"Ano?" hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya.
"Hindi ko maitali ang sintas ko." aniya at bumaba muli ang tingin niya sa kaniyang sapatos, inaayos ang tali.
Katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Parang may dumaan na anghel. Nag-angat siya muli ng mukha at kumunot ang noo niya.
"Ahmm... hello? Hindi mo ba ako tutulungan ayusin 'tong tali ko? Muntikan na kasi akong madapa kanina."
Huminga ako ng malalim at pinatunog ko ang mga buto sa kamay ko. Narinig kong nag mura ng malutong ang dalawa sa likuran ko, dismayado.
"Oh, ba't biglang naging banal ka diyan?" tanong ni Jax pero hindi ko siya pinansin. Ang buong atensyon ko ay nasa panalangin ko.
"Forgive me for I will hurt my brother." nang matapos na ako ay buong lakas ko siyang sinikmuraan. Impit siyang napatili sa sakit at napahiga sa sahig habang dumadaing.
My twin looked at me as if I'm the most horrible person he have seen in his entire life. He was too stunned to speak or even move. Umikot ang mata ko at tumayo na.
"W-what did you do that for?" kapos hininga niyang tanong. Para siyang naubusan ng hangin dahil nahihirapan siyang magsalita.
"That's for making a scene in the middle of our evacuation. Hindi ka na nahiya!" singhal ko sa kaniya.
Tumalikod na ako sa kaniya at hinarap ko ang dalawa. Pinapanuod lang nila kaming dalawa at sa uri ng tingin nila ay parang natatakot silang kausapin ako.
"Let's go." pag-aya ko sa kanila at nauna na akong maglakad. My twin will catch up with us.
Naramdaman kong sumunod na sila sa akin. Sobrang tahimik muli ng paligid at medyo nakakailang dahil alam kong pinapakiramdaman nila ako. Huminga ako ng malalim. Alam kong nagiging sensitive sila sa akin dahil sa nangyari kanina. Ngunit, ayoko naman isipin nilang bawat galaw ko ay kailangan ingatan nila. Nagmumukha tuloy akong sobrang hina. I can take care of myself, it's just that, hindi ko na kinaya kanina kaya nag breakdown ako.
Lumingon ako sa kanila, "Guys it's okay-" ngunit, natigilan ako nang mapagtanto kong wala sa likuran namin ang kapatid ko.
"Jax?" luminga-linga ako sa paligid para hanapin siya.
"He's gone?" hindi makapaniwalang tanong ni Basil.
"How did that happen?" maski si Laina ay bakas ang pag-aalala at pangamba sa tono ng boses niya.
Kumabog ng mabilis ang t***k ng puso ko at bumalik ako sa pwesto ni Jax kanina. Kahit saan ako tumingin ay hindi ko siya makita. Kahit anino niya ay hindi ko mahagilap. Pinangungunahan tuloy ako ng kaba sa dibdib ko at hindi na ako mapakali. The thought of my twin is missing makes me hyperventilate.
"Jadey, relax. We'll go find him."
Naramdaman kong may humaplos sa balikat ko. Napatingala ako kay Basil na seryoso ang ekspresyon ng mukha at nilagpasan niya ako. Hinanda niya ang kaniyang armas.
"Let's go Jadey, let's find your twin. Stay here beside me." hinawakan ni Laina ang kamay ko at sumunod na kami kay Basil.
Hindi ko maiwasan na matakot sa maaaring mangyari sa kaniya. I may hate his immature stunts but he is still my twin and I love him dearly. Kung ano-anong what if's nanaman ang gumugulo sa utak ko. Sana ay ligtas siya. Sana ay buhay pa siya kapag naabutan namin.
"What do you think that got him?" bulong ko kay Laina.
Tumingin siya saglit sa akin bago ibalik ang atensyon sa aming nilalakaran. Umiiwas ako sa ilang hibla ng spider web na nakaharang sa daan. Sumasabay pa ang baho at dumi ng paligid.
"Hindi ko rin sigurado kung ano ang dumakip sa kapatid mo. It could be a Melox or a Bevil, but those two are loud, especially a Bevil. It could be a Melox, but Melox appear right in front of us and they always make a creepy sound." huminga siya ng malalim.
"I'm afraid to say this, but a Class 0 probably caught your brother."
"Class 0 have different types of creatures. Hindi pa namin nakakasalamuha ang iba, but most of them have different strength, speed, type and weaknesses. If we are going to talk about the speed who easily captured Jax even with our presence, I could only think of one Class 0."
Napalunok ako nang makita ko ang pangamba sa kaniyang mata. Parang pinipigilan niya ang sarili na ituloy ang balak na sasabihin, ngunit, pinisil ko ang kaniyang kamay. Pagbibigay senyales na handa akong marinig ang katotohanan.
"His name is Abchanchu, it's a weird name but it's one of the deadliest Class 0 I have heard. Kakaiba ang kanilang bilis, liksi at wala akong ideya kung ano ang itsura nila. Kaya ka niyang dakipin nang walang nakakarinig."
Just like what happened to Jax earlier. He's with us but we didn't heard him struggling or fighting when someone caught him.
Biglang huminto sa paglalakad si Basil at sinenyasan kami. Hindi ko naintindihan ang kaniyang senyales, ngunit, itong si Laina ay bigla akong dinala sa gilid.
"What's going on?-" pinutol ako ni Laina nang takpan niya ang bibig ko at pinandilatan niya ako ng mata.
"Someone's here." she whispered right in front of my face.
Nanlaki ang mga mata ko at nanigas ako sa pwesto ko. Dahan-dahan na kinuha ni Laina ang kaniyang baril na nakasukbit sa hita at luminga-linga siya sa paligid. Sobrang tahimik at tanging malakas na kabog ng puso ko ang naririnig ko.
Napatingin ako kay Basil na mahigpit ang kapit sa dalang armas at pinapakiramdaman ang paligid. Sa hindi malamang rason ay may nararamdaman akong kakaibang presensya na siyang nagpapatayo ng balahibo sa buong katawan ko.
Napaigtad ako nang may bumagsak na bagay sa gilid namin. Napalingon kaming lahat dito at nagulat ako nang magpaputok ng baril dito si Basil. Sa sobrang lakas ay natakpan ko ang tenga ko at para akong nabinge.
Lumipas ang ilang minuto ay pinagmasdan ko ang bagay na nahulog. Isang delata lang pala ng pagkain.
Nag relax ang mga balikat ni Laina, "Thank God it's just a-" ngunit, natigilan siya at mukhang may napagtanto siya.
Nagtaka ako kung bakit parang tulala siya at hindi makagalaw. Ngunit, nang marealize ko kung saan nanggaling ang delata ay unti-unti nag sink in sa akin. Dahan-dahan akong tumingin sa kisame at nanghina ang mga tuhod ko nang sumalubong sa akin ang dalawang pares ng kulay dugong mata.
Bumagsak siya sa kisame at tumayo ng tuwid sa harapan namin, tila, hindi siya nasaktan sa pagbagsak. He looks like a normal person. Ang kaniyang balat ay maputla. Matangkad ang kaniyang pigura at maganda ang hubog ng katawan. Singkit ang kaniyang mata, matangos ang ilong at nakangiti ng mala-demonyo sa amin.
"Look what do we have here, guests!" tuwang-tuwa niyang saad at humalakhak siya.
Mayroon siyang pangil na matutulis at mukhang kaya kaming patayin nang isang kagat lang. Napalunok ako at nagkatinginan kaming tatlo, nangangamba sa maaaring mangyari.
"You're Abchanchu..."
Gumalaw ang panga ni Basil at gumawa ito ng tunog. Tumatagos ang kaniyang tingin kay Abchanchu na nakangisi, tila, hindi siya natinag sa nanlilisik na mga mata ni Basil. Nagawa pa niyang mag-krus ng kaniyang mga braso at tinignan ang mga daliri at kuko na matutulis.
"Yeah, I know I'm famous." arogante niyang saad at humikab pa siya nang tignan niya mula ulo hanggang paa si Basil.
"You look familiar to me." hindi nawala ang demonyong ngiti niya. Mas lalo itong lumawak at kasabay nito ay kumislap ang kaniyang mata, tila, may nakita siyang nakakuha ng kaniyang interest kay Basil.
"You kind of look like...hmmm." nilagay niya ang kaniyang daliri sa labi niya at nilaro niya ito. Humahagod ang kaniyang daliri pababa sa leeg niya. Nilabas niya ang kaniyang mahabang dila at nagpakawala siya ng nakakakilabot na tawa.
"I remember!" kuminang ang mga mata niya at nilaro niya ang dila niya.
"You look like my food!" tsaka siya tumawa sa kaniyang joke. No one laugh with him. Napatingin lang ako sa dalawa na nakahanda kung sakaling umatake ang isang 'to.
I have a bad feeling about this. Villains like Abchanchu are always the unpredictable ones. They may act goofy or silly, but in reality, they are the strongest. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Abchanchu. Ngunit, base sa panginginig ng kamay ni Laina at sa pagtitimpi ni Basil, mukhang mapanganib nga ang isang 'to.
"Where's Jax?!"
Naramdaman kong napatingin ang dalawa sa akin. Humigpit ang pagkakahawak ni Laina sa akin at pinandilatan niya ako ng mata, tila, tinubuan ako ng limang ulo sa kaniyang paningin. Hindi ko sila pinansin. Sapagkat ay nakatuon ang buong atensyon ko sa kalaban namin. Wala akong pake kung malakas siya o kaya niya kaming patayin mismo sa pwesto namin. I want my twin back.
Nanghina ang mga tuhod ko at bumaligtad ang sikmura ko nang dahan-dahan na bumaling ang tingin niya sa akin. Sa isang kurap, namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya at tumilapon sa pader si Laina. Umalingawngaw ang boses ni Basil sa buong paligid at pinuntahan niya si Laina na walang malay.
Sa sobrang gulat ay hindi ako nakagalaw. Parang estatwa ako sa pwesto ko kahit na nararamdaman ko ang kaniyang hininga sa pisngi ko. Hinaplos niya ang buhok ko, hinahawi ang ilang hibla na nakaharang sa mukha ko.
"My, my, what a fine lady we have here. Are you single?"
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Walang kwenta ang kaniyang mga pinagsasasabi, ngunit, hindi parin naaalis ang atensyon ko kay Laina na umaagos na ang dugo niya sa ulo. Inaalog siya ni Basil at pilit na ginigising. Gusto kong tumakbo sa kanila upang tumulong, ngunit, nakakulong ako sa pagitan ng mga kamay ni Abchanchu.
Naramdaman kong hinawakan niya ang baba ko at sapilitan niya akong hinarap sa kaniya. Nang magtama ang paningin namin ay mas lalo akong nanghina. Abot ang panalangin ko na sana wala siyang masamang gawin sa akin.
"Relax, I'm not going to eat you." kakaibang ngiti ang binigay niya sa akin.
"Well, probably later but I still want to have some fun with you." kinindatan niya ako.
"Where's my brother?" lakas loob kong tanong muli sa kaniya. Kahit na abot ang panginginig ng kamay ko sa takot, ngunit, kailangan ko siyang harapin. I don't want to stand here and do nothing.
"Let's play a game." hindi niya sinagot ang tanong ko.
Magpo-protesta na sana ako nang bigla siyang mawala sa harapan ko. Napakurap muli ako at hinanap-hanap ko siya. Tumingala ako, sakaling nasa kisame nanaman siya pero wala siya rito. Hindi nga nagkakamali sila Laina sa kaniyang bilis. Para siyang isang kidlat na sandale mo lang mahuhuli sa sobrang bilis nitong maglaho.
At dahil wala siya, kinuha ko ang pagkakataon na ito para makatakbo papalapit kila Laina. Pagkaluhod ko sa gilid niya ay kinuha ko ang kaniyang bag at hinalungkat ko ang loob nito. I remember na siya ang may dala ng mga medical kit.
"Here." inabot ko kay Basil ang benda na siyang nagmamadaling kinuha sa akin at sinimulan na niyang lagyan ang ulo ni Laina para tumigil ito sa pagdurugo.