Chapter 14: Lidit Ermosa

1864 Words
"I'm going to look away, I don't want to be accuse." naramdaman kong tumalikod si Jax. Nang makita kong walang tattoo o balat ng simbolo ang kaniyang dibdib ay nakahinga ako ng maluwag. "See Jax? She's not what we think she is. Baka naliligaw lang talaga ang bata at kailangan niyang hanapin ang mommy niya?" Natigilan si Jax at lumingon siya sa akin. Nakataas ang kaniyang kilay, nag-dududa. "Wala siyang balat?" Tumango ako. Nakitaan kong nabunutan siya ng tinik at nakahinga ng maluwag. Humarap siya sa amin. "Well then, she's safe after all-" Natigilan kami nang umalingawngaw sa buong paligid ang nakakakilabot na tawa. Nagsitayuan ang mga balahibo sa batok at braso ko at nanigas ako sa pwesto ko. Noong una ay hindi namin mawari kung saan ito nanggagaling nang mapansin kong sa likuran ko nakatuon ang atensyon ni Jax. Nanlalaki ang mga mata niya at naka-awang ang labi niya habang nakaturo sa bata. "You guys are pathetic." Mas lalo akong nanigas nang bumulong siya sa mismong tapat ng tenga ko. Si Jax ay napa-atras habang naka-awang ang kaniyang labi at nanginginig niyang tinuturo ang nasa likuran ko. Ramdam kong namumuo na ang pawis sa noo ko at pumatak ito sa kamay ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa pistol. "You really thought that I'm looking for my Mommy?" Nangilabot ako at halos maihi na ako sa pwesto ko. Kagat ko ang dila ko at nanlalamig ang buong katawan ko. Nanginginig ko siyang sinilip sa gilid ko at halos mawala ako sa ulirat nang matuklasan kong nakahiwalay ang kaniyang ulo sa mismong katawan niya. Humalakhak siya. Napapikit ako ng mariin nang humaplos ang kaniyang matulis na ngipin sa buhok ko. May binubulong-bulong siya na mga salita na hindi ko maintindihan dahil ibang lenggwahe ito. "I ate my Mommy." Napalunok ako. Nagmamakaawa kong pinagmasdan si Jax. Maling galaw ay alam kong maaari niyang kainin ang ulo ko. She's not a Melox, she's also not a Bevil. This kid is a different creature. Hindi siya nakwento sa amin nila Basil! "I smell your fear, little girl." she muttered. Ang boses niya ay nag-iba na nang tuluyan. Hindi na ito katulad ng boses niya kanina na mahinhin at malambot. Tila, may sumanib sa kaniya na demonyo. I can see from here her fangs and long tongue. Ang kaniyang mata ay lumuluha ng dugo at kulay berdeng likido na mabaho. Gusto kong masuka. Gusto ko nang tumakas sa kaniya, ngunit, napasinghap ako nang hawakan niya ang ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko at ang sumunod na nangyari ay hindi ko inaasahan. "Ate! Run! RUN!" Tulala parin ako at wala sa wisyo. Napahawak ako sa pisngi ko nang may tumalansik na likido rito. Itim ito at amoy malansa. Napatakip ako sa bibig ko at pinigilan ko na bumaligtad ang sikmura ko at ilabas ang lahat ng kinain ko. "ATE!" Napatakip ako sa tenga ko nang sumigaw ng malakas ang bata. Ang kaniyang sigaw ay nakakapangilabot at nakakatayo ng mga balahibo sa buong katawan. Matinis at masakit sa puntong gusto mong i-umpog ang ulo sa pader. Napalingon ako sa bata at napasigaw ako nang matagpuan kong ibang-iba na ang kaniyang itsura kumpara sa cute na batang nakita namin kanina. Her eyes are almost popping out off her socket. Her hair is bloody red, unlike earlier it's bright blonde. Ang kaniyang mga braso ay naging kalansay at matulis ang bawat dulo ng daliri. "Get out of there ate!" kasabay nito ay narinig ko ang putok ng SG. Dali-dali akong tumayo at nagmamadaling lumapit kay Jax. Dinala niya ako sa likuran niya at pinaulanan niya ng bala ang bata. Umuusok na ang paligid dahil sa bilis ng kaniyang pagkasa at pagputok. Napatakip ako sa tenga ko habang inaabangan ang bata. Nang mawalan na ng bala si Jax ay tumigil na siya at inabangan ang mangyayari. Naningkit ang mata ko habang inaabangan kong maglaho ang usok dulot nang pagputok ng baril. Gumalaw-galaw ang mata ko, pinagmamasdan ang paligid. Lumipas ang ilang minuto nang walang kakaibang nangyari. Narinig kong huminga ng malalim si Jax sa gilid ko at inakbayan niya ako. "I guess she's dead." nanginig ang kaniyang labi. Maski ako ay nakahinga ng maluwag. I'm glad it's finally over. Hinawakan ko siya sa kamay niya at hinatak ko na siya. "Come on, let's get out of here-" Biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo nang makita ko sa gilid ng mata ko ang papalapit na matutulis at kalansay na kamay. Dahan-dahan na humarap ang mukha ko rito. Sa hindi malamang rason ay natuod ako at hindi ko magawang umilag. Pinikit ko ang mata ko at hinanda ang sarili ko sa mangyayari. Hinahantay ko ang pag dakma ng kamay niya sa mukha ko, ngunit, walang nangyari. Ilang minuto na ang lumipas at wala akong nararamdaman na sakit sa katawan ko. Dahan-dahan kong dinilat ang isang mata ko at napanganga ako nang matagpuan kong nakahinto sa mismong tapat ng mukha ko ang kaniyang kamay. Isang pulgada na lang ata ang pagitan nito sa akin at halos maduling na ako sa sobrang lapit ng daliri niya na naka-ambang tumusok sa mga mata ko. Nagtaka ako kung bakit hindi siya natuloy. Sinundan ko ng tingin ang kamay niya na mahabang naka-inat. Lumundag ang puso ko nang makita ko sa likuran ng bata sila Basil. They are alive. "Tumakbo na kayo!" malakas na sigaw ni Laina at nagpaulan siya ng bala sa bata. Naramdaman kong hinawakan ako ni Jax at kinaladkad na niya ako palayo. Halos matalisod na ako sa bilis ng kaniyang bawat pag karipas ng takbo. Wala pa ako sa sariling katinuan habang kinakaladkad niya ako nang mapagtanto ko kung ano na ang nangyayari. "Sila Basil!" sigaw ko at tinignan ko si Jax na umikot ang mata. "Yes ate! Alam ko! Late reaction ka na kaloka!" pambabara niya sa akin. Lumingon ako sa likuran ko at nakita kong nakikipaglaban ang dalawa sa bata. Huminto ako at sa ginawa ko ay nasama rin si Jax. Pumadyak-padyak siya nang humarap siya sa akin at kulang na lang ay buhatin niya ako at itapon sa gusali. "Ano ba ang problema mo ate ha?! Nakakasakit ka na ng ulo!" frustrated niyang sigaw sa akin. "We need to help them!" tumakbo ako pabalik kila Basil at Laina bago pa niya ako mapigilan. Narinig ko siyang paulit-ulit na nagmura. Tinanggal ko ang armas na nakasukbit sa balikat ko at tinutok ko ito sa bata na sumisigaw at lumalaban kila Basil. Bakit parang hindi tumatalab ang bala sa kaniya? Tumatagos lang ito sa kaniyang katawan. "What is that thing?!" sigaw ko kay Laina nang makalapit na ako. Lumingon siya sa akin. Pawisan na siya at halatang pagod na siya. Ang kaniyang mata ay nangangamba. "She's a Class 0, she's-" Biglang yumanig ang buong paligid nang humalinghing ng malakas ang bata. Nakatingala siya at may sinisigaw siya na hindi ko maintindihan. "Lidit Ermosa! Lidit Ermosa!" Halos mawalan ako ng balanse dahil sa kaniyang boses na dumadagundong. Nabitawan ko ang baril na hawak ko at napahiga ako sa sahig. Napangiwi ako dahil namali ako nang pagkakabagsak. Nauna kong itungkod ang siko ko kaya't napasigaw ako sa sakit. "ATE!" Narinig ko ang boses ni Jax pero malabo na ito sa aking pandinig. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko maigalaw ng mabuti ang kamay ko. I ended up laying on the cold floor. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero nahihilo ako at umiikot ang paningin ko. I'm hearing voices but they end up blurry for me to hear it clearly. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa paligid ko. Nagkakagulo parin sila. Naririnig ko parin ang paulit-ulit na pag sigaw ng batang babae. I want to get up and help but my whole body is getting numb. Nakakarinig ako ng boses na bumubulong sa tapat mismo ng tenga ko, convincing me this is not real. "Jadey..." Nakaramdaman ako ng malambot na mga kamay ang humahaplos sa pisngi ko. Dinilat ko ang mata ko at sumalubong sa akin ang kulay-abong mga mata na siyang nagbigay ng kahinaan sa mga kalamnan ko. Tila, naglaho ang mga bagay sa paligid at tanging siya lang ang nakikita ko. "You're going to be fine...." Unti-unti ay lumilinaw na ang paningin ko. Inalalayan niya akong tumayo habang nagpapaputok siya ng baril. Nang tuluyan na akong nakabangon ay sinandal niya ako sa kaniyang malapad na dibdib at dinala ako sa isang sulok, malayo sa gulong nangyayari. "Jax! Take her!" Pinasa niya ako kay Jax na sinalo ako at kinulong ako sa mga bisig niya. Minasahe niya ang ulo ko at hinalikan ang noo ko. "Come on ate, we need to get out of here you're injured. This whole floor will collapsed." hindi magkanda-ugaga si Jax nang alalayan niya ako. "Lidit Ermosa! Lidit! Ermosa!" Narinig kong napamura ng malutong si Jax sa gilid ko. "Why the fvck she's always chanting that weird words?!" sigaw niya. Lidit Ermosa. Sa paraan ng pagsigaw niya ay parang humihingi siya ng tulong at saklolo. It's like she's screaming for something but I can't decipher what it is. Kahit nahihilo dahil lumalala na ang pagyanig ng lugar ay luminga-linga ako sa paligid. Binalik ko ang atensyon ko sa gawi nila Basil. They are still fighting with the little girl who now looks like a demon. Napasinghap ako nang biglang tinabig nito si Laina dahilan para humampas siya sa pader at nawalan ng malay. "NO! Laina!" napasigaw si Basil. Ang kaniyang boses ay nangangamba at puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Tatakbo na sana si Basil kay Laina nang hawakan siya ng demonyo. Malalaki at matutulis ang kamay nito kaya't madali lang para sa kaniya na buhatin si Basil gamit ang isang kamay nang walang kahirap-hirap. Nagpumiglas si Basil at sinubukan niyang lumaban, ngunit, sa bawat pag pumiglas niya ay mas lalong humihigpit ang pagkakahawak sa kaniya ng bata. "Lidit Ermosa!" sigaw nito at halata sa tono ng boses niya na tuwang-tuwa siya. Tila, siya ay nagpapakitang gilas sa kaniyang magulang. Huminto ako sa paglalakad. Napahinto rin si Jax. He's screaming beside me but I didn't mind him. Instead, something caught my attention at the corner of the building. Nanlaki ang mga mata ko nang sinundan ko ng tingin kung saang direksyon nakaharap ang bata. Sa manika. Biglang nag flashback sa utak ko kung paano namin siya natagpuan mag-isa kanina. May hawak siyang manika. Biglang nawala ang manika sa kaniyang mga kamay nang siya ay nag-ibang uri. She keeps on chanting the same words she's saying while looking at the doll's direction. "The doll." bulong ko. "B*tch, I'm sorry what? The doll? Why are you saying the doll?" sunod-sunod ang pagmumura sa akin ni Jax patungkol sa manikang sinasabi ko. Kulang na lang ay gayahin niya ang boses ng isang bakla dahil paulit-ulit niyang sinasabi ang female dog word. "The doll Jax!" nanlaki ang mata ko nang makita kong gumalaw ang manika. Tinuro ko ito. "What?" napahinto sa pagpaparatang si Jax sa akin na ako ay isang female dog at lumingon siya sa tinuturo ko. "The doll! It's giving the child the power! That's why we can't kill the kid even we shoot her bullets! It's the doll we need to destroy!" humarap ako sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD