot dahil sobrang nakakatakot at nakakapanghina ng mga kalamnan ang boses ng kumakanta. Boses babae at mukhang nasa kabataan ang kaniyang edad dahil may kaunting tinis, lambot at lalim. Napalunok ako habang inaabangan ko ang kaniyang pagbungad sa amin. Biglang huminto ang kanta. Luminga-linga tuloy ako sa paligid, baka bigla siyang sumugod sa amin. Napatingin ako sa kamay ko na nanginginig na pala. Napabitaw ako sa railings at kasabay nito ay may bumulong sa tenga ko. "Jadey!" "You smell delicious." she whispered right in my ear. Tila, bumagal ang pag-ikot ng mundo ko nang makita ko siya sa gilid ko. Nakangiti siya ng malawak at natatakpan ng kalahati ng buhok niya ang mata niya. Mukha siyang ordinaryong babae, ngunit, ang uri ng kaniyang ngiti ang nagbibigay ng kilabot sa sistema ko. Bago pa niya ako mahablot ay naka-ilag ako at tinulak ko siya ng malakas. Tumawa ng malakas ang babae at parang hindi siya natinag sa ginawa ko. Sa halip ay nagawa pa niyang tumingala at humalakhak na parang may ginawa akong nakakaaliw. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Sa gulat ko ay napasigaw ako nang hatakin ako ni Basil palayo sa babae. Nilingon ko ito at hindi parin siya umaalis sa kaniyang pwesto. Nakangiti lang ito habang sinusundan kami ng tingin papalayo sa kaniya. "What is that thing?" tanong ko kay Basil. Kinakapos na ako ng hininga at gusto ko munang huminto pero kailangan namin magpatuloy. "That's a Melox, but a malformed one. Ordinary Melox acts like a normal person. But this one is different." Napapikit ako nang biglang umalingawngaw ang kaniyang tawa sa buong paligid. Nakakakilabot at gusto kong maihi sa sobrang takot. Napalingon ako at napasigaw ako nang makita kong gumagapang na parang gagamba ang babae sa railings ng hagdanan. She's laughing while smiling creepily at us. May mga bahid ng dugo ang kaniyang gilid ng labi at ang kaniyang buhok ay nakatayo. "Don't look at her!" pinigilan ako ni Basil at halos madapa na ako sa bilis ng kaniyang takbo. Kumapit ako ng mahigpit sa kaniyang kamay at lihim na lang nanalangin na sana ay matapos na itong bangungot. Para na akong masisiraan ng bait sa mga nakakasalamuha naming halimaw. Gusto ko nang makatakas sa lugar na ito at matulog na lang ng mahimbing, straight in a week. Walang gagambala at walang problemang iniisip. "Dito!" binuksan ni Basil ang pintuan nang makarating kami sa palapag at inuna niya akong ipasok sa loob. Bago sumarado ang pintuan ay nahablot ng Melox ang kamay ni Laina. Napasigaw kami nang hatakin niya si Laina palayo sa amin. Tumatawa siya, tila, isang laruan ang kaniyang inagaw sa amin. Napamura ng malakas si Basil at sinipa niya ang pintuan. "Bring her back!" nilabas ni Basil ang SG na hawak niya at tinutok ito sa Melox. Ngunit, hindi niya magawang kalabitin ang gatilyo dahil hawak nito si Laina at baka matamaan niya ang kaniyang girlfriend. Binaba ko ang mga bag na dala ko at sumugod ako sa Melox. "Jadey! No!" Hindi ko pinakinggan si Basil. Hinanda ko na ang sarili ko sa mangyayari sa oras na binagsak ko ang mga gamit at hinakbang ko ang mga paa ko. Natatakot ako pero nilihis ko ang ideyang 'yon dahil nasa panganib na sitwasyon ang kaibigan ko. Dumamba ako sa Melox. Nagulat ito dahil hindi niya inaasahan ang biglaang pagsugod ko sa kaniya. Nabitawan niya si Laina. Pumatong ako sa kaniya at pinagsusuntok ko siya. Hindi mapakali ang Melox at para itong nauulol dahil gumagalaw ang kaniyang ulo at umiikot ang kaniyang mata. "AHHHHHHHHHHHH!" Napatakip ako sa tenga ko nang gumawa ito ng tunog na nakakabasag ng pandinig. Naramdaman kong hinawakan niya ang beywang ko at namalayan ko na lang gumugulong na kami sa hagdanan. Tumama ang ulo ko sa bawat baytang ng hagdanan. Bumagsak ang katawan ko sa sahig at umiikot ang paningin ko. I can't feel my body anymore. Ramdam ko ang kirot at hapdi ng bawat anggulo ng katawan ko. Dinilat ko ng kaunti ang mata ko at nadatnan kong nakangiti sa akin ang Melox. Parang wala lang sa kaniya ang nangyari dahil kahit na duguan siya, nagawa niya paring lumuhod sa gilid ko at haplusin ang pisngi ko. "You're mine."  Nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko at nanginig ang mga kalamnan ko. Gusto kong kumalas sa pagkakahawak niya sa akin. Malamig ang kaniyang kamay at tuwang-tuwa siyang humahaling-hing sa gilid ko. "I finally have you." she whispered. Ang kaniyang boses ay nakakapangilabot dahilan para manlamig ang buong pagkatao ko. Pumikit na lang ako ng mariin at hinayaan na lang siya. Gustuhin ko man gumalaw ay hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko dahil namamanhid na ito. Hinawakan niya ang kamay ko. May tumulo na madulas na likido sa mukha ko at sa katawan ko. Mabaho ito at halos bumaligtad ang sikmura ko. Gusto kong bumangon bigla at magsuka. Halo-halo na ang emosyuong nararamdaman ko. Ramdam kong tumulo ang luha pababa sa pisngi ko. Hindi ko na kaya, kunin mo na lang ako please. "AHHHHHHH!" Napadilat ako bigla ng mga mata ko nang umalingawngaw sa buong paligid ang katakot-takot na sigaw ng Melox. Natagpuan kong nakatingala siya at sumisigaw na parang nasaktan siya. Hawak niya ang kaniyang dibdib at may kaunting usok ang lumalabas mula rito. "Jadey! Get up!" Napatingin ako sa sumigaw at bigla akong nabuhayan ng loob nang makita ko si Basil. Hawak niya si Laina na wala paring malay at nakatutok ang armas niya sa Melox. Kinasa niya ang kaniyang baril at nagpaputok muli sa gawi ng Melox. Tumama ito sa likuran niya at napasigaw siya muli sa sakit. Kinuha ko ang pagkakataon na ito para makalayo. Halos gumapang na ako para lang makatakas dahil hindi ko pa maitayo ng mabuti ang mga paa ko, nang, bigla niya akong hawakan sa sakong ko at hinila ako. Napasigaw ako sa gulat. "You're not going anywhere!" she screamed like a lunatic while laughing my misery and struggles to get away from her. Sinipa ko ang kaniyang kamay, ngunit, nilabas niya ang matulis niyang kuko at tinusok ito sa balat ko. Nanghina ako dahil parang hinihigop niya ang lakas ko. Lumawak ang kaniyang ngisi at pinaglaruan niya ang kaniyang mahabang dila. "Jadey! Catch!" Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay napalingon ako muli sa gawi ni Basil. Binato niya sa akin ang SG niya at nasalo ko naman ito. Umikot ang paningin ko nang ibitin niya ako patiwarik. Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo patungo sa ulo ko. "Shot her in the chest where the symbol is! It's their weak spot!" Umalingawngaw ang boses ni Basil at parang nagmamakaawa siya. Nanghihina man ay kinasa ko ang SG at inamba ko ito sa dibdib ng Melox. Nakanganga siya ng malawak at umaalingasaw sa akin ang kaniyang hininga. Tumutulo ang ilang bahid ng dugo mula sa kaniyang malaking bunganga at ang kaniyang dila ay nakalabas na parang ahas na pinalupot sa aking katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD