Chapter 15: Almost

1839 Words
Unti-unti ay nag-sink in sa utak niya ang mga salita ko dahil nanlaki ang mga mata niya at nagkatinginan kami. "We need to save them." Tumango ako at tumakbo na ako patungo sa pwesto nila. Masakit man ang braso at siko ko pero hinayaan ko na lamang ang kirot dahil mas importante ang iligtas sila. Dumiretso si Jax sa pwesto ni Laina at tinulungan niya itong ilayo sa gawi ng batang demonyo. Nilapag niya sa ligtas na pwesto si Laina at tinago niya ito sa kaniyang likuran. "Hey!" kinuha niya ang atensyon ng batang demonyo habang hawak parin nito ang halos wala ng malay na si Basil. Ang kaniyang mata ay mapungay at malapit nang bumigay. Habang kinukuha niya ang atensyon nila ay dumiretso ako sa manika. Hindi ako mahilig sa manika at hindi ako takot sa mga ganitong laruan. Ngunit, ito pa ata ang magbibigay ng trauma sa akin ngayon dahil ramdam ko ang kakaibang awra ang bumabalot sa manika habang dahan-dahan akong lumuluhod sa harapan nito. "Okay, you little sh*t." nanginginig ang mga kamay ko nang masalat ko ito. "LIDIT ERMOSA!" Nanlaki ang mga mata ko nang mapalingon ako sa likuran ko at nakita kong sumusugod sa akin ang batang demonyo habang hawak si Basil. Gumagawa siya ng tunog na siyang mapapatakip ka sa tenga mo sa sobrang tinis at nakakakilabot. It's like a nightmare you don't want to hear while you're sleeping. "ATE! Lihis!" narinig kong sigaw ni Jax at nagpaputok siya ng baril. Nadapa ang bata at nabitawan nito si Basil. Nagpagulong-gulong siya sa sahig, nanghihina. Dali-dali akong tumayo at tinakbo ko ang manika palayo sa batang demonyo. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko at ang pagkapos ng hininga ko sa takot na ako ay mahuli niya. I was running for my life. Hindi ko na inaalintana ang titig ng manika sa akin. Gusto kong maihi sa takot pero kailangan kong tiisin. While I was running for my life naramdaman kong may kamay ang humawak sa sakong ko at hinatak ako. Nawalan ako ng balanse at bumagsak nanaman ako sa sahig. Nabitawan ko ang manika na hawak ko. Napangiwi ako sa sakit nang bumagsak nanaman ang namamaga kong balikat. Ininda ko na lang ang kirot at tinuon ko ang atensyon ko sa manika na nakahandusay sa gitna. "Lidit Ermosa!" Medyo nauumay na ako sa boses niya dahil paulit-ulit lang siya ng binibigsak na salita. Gumapang ako patungo sa manika dahil ang kaniyang malapad na kamay ay nakahawak parin sa paa ko. Sinipa-sipa ko ito para mabitawan niya ako. "Lidit! Ermosa!" para siyang umiiyak habang pilit na inaabot ang manika. I was right. Ang manika ang kaniyang habol. Natuklasan namin ang kaniyang kahinaan at natatakot siya sa maaaring mangyari sa manika niya. Kumapit ako ng mabuti sa bakal na dumaan sa akin dahil hinahatak niya ako papalapit sa kaniya. Buong pwersa ko siyang sinipa sa kamay. Pumalahaw siya at napasigaw sa sakit dahilan nabitawan niya ang paa ko. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para makatayo at tumakbo sa manika. Pinulot ko ito at nanginig ang mga kamay at binti ko, parang hinihigop niya ang lakas ko. I need to destroy her. Binagsak ko siya sa sahig at bumwelo ako na tatapakan ko siya nang may dumamba sa likuran ko. Napamura ako at napasigaw ako dahil naramdaman kong may matulis na bagay ang tumutusok sa pisngi ko. Dinilat ko ang mata ko at nanginig ako sa takot nang makita ko sa gilid ko ang bata na nagkatawang demonyo. She's growling beside me. Ang kaniyang bunganga ay mabaho at may tumutulong likido sa kaniyang mulagat na mata. Pinikit ko ang mata ko dahil handa na siyang sakmalin ako at hatiin ang katawan ko. Abot-abot ang tahip sa puso ko. Hinahanda ko na ang sarili nang marinig ko ang boses ni Laina. "Jadey! Catch!" Napalingon ako kay Laina nang ibato niya sa akin ang baril at dumamba siya sa bata. Nawala ang pagkakahawak nito sa akin kaya't nakalaya ako. Nanginginig akong tumayo at pinulot ko ang manika. Mas lalo akong nanghina nang masalat ko siya at parang akong hinihila nito pababa. Nakipagtitigan ako sa manika. Nakangiti ito sa akin ngunit ang kaniyang mga mata ay may pinapahiwatig sa akin. Sinasalakay man ako ng takot ay pinilit kong tatagan ang loob ko. "It's now or never." I muttered at ilang beses ko siyang hinampas sa pader. "LIDIT ERMOSA! LIDIT! ERMOSA!" nakikita ko sa gilid ng mata ko na mas lalong nagwala ang bata na pilit pinipigilan ni Laina. "Ate! Destroy that thing!" tumulong na rin si Jax sa pagpipigil sa pagwawala ng bata. Mas lalong yumanig ang buong paligid at para siyang humihingi ng tulong. Tumingin ako sa manika at bumagsak ang puso ko nang mahuli kong nakangiti ito. Kasabay nito ay ang pagbagsak ng kisame sa gilid ko. The place is collapsing and I need to do something! "ATE! WATCH OUT!" Huli na bago pa ako maka-ilag. Naramdaman kong nasa ulo ko ang bata at pilit inaagaw sa akin ang manika. Ngunit, hindi ako bumitaw at sinuksok ko ito sa dibdib ko. Sinuntok-suntok ko ang batang-demonyo gamit ang baril para mawala siya sa pagkakakapit sa buhok ko. Kumiwal-kiwal siya kaya't kusang gumalaw ang paa ko para mabalanse ang sarili. Halos mapasigaw na ako at mapagod dahil sa kaniyang bigat. Ang likido niya ay tumutulo sa katawan ko. Gusto kong masuka sa amoy nang maramdaman kong biglang lumutang ang katawan ko at namalayan kong sa basag na bintana kami nahulog. Biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo ko. Sari-saring ala-ala ang nag laro sa utak ko nang maramdaman kong nawala sa ulo ko ang batang demonyo at nabitawan ko ang manikang hawak ko. Nauna silang nalaglag sa gusali at yakap ng bata ang manika habang bumabagsak sa ere. Ako naman ay hinahanda na lang ang sarili ko na mahulog sa ilalim. Pinikit ko ang mga mata ko. Siguro ay hanggang dito na lang ako. May pumatak na luha sa kaliwang mata ko at ramdam kong umaagos ito. Ang t***k ng puso ko ay biglang kumalma. I hope Jax will be fine without me. I hope that my parents will forgive me someday. Ramdam ko na ang pag lutang na ang aking katawan at ang pag higop nito sa akin pababa sa ilalim. Pumikit ako ng mariin at kinagat ko ang dila ko, naghahanda sa malakas na pagbagsak nang maramdaman kong may pares ng mga kamay ang pumigil sa katawan ko sa pagkahulog. "You're safe now, Jadey." That voice. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at natagpuan ko ang sarili ko na nasa dulo ng bintana. Ang katawan ko ay pabagsak na at halos mauna na ang ulo ko kung hindi lang nasalo ni Basil ang beywang ko at nakaalalay ang kamay sa batok ko. "B-basil..." tawag ko sa pangalan niya. Hindi ko alam, ngunit, nagagalak ang puso ko nang makita siya. Tinulungan niya akong makatayo ng mabuti muli sa loob ng gusali. Pagkatapak ng paa ko sa sahig ay naramdaman kong may yumakap sa akin ng mahigpit. "Ate!" nagpakawala siya ng malutong na mura. "You got me worried out there for a second!" hinaplos-haplos niya ang ulo ko. Ako naman ay tulala at wala pa sa katinuan. Nasa in state of shock parin ako hanggang ngayon nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. "You're brave, I'm proud of you." Napatingin ako kay Laina. She's smiling at me, assuring that I did great and I survived. Parang may yumakap sa puso ko at nagalak ang mga tenga ko sa salitang binitawan niya. Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. "Hay nako, pasensya na iyakin talaga 'yang ate ko." pinunasan ni Jax ang pisngi ko at bumulong siya sa tenga ko. "Huwag ka nga umiyak, nakakahiya ka-" bago pa niya matapos ang kaniyang sinasabi ay sinikmuraan ko siya gamit ang kabilang kamay ko dahil ang isa ay busy sa pag tanggal ng luha ko. Narinig kong natawa si Laina at napa-ungol naman si Jax sa sakit. "It's okay to cry. We know what it feels like when you are at the edge of dying. It's like an emotional ride that spins you around until you can't take it anymore." paliwanag niya sa akin at hinaplos-haplos niya ang likuran ko. "Come on." Napalingon kaming lahat kay Basil nang magsalita siya. Halata sa mukha niya ang pagod at pagkabalisa. Salubong ang kaniyang kilay at naniningkit ang mga mata nang bumaba ang tingin niya sa akin. "We need to get out of here before we encounter with a Class 0 again." seryoso ang tono ng kaniyang boses at nauna na siyang maglakad palayo sa amin. Pinagmasdan ko ang kaniyang likuran habang papalayo siya. Para siyang naiirita at nagmamadali dahil bawat hakbang niya ay mabigat at gumagawa ng tunog sa buong paligid. Mabuti na lang dahil 'nong oras na nahulog sa gusali ang bata at ang manika ay tumigil na sa pagyanig ang buong paligid. Wala sa sariling napatingin ako sa basag na bintana na muntikan na akong mahulog. Dahan-dahan akong naglakad papalapit dito at pinagmasdan ko ang nasa ibaba. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang mapagmasdan ko ang sinapit ng batang demonyo. She's holding her doll in her arms, safe in her embrace. Kahit hanggang sa kaniyang katapusan ay handa siyang unahin ang kapakanan ng manika. "The doll is Lidit Ermosa, type Class 0." Napalingon ako kay Laina nang magsalita siya sa gilid ko. Biglang humangin ng malakas at humarang ang ilang hibla ng buhok sa kaniyang mukha, ngunit, hindi niya ito hinawi. Sa halip ay nakatuon parin ang buong atensyon niya sa ibaba, tila, sanay na siyang makakita ng ganitong sitwasyon. "We don't know the full details of their story but as far as I have known, that child over there is already dead. Half of the population here are dead and became shape shifter. The doll controls the body and made her like a monster, which is powerful and can destroy this whole building." Napalunok ako nang mag sink in sa akin ang mga impormasyong ito. Ang hirap tanggapin. Lolo was right, this place was not we expect it to be. Marami pa kaming maaaring matuklasan. Hindi siguro sukat akalain nila Laina na may makakasalubong kaming katulad ni Lidit Ermosa kaya't hindi niya nasabi ang tungkol sa mga uri nitong Class 0 na sinasabi niya. "Guys, tara na." Sabay kaming napatingin kay Jax nang kuhanin niya ang atensyon namin. Lumagpas ang tingin ko sa kaniya at nakita kong nakahalukipkip si Basil, tila, naiinip habang naghihintay sa amin. Narinig kong napabuga ng marahas na hininga si Laina sa tabi ko at tinapik niya ang balikat ko. "Come on Jadey, let's go." Napalunok ako at tumango. Mabilis akong nag-iwas ng tingin kay Basil dahil parang galit siya at sumunod na ako sa kanila. Nasa likuran nila ako buong minuto. Si Jax at Laina ay nag-uusap tungkol kay Lidit Ermosa. Hindi ko na sila pinakinggan dahil kakaibang awra ang bumabalot kay Basil na hindi ko masikmuraan. Parang ilang minuto na lang ay sasabog na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD