Chapter 16: Apology

1885 Words
Pagkarating namin sa kanilang pinagtataguan ay siya ang nagbukas ng pintuan para sa amin. Naunang pumasok sa loob si Laina at sumunod si Jax. Nang ako na ang papasok ay wala sa sariling napatingala ako sa kaniya at umigting ang panga niya nang magtagpo ang mata namin. He looks disappointed. Kinagat ko ang dila ko at dumiretso na ako sa loob kasunod ang dalawa. Pagkasarado na pagkasarado ng pintuan ay humarap siya sa amin at pinag-krus ang mga braso. "We told you not to follow us. That's a simple order." bawat salita ay parang asido na pumapatak at nag-iiwan ng butas. His voice is controlled, restraining himself to shout at us. "Look man, we're sorry. We just got worried because you have been out there for hours." paliwanag ni Jax. Ang kaniyang boses ay kalmado at handang ipaglaban ang aming katwiran. "That's not the point here. You guys almost got killed. Especially your sister here." naramdaman kong napalingon siya sa akin. "This has nothing to do with her, alright? I'm the one who convince her to follow you. She's also worried-" "And she's the oldest between you two. She should have restrain you from following us. She should have known better because she's more mature than you. Kung may nangyari sa inyo? Kasalanan pa namin?" Para akong pinana ng matulis na bagay sa aking puso na nag-iwan ng malaking sugat. Hindi tuloy ako makagalaw sa pwesto ko at namalayan ko na lang na nanginginig na ang mga kamay ko. Patuloy parin sa pag paparatang ng kung ano-ano sa akin si Basil nang hindi ko na kinaya. "Ate-" pipigilan na sana ako ni Jax pero huli na ang lahat. Gumawa ng tunog ang kamay ko nang malakas ko itong sinampal sa pisngi niya. Narinig kong napasinghap si Laina at natigilan si Jax sa pag pigil sa akin. Bumaling sa kabilang direksyon ang mukha niya. Natatakpan ng ilang hibla ng buhok ang kaniyang mata at tanging matulis niyang panga ang nakikita ko. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko, pero mas pinangungunahan ako ng matinding damdamin ko na ilang araw kong hindi naramdaman mula nang mawalay ako sa magulang namin. "You're just like my parents." nanginig ang labi ko at naramdaman kong may luhang pumatak sa kamay ko. Mabilis ko itong pinunasan at dinuro ko siya. "Wala kang pinagkaiba sa kanila. Sa mga mata niyo ay palaging ako ang mali, palaging ako ang nakikita niyo, at palaging ako ang dapat na nag a-adjust para sa kapakanan ng kapatid ko. For what? Dahil mas matanda ako ng ilang minuto sa kaniya? Wow, jeez thanks. It's always been like that." bawat salitang binabato ko ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko kaya't mabilis akong tumalikod at nagtatakbo palayo sa kanila. Iniwan ko sila 'ron na tahimik at hindi makagalaw. I want to be alone for a while. This place is too much for me to handle. I almost died earlier pero eto kung ano-ano ang kaniyang binitawang salita sa akin. Biglang nakita ko ang magulang ko sa kaniya. All those disappointed looks and scowl in their faces every time they see me as if I'm a walking disaster. Naupo ako sa isang sulok at niyakap ko ang mga tuhod ko. Hinayaan kong bumulwak ang luha ko na parang lawa. I'm so sick of everything. I don't want to die here, but also, I don't want to go home either. I don't know what I am going to do now. Naramdaman kong may presensya sa gilid ko. May ideya na ako kung sino ito pero hindi ako nag-angat ng mukha para tignan siya. "Ate, you need to eat. You have been there for hours. Baka mapano ka na diyan." Hindi ko siya pinansin. Sa halip ay umikot lang ang mata ko at binaling ko ito sa kabilang direksyon. Wala akong pake kung ilang beses nang tumutunog ang sikmura ko. Ayoko munang humarap sa dalawa. Bahala na kung dito na magwakas ang buhay ko sa mismong pwesto ko. I don't care kung ma-dehydrate ako or what. "Ate, ang stubborn mo." narinig kong pumadyak-padyak si Jax sa gilid ko at napilitan siyang naupo sa tabi ko. Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko. Kumunot ang noo ko at tinabig ko ang kamay niya. Alam kong hindi siya titigil diyan hangga't hindi ako umaalis sa pwestong ito. Kaya ang ginawa ko ay tumayo ako at pinagpagan ko ang pants ko. Nakita kong natuwa siya at sumigla ang mata niya. "Yes! Finally-" Ngunit, nawala ang ngiti sa labi niya at para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang lumipat lang ako ng pwesto. Nasa sulok parin ako pero malayo sa kaniya. Niyakap ko muli ang tuhod ko at nagsumiksik ako rito. Narinig kong nagpakawala siya ng mura at kumaripas ng takbo papalapit sa akin. "Ate naman! Nag-aalala na ako sa'yo! Please, kumain ka na!" inalog-alog niya ang braso ko at halos hatakin niya ako pero hindi ako nagpatinag sa pwesto ko. "Leave me alone, Jax. Just let me be alone here in peace." walang emosyon kong saad. Hindi ko na maramdaman ang bigat sa puso ko, para akong namamanhid. "Ang bastos ng bibig mo girl kaloka!" hinampas niya ang tuhod ko at alam kong nakapameywang na siya habang nakaluhod sa harapan ko. "Hindi ako nakikipag biruan ate sa'yo. Alam kong nasaktan niya ang damdamin mo pero kilala kita! Wala kang pake kung iba ang kaharap mo! Suntok kung suntok! Mas siga ka pa nga sa akin eh. What happened ate? Why change?" Natulala ako sa mga salitang sinampal niya sa akin. Napakagat ako sa labi ko at dahan-dahan akong nag-angat ng mukha sa kaniya. Napakurap ako dahil ramdam kong mahapdi ang mata ko. Ilang oras ba naman akong umiyak dito. Ni hindi pa ako nakakainom ulit ng tubig pero eto, ilang balde na ata ang naibuhos ko. "I don't know Jax, probably the situation we are right now makes me weak." humigpit ang pagkakakapit ko sa mga tuhod ko at ramdam kong namumuo nanaman ang luha ko. Umiling ako para pigilan ito. "Ayoko nang umuwi Jax. Ayoko makita sila Mama at Papa. Gusto ko na lang maglaho na parang bula. Everyone is disappointed at me, no matter what I do for them." binaon ko muli ang mukha ko sa tuhod ko dahil eto nanaman ang emosyon ko, umaapaw nanaman. "It sucks to feel this way. Mababaw na kung mababaw pero ganito talaga ang nararamdaman ko. Kaya please, leave me alone for a while. Maaayos ko rin ang sarili ko pero hindi muna ngayon." Katahimikan ang umusbong sa pagitan namin. Naramdaman kong binuka niya ang bibig niya para magsalita, ngunit, pinigilan niya rin ang sarili. Naramdaman kong nawala na siya sa tabi ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas iniwan na niya ako. Hinayaan ko muna ang sarili ko na nakayuko at nag-isip ng kung ano-ano. Ang daming katanungan sa utak ko na wala namang kasiguraduhan kung may sagot. What if kung wala kami sa ganitong sitwasyon ng kakambal ko? Matapang parin kaya ako katulad ng dati? O magiging ganito ako na nanghihina at parang nawawalan ng pag-asa? Napabuga ako ng marahas na hininga at nag-angat na ako ng ulo dahil nangangawit na ang leeg ko. Ngunit, natigilan ako nang sumalubong sa akin ang dalawang pares ng kulay abong mata na siyang nag bigay ng kumplikado at buhol-buhol na tali sa puso ko. Ano ang ginagawa niya rito? Buong akala ko ay mag-isa lang ako. Bakit hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya? Sinundan ko ng tingin ang kaniyang kamay dahil napansin kong may hawak siya. Naningkit ang mata ko nang makita kong may dala siyang tray ng pagkain at tubig sa kabilang kamay niya. Mas lalong nagkagulo ang mga halimaw sa sikmura ko nang i-abot niya ito sa akin. Nagtataka ko siyang tinignan. "You need to eat." ma-awtoridad niyang utos. Umigting ang panga ko at mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Wala akong pake kung pag-iinarte itong ginagawa ko pero ganon na nga. Nasaktan ako sa mga salitang binitawan niya na nag-iwan ng malaking butas sa puso ko. Hindi ganon kadaling makalimutan lalo na't sariwa pa sa aking ala-ala. "No thanks." hindi ko masikmuraan na matignan siya ng matagal sa mukha. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at akmang tatayo na ako nang pigilan niya ang kamay ko. Nabigla ako kaya't natabig ko ang kamay niya. Ngunit, hindi ko sinasadyang pati ang pagkain ay sumama na matapon. Nagulat ako at ang reflex ko agad ay tulungan siyang maglinis. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinupulot ko ang natapong kanin at ulam. Gusto kong maiyak dahil limitado lang ang pagkain dito pero eto ako sinayang ko ang bigas na pinaghirapan nilang makuha. Hindi ko naman sinasadya at nagulat lang talaga ako sa kaniya. Gusto kong maiyak nanaman pero I'm too drain to let out another tears. "I-i'm s-sorry..." nautal ako at halos hindi na ako magkanda-ugaga nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Natigilan ako at natuod sa pwesto ko habang nakatuon ang atensyon ko sa kamay namin. Malaki ang kaniya kumpara sa akin, ngunit, bakit pakiramdam ko ay parang ligtas ako sa kaniya? Na siya ang magiging sandalan ko sa lahat ng bagay at problema? Napa-iling ako at babawiin ko na sana ito sa kaniya nang pigilan niya ako. "I'm sorry." Napalunok ako nang matagpuan ko ang sinseridad sa mga mata niya. He looks like he wants to carry the burden I am feeling. Napakurap siya at bumuga ng hangin. Ang kaniyang nakakatakot at madilim na awra ay biglang naglaho. Ngayon ay iba ang pinapakita niya sa akin. "Hindi ko sinasadya na saktan ang damdamin mo." aniya habang hindi naaalis ang tingin sa mga mata ko na gumagalaw at hindi malaman kung saan titingin. Kusang bumaba ang mata ko sa labi niya. Natural ang pagkapula nito at halatang malambot. Napalunok ako at hindi ko mawari kung ano 'tong sinisigaw ng damdamin ko. Nararamdaman ko ang pag daloy ng dugo ko patungo sa mukha ko. Hindi ko na kaya 'tong nakakailang na pakiramdam kaya bigla akong tumayo. "I'm sorry, I have to go." balisa na ako at hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Akmang aalis na ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Natigilan tuloy ako at hindi ko magawang tignan siya sa kaniyang mata. "Why are you running away? Are you still mad? Please, don't be mad at me." Napapikit ako ng mariin. Gusto kong sabihin sa kaniya na wala na ang galit ko at napalitan ito ng kakaibang emosyon na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko siya kayang harapin at hindi ko alam kung bakit! I need to get out of his presence because it's suffocating me! "Ate?" Natigilan ako at mabilis kong binawi ang kamay ko kay Basil nang biglang dumating sa eksena si Jax. Kumunot ang kaniyang noo at nagbalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa. "Hindi parin ba kayo ayos?" tinuro niya kami. Hindi ako nakakibo at naramdaman kong napatingin naman sa akin si Basil. Nilagpasan ko na lang si Jax at iniwan sila 'ron. Kailangan ko munang magpahangin. Hindi ko pa kayang harapin si Basil. Gusto kong murahin ang sarili ko dahil bakit ba ako nagkakaganito sa tuwing malapit siya sa akin? Hindi ako mapakali at parang aatakihin ako sa puso sa sobrang bilis ng t***k nito. Kasabay pa nito ay nakakapanghina ng tuhod ang tingin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD