Lakad lang ako nang lakad nang may nakabunggo ako. Nag-angat ako ng tingin at nagulat ako nang makita ko si Laina. Hindi ko alam kung bakit natakot ako nang makita ko siya. Pakiramdam ko ay may malaki akong kasalanan sa kaniya kaya't bigla akong nag-iwas sa kaniya ng tingin, sa takot na baka may masabi siya sa akin.
"I-i'm s-sorry..."
Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. Natigilan tuloy ako at kinakabahan akong napalingon sa kaniya. Nang magtagpo ang mata namin ay bakas ang pag-aalala sa kaniya.
"You look traumatized, Jadey, come you need to calm and tell me what's bothering you." inalalayan niya akong maupo sa sofa. Hindi ko namalayan na sa sala pala ako nakarating. Nang makaupo na ako ay hinuli niya ang kamay ko at hinaplos ito.
"I'm sorry for everything. Hindi mo deserve ang nangyayari sa'yo ngayon. Hindi namin nasabi agad sayo ang tungkol sa mga Class 0. We will tell you the details about their kind soon when you are feeling better. Right now, tell me what's bothering you." she sincerely asked while looking into my eyes with purity.
Natulala ako sa kaniya. Nakangiti siya ng malumanay sa akin, tila, hindi niya bibitawan ang kamay ko hangga't hindi ko nailalabas ang hinanakit ko. Parang may humaplos sa puso ko at hinele ito. Namalayan ko na lang na umiiyak nanaman ako sa kaniya habang pinipigilan ko ang sarili ko na manginig.
"I can't take this place anymore. I don't want to be here. I don't want to see Basil. He triggered my fears. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari rito. Gusto ko na lang matapos ito lahat at nang hindi na ako mahirapan pa ng ganito." sunod-sunod kong pagbabato ng mga salita sa kaniya. I know it's depressing but I want to let this all out. Kanina pa ako nagkikimkim at halata naman sa mga mata niya ang sinseridad sa pakikinig sa akin.
"Please...help us." tinignan ko siya. Ramdam kong humahapdi na ang mata ko sa kakaiyak pero parang may sariling buhay ang mata ko dahil kusa itong naglalabas ng luha kahit anong pigil ang gawin ko.
"Jadey..." ang mata niya ay naaawang pinagmasdan ako at hinaplos niya ang kamay ko.
"I'm sorry for what Basil said to you. I'm sorry you're feeling this way because of him. I'm going to talk to him about this. I know it's hard to forgive him in your part, but please, we have no other people here to trust other than us. Tayo-tayo na lang ang pwedeng magtulungan dito."
Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin at hinaplos niya ang ulo ko, "Hindi kita pinipilit pero, gusto kong ipaalam sa'yo na hindi niya sinasadya 'yon. He would do everything for you to forgive him. That's why I fell in love with him."
Tumayo na siya at inaya niya ako, "Halika, mukhang hindi mo kinain kasi yung binigay ni Basil sa'yo na pagkain na hinanda ko. Kumain muna tayo bago tayo lumikas sa lugar na ito."
Kumunot ang noo ko, "Aalis tayo rito?"
"Malapit nang gumuho ang lugar na ito dahil sa kakagawan ng isang Class 0 kanina. Hindi na tayo ligtas dito dahil nalaman ng isang Class 0 ang pinagtataguan natin. You heard her screams earlier? Posibleng narinig siya ng ibang Class 0 at patungo na sila rito."
Biglang kumabog ng mabilis ang t***k ng puso ko at kinabahan sa ideyang papunta ang mga kauri ni Lidit Ermosa rito sa lugar namin. Ang nangyari kanina ay sinuwerte lang ako na maidala sila sa bintana at mahulog sa gusali. Pero sa ibang Class 0? Hindi ko alam kung paano namin sila mahaharap. Sila ay may mga kapangyarihan kumpara sa amin na mga ordinaryong tao lang.
"Kaya halika na, kailangan mong magpalakas." pag-aaya niya at hinatak na ako patayo.
Dumiretso kami sa kusina at naabutan kong nandito ang dalawa, nag-aabang sa amin. Napatingin sa akin si Jax at napatayo siya nang makitang maga nanaman ang mata ko. Lumapit siya sa akin at hinaplos niya ang pisngi ko.
"Umiyak ka nanaman?" bakas ang pag-aalala sa tono ng boses niya.
Hindi ako sumagot. Sa halip ay pinagmasdan ko lang ang mga nakahain sa lamesa. Inalalayan niya akong maka-upo at pinagsandok niya ako.
"Ate, kumain ka na at magpalakas. Aalis na tayo maya-maya. Mag iimpake pa tayo." paliwanag sa akin ni Jax.
Tumango ako. Tama sila. Kailangan kong kumain at huwag nang mag-inarte pa. Sinimulan ko nang sumubo ng pagkain. Hindi ko namalayan sunod-sunod na pala ang pagsubo ko ng kanin dahil hindi pa ako nakakakain ng mabuti. Napaubo ako at agad naman akong inabutan ni Jax ng tubig.
"Dahan-dahan lang kasi! Ayan napakatimawa kasi-" natigilan siya nang ipakita ko sa kaniya ang kamao ko.
"Sorry na hehehe, joke lang." tumahimik na siya at tinuon na lang muli ang atensyon sa pagkain niya.
Saglit na katahimikan ang namayani sa aming apat. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita nang basagin ito ni Basil. The moment I heard his voice, napahinto ako.
"We need to evacuate here as soon as possible. They might go in our area and-"
Pare-parehas kaming natigilan at nanlaki ang mata namin nang may narinig kaming umaalulong na boses ng tao. Para itong nanghihingi ng hustisya at sobrang nakakakilabot dahilan para magsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko sa sobrang takot.
Nagkatinginan kaming apat, nangangamba sa maaaring mangyari sa amin. Nangyari na ang kinatatakutan namin.
Biglang tumayo si Basil at nagmamadaling pumunta sa likuran ng kusina. Si Laina naman ay umalis na rin sa hapag kainan at nagtungo naman sa kabilang direksyon. Bakas ang pagkabalisa sa mga mukha nila, at hindi magkanda-ugaga kung ano ang uunahin.
Tumayo si Jax at sumunod siya kay Basil.
"Go help Laina, I'll help Basil."
Tumango ako at sumunod sa utos niya. Tumayo na rin ako at hindi ko na tinapos ang kinakain ko. Gutom pa ako pero kailangan na namin lumikas sa gusali na ito. Pagkalapit ko sa pwesto ni Laina ay tinulungan ko siyang maglagay ng ilang damit at ng ilang bottles ng tubig sa bag. Kumuha pa siya ng isang bag at inabot sa akin.
"Diyan mo ilagay lahat ng pagkain natin. Ako na bahala sa mga medical."
Tumango ako at nagmamadali kong sinunod ang utos niya. Bawat galaw namin ay may hinahabol na oras. Namumuo na ang mga pawis sa noo ko. Ang kamay ko ay walang tigil sa panginginig. Parang lalabas na ang puso ko sa katawan ko sa lakas ng kabog nito.
Katatapos lang namin kanina sa isang Class 0 tapos eto, mukhang may makakasalamuha nanaman kami. Muntikan na akong mamatay kanina sa isang bata na nagkatawang demonyo. Hindi ko alam kung su-swertehin pa kami ulit sa pagkakataong ito.
Ang boses na aming narinig kanina ay ibang-iba kumpara kay Lidit Ermosa. Malalim, mapanganib, at parang alulong ng isang delikadong halimaw na may halong boses ng tao. Nagmumula ang boses nito sa ibaba ng building pero umabot sa aming floor ang kaniyang sigaw.
"Jadey."
Natigilan ako at napalingon ako kay Laina na seryosong nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil niya ito. She gave me a reassuring smile that gives comfort to my heart.
"Don't worry, tulungan tayo rito. Makakaalis tayo ng ligtas dito."
Kahit papaano ay nawala ang pangamba sa dibdib ko. Hindi ko sukat akalain na sila pa ang tutulong sa amin. Parang nito lang ay halos magpatayan kami at walang tiwala sa isa't-isa. Siguro ay napagtanto nilang katiwa-tiwala naman kami at hindi kami katulad ng mga shape shifters na aming nakasalamuha.
"Thank you for everything, Laina." I said with sincerity. Kung maaari, sasalo ako ng bala ng baril para sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin at sabay na kaming lumabas ng kwarto. Mabigat ang bag na dala ko dahil puro delata, ilang supot ng bigas at tinapay ang nasa loob. Si Laina ang nag dala ng medical kit na aming kakailanganin sakaling masugatan kami sa paglalakbay at mga tubig. Partida pa ang ilang armas na nakasukbit sa kaniyang hita at balikat.
"Let's go."
Dumiretso kami sa kusina at naabutan namin nandito sila Basil at Jax, nag e-empake ng mga bala ng baril at inaayos ang hilera ng mga armas.
"Hurry up, before they find us here." tumulong rin si Laina sa paglalagay ng ilang baril sa malaking bag na nakasukbit sa likuran ni Basil.
Hindi ko tuloy maiwasan na pagmasdan silang dalawa. They look perfect for each other. Hindi maipagkakaila na parehas silang may itsura at dating. Kung lalaki ako ay baka na-inlove din ako kay Laina dahil maganda siya at matapang pa. Si Basil naman ay halatang natural ang pagkahubog ng kaniyang katawan. Siguro ay dahil na rin sa ilang taon na silang stuck sa lugar na ito, nahubog nang maganda ang kanilang katawan.
Napa-iling ako. Ano ba itong iniisip ko? Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag liligpit ng mga kailangan namin.
Napasigaw ako nang biglang nawalan ng kuryente. Narinig kong napamura ng malutong si Basil.
"Putang*na." narinig kong usal naman ni Jax at napakapit siya ng mahigpit sa braso ko.
"This is not good." bakas ang takot sa boses ni Laina at naramdaman kong tumingin siya sa akin.
"Tara na." anunsyo ni Basil at binuksan niya ang flashlight. Nakatutok ito sa amin kaya napapikit ako sa liwanag.
Nauna na siyang lumabas. Sa likuran siya ng kusina dumiretso at sumunod naman kami sa kaniya. Pagkalabas namin ng kusina ay nadaanan namin ang lalagyanan ng mga baril. Mukhang dinala nila lahat ng armas dahil walang bakas ng kahit anong baril ang kwarto na ito. Sa dulo ng kwarto ay may pintuan at binuksan ito ni Basil.
"Over here." he whispered.
Dahan-dahan ang bawat hakbang namin, sa takot na may makarinig sa yabag ng aming sapatos. Maski ang hininga ko ay pigil. Mahigpit ang hawak ko sa bag na dala ko. Ang pistol na binigay sa akin ni Laina ay nakabulsa.
Bumungad sa amin ang isang madilim at may kasikipan na hallway. Napalunok ako dahil para akong nalulula. Si Basil ang nangunguna at sa likuran niya ay si Laina. Nakasunod ako kay Laina at sa likuran ko ay si Jax na kanina pa tahimik. Nilingon ko siya at nahuli kong nakahawak pala siya sa dulo ng bag ko.
"Hehe." painosente siyang ngumiti sa akin at biglang nagtapang-tapangan.
Umirap ako at binalik ko na lang ang atensyon ko sa harapan. Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa buong paligid. Kakaiba ang atmospera na nararamdaman ko. Maski ang sariling t***k ng puso ko ay naririnig ko na.
"Omygod!"
Natigilan ako nang biglang sumigaw si Jax. Naalerto ang dalawa at lumingon sila sa likuran ko. Dali-dali akong pumunta kay Jax na naiwan na pala sa aming paglalakad. Nakayuko siya at mukhang nahihirapan.
"Jax! What happened?" nag-aalalang tanong ko at yumuko ako para pantayan siya. Ang dalawa ay nasa likuran namin nag-aabang sa maaaring mangyari.
"Ate..." dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. Ang kaniyang ekspresyon ay hirap na hirap.