Kumunot ang noo ko at napatayo na ako. Biglang kumulo ang dugo ko dahil tumaas ang kaniyang boses sa akin.
"What's wrong with you? Parang kanina lang ay wala kang tiwala sa kanila at gusto mo silang patayin. Why the sudden change of heart?"
"What?" napataas siya ng kaniyang kamay at napahilamos siya sa mukha.
"What's wrong with you ate? Kanina you're okay with them, ngayon ayos lang sa'yo na madisgrasya sila?"
"Hindi sa ganon!" napasigaw na ako ng malakas dahilan para matigilan siya at hindi makapaniwalang pinagmasdan ako.
Dahan-dahan akong naupo sa upuan dahil biglang nanghina ang mga tuhod ko. Napasapo ako sa mukha ko at dito ko binuhos ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam. Para akong nawawala sa aking katinuan. Parang may bumubulong sa akin na hindi na magiging ayos ang lahat. Bumibigat ang pakiramdam ko at parang salo ko ang bigat ng mundo.
"You won't understand..." kapos hininga kong saad habang pinipigilan ang pag daloy ng luha ko.
Biglang sumabog ang emosyon ko na kanina ko pa pinipigilan. Ang puso ko ay parang pinipira-piraso na papel at dinudurog na bulaklak. Kailangan ko pang ibuka ng bahagya ang bibig ko para dito huminga ng malalim.
"Ate..." naramdaman kong pinalupot ni Jax ang kaniyang kamay sa beywang ko at niyakap niya ako. Hindi ko namalayan nakaluhod na pala siya sa gilid ko at pilit na na niya akong pinapakalma.
"Calm down ate, shhh....I'm here." hinagod-hagod niya ang likuran ko.
Sinandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat at dito ko nilabas ang lahat ng saloobin ko. Mula kila Mama at Papa, sa sarili ko at sa sitwasyon namin ngayon. I'm on the edge of panicking and breaking down. I don't want to think anymore. I just want to go home and go back to our normal lives.
Lumipas ang ilang minuto bago ako kumalma. Namalayan ko na lang na tulala ako at walang maramdaman. Para akong estatwa na walang silbing naging tuod sa mismong pwesto. Naramdaman kong hinaplos ni Jax ang pisngi ko at pinisil niya ang kamay ko.
"Ate, please makinig ka sa akin. Alam kong mahirap sa ngayon pero tatagan natin ate ang loob natin. Nandito naman ako para samahan ka sa bawat paglakbay natin. Huwag kang mawalan ng pag-asa ate. Kailangan pa nating umuwi at magsama-sama muli nila Mommy."
Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya. Bigla akong natauhan nang makita kong lumuluha din siya, halatang nasasaktan siya para sa akin. Parang may humampas sa ulo ko at bumalik ako sa katinuan ko.
Suminghot ako at tumayo ako. Napatingala naman siya sa akin at kumunot ang noo niya.
"You're right, walang mangyayari kung iiyak lang tayo rito at mawawalan ng pag-asa." inabot ko ang kamay niya at tinulungan ko siyang tumayo ng tuwid.
"Let's go help them."
Natulala siya sa akin ng ilang minuto. Ngunit, hindi rin nagtagal ay sumilay na ang ngisi sa labi niya. Tumango siya at tinapik niya ang likuran ko.
"I'm glad common sense finally slap you ate."
"Shut up." umikot ang mata ko at nagtungo ako sa pintuan ng kusina. Naramdaman kong sumunod naman siya sa akin.
"Hey ate, saan ka pupunta?" narinig kong tawag sa akin ni Jax pero hindi ko siya nilingon.
Madilim ang paligid nang makapasok ako sa loob. Kinapa-kapa ko ang pader para hanapin ang pindutan dito. Nang makapa ko ang switch ay binuksan ko ito at natulala ako sa bumungad sa harapan ko.
"What the hell!"
Nilagpasan ako ni Jax at nagtatalon siya sa sobrang tuwa habang iniikot niya ang kaniyang paningin sa mga nakahilerang baril sa pader. Kulang na lang ay lumuhod siya at yumuko nang paulit-ulit para bigyan galang at respeto ang lugar.
"This is soooo cool!" napahawak siya sa kaniyang noo at nagpanggap na nawalan siya ng malay.
Humakbang ako sa kaniya habang umiiling-iling ako.
"You're being over dramatic, get up." aniya nang malagpasan ko na siya at huminto ako sa tapat ng mga AR ammo. I'm familiar with guns pero iba ang familiar sa pagkabaliw. Sinilip ko si Jax sa gilid ko na hinahaplos-haplos ang isang SG na nakatutok pa ang nguso sa akin. Lumihis ako dahil sakali lang na aksidente niyang makalabit ang gatilyo at mayroon palang karga ang magazine nito.
"They are so cool. Halos kumpleto sila." kuminang ang kaniyang mata at ako ay napa-ikot na lang ang mata sa dismaya.
"How did you know this place ate?"
"I saw Basil going in here while we were talking earlier with Laina. Kung lalabas tayo para sundan sila, kailangan din natin magdala ng sarili nating armas."
"Pero hindi kaya magalit sila kapag nalaman nilang sumunod tayo tapos ginamit pa nating 'tong baril nila?"
Napahampas ako sa noo ko at dismayado ko siyang binato ng tingin. Napaigtad siya at nanliit siya sa kaniyang pwesto. Ginawa pa niya pang harang ang baril na hawak, tila, pino-protektahan niya ang sarili sa akin.
"You want to do this or not?!" sigaw ko.
"Yes Ma'am!" sumaludo siya sa akin at nagmamadali siyang naghanap ng magazine ng SG.
Napa-iling na lamang ako at tinuon ang atensyon ko sa mga baril. Tinignan ko ang magazine ng armas at puno ang laman nito. Sinubukan ko itong ikasa. Hindi ako sanay humawak ng mga ganito pero kailangan kong matutunan.
Kailangan namin magdala ng bag para dito ilagay ang ilang gamit na kailangan dalhin. Kung sakaling sugatan ang dalawa, we need to find a medical kit. Also water kapag kami ay hiningal at kinapos ng hininga. Muntikan na akong ma-dehydrate kung hindi lang kami kinupkop nila Laina. Dehydration can kill us.
"Okay ka na ate?"
Tinapos ko muna ang paglagay ng bala sa magazine at kinasa ko ito. Sinukbit ko ang armas sa balikat ko bago ako dahan-dahan na humarap sa kaniya at tumango.
"Let's go." pag-aya ko sa kaniya.
Tumalikod na ako at dumiretso na sa pintuan. Ngunit, natigilan ako nang maramdaman kong hindi siya sumunod sa akin. Tinignan ko siya mula sa balikat ko at nahuli ko siyang kumikinang ang mga mata, tila, kinikilig. Tumigilid ang ulo ko at nagtaka ako.
"Nothing." he wiped off his imaginary tears. "I just thought you look awesome." pumiyok pa siya at minuwestra ang kabuoan ko.
Napatingala ako at tinaas ko ang kamay ko, inaabot siya. Saan ba nagkulang ang magulang ko sa pagpapalaki sa kaniya? We're going to war yet here he is, squeaking like a fan boy.
Napa-iling na lang ako at iniwan ko na siya. Narinig kong natalisod pa siya sa likuran ko bago siya sumunod sa akin.
"Saan ang exit?" tanong ko.
"I'm not really sure." tumingin siya sa paligid.
Dumaan kami sa sala. Maluwang at hindi ganon kaganda tignan ang sala pero maayos naman ito kahit sira-sira ang ilang upuan. Dumiretso kami sa pintuan at sumandal muna kami rito, pinapakinggan ang nasa kabilang panig ng pintuan. Iba na ang nag-iingat. Baka may makasalubong kaming Melox o Bevil, lalo na pag Bevil.
Sa nakita kong illustration sa Bevils, nananalangin ako na huwag namin makasalubong ang uri nila.
"Tahimik sa labas, let's go."
Binuksan niya ang pintuan at sumunod na ako sa kaniya. Nakalayo-layo na kami sa mismong pinaglabasan namin, and so far wala pa kaming nakakasalamuhang kakaiba. Hawak ko ang pistol sa aking kamay habang nagmamasid sa kapaligiran. Tumingin ako sa bintana sa gilid ko. I think we are inside a condominium. Nasa top floor kami dahil halos malula ako habang tinitignan ko ang nasa ibaba. Wala akong takot sa matataas na lugar, ngunit, kapag ikaw na pala ang nasa mismong sitwasyon ikaw na mismo ang susuko.
"Ate lumayo ka diyan! Baka mahulog ka!" pasigaw na bulong ni Jax nang makitang malapit ako sa glass window. Ang ibang bintana kasi ay sira at basag kaya't pwedeng mahulog mula rito.
Napalingon ako sa kaniya at nanlaki ang mata ko nang may nakita akong pigura ng tao ang nakatayo sa dulo ng hallway. Biglang bumagsak ang puso ko at dumagundong ito ng malakas at mabilis. Nahalata ni Jax na nakatingin ako sa harapan kaya't napalingon din siya rito. Katulad ko ay natulala siya at natuod sa kaniyang pwesto.
In front of us is a little kid. May hawak siyang manika at sira-sira ito. Ang kaniyang dress na lolli ay madungis kasama na rin ang kaniyang mukha. Mukhang nasa gawing limang taon ang edad niya. Naningkit ang mata ko at naaninag kong umiiyak siya.
"I have a bad feeling about this." narinig kong singhal ni Jax sa gilid ko at unti-unti na siyang umaatras. Hinawakan ko siya sa kaniyang braso para pigilan ko siya.
Nanigas siya at nagpumilit siyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kaniya pero hindi ko siya pinakawalan. Sa halip ay unti-unti ko siyang hinatak papalapit sa bata.
"Ate?! What are you doing?"
Hindi ko siya pinansin. Hinayaan ko siyang umiyak na parang sanggol sa likuran ko.
"Have you seen my mommy?" narinig kong tanong 'nung bata nang makalapit na kami sa kaniya.
Bumaba ang tingin namin sa kaniya. Maliit siya at payat. Lumambot ang puso ko nang tumingala siya sa amin at lumabi siya. Parang may humaplos sa puso ko dahil ang amo ng kaniyang awra. Parang may dinadala siyang kapayapaan at kasiyahan.
"Naliligaw po kasi ako. Nahiwalay ako kay Mommy." pumiyok siya at nautal. Nagsimula na siyang humikbi at parang tinutusok ang puso ko habang pinapanuod ko siyang umiyak.
Luluhod na sana ako para pantayan siya nang pigilan ako ni Jax. Napalingon ako sa kaniya. Umiiling siya sa akin habang pinandidilatan ako ng mata.
"Are you fvcking serious ate?! Huwag kang magpaloko sa mga gaya niya!" marahas niyang bulong.
"Titignan ko lang kung may tattoo siya sa dibdib!" singhal ko sa kaniya. Binalik ko ang tingin ko sa bata pero pinigilan niya muli ako.
"No ate! Huwag ka dapat mahulog sa mga patibong nila! Ikaw ang madaling maloko sa mga ganitong bagay! Hell nah we would let this child with us! Look at her! She's a little girl! And little girls are evil! Just like in movies and in real life!" sunod-sunod niyang paratang at kulang na lang ay magpaputok na siya ng baril.
Gets ko ang gusto niyang iparating pero kailangan ko lang siguraduhin kung may tattoo o simbolo ba sa kaniyang dibdib para malaman kung kabilang siya sa mga shape shifters.
Tinabig ko ang kamay ni Jax at lumuhod ako sa tapat ng bata. Narinig kong paulit-ulit na nagmura si Jax sa likuran ko at gusto akong kaladkarin palayo pero hindi ko siya pinansin.
"Let me hold you..." bulong ko sa bata at inabot ko ang kaniyang kamay.
Malambot ang kaniyang balat at parang totoong balat ng tao. Maingat ko siyang minuwestra papalapit sa akin. Noong una ay natatakot pa siya pero hindi rin nagtagal ay lumapit na siya sa akin habang nakalabi.
"Don't worry, we will going to find your mommy. But first, let me see your chest, okay?"
Nagtagal saglit ang kaniyang tingin sa akin bago siya tumango at niluwagan niya ang pagkakayakap niya sa kaniyang manika. Ngumiti ako at dahan-dahan ay tinignan ko ang kaniyang dibdib.