Her smile is so precious and I see something more beautiful than just diamonds above the sky. Hindi ko masisisi si Basil kung bakit nahulog ang loob niya kay Laina. She's sweet, nice, and caring. Lahat na ata ng gusto mong hanapin sa isang babae ay nasa kaniya.
"Jadey, you're alright..." she was so relieved when she knew I was fine.
Pinilit kong ngumiti sa kaniya at tumango ako, tinatago ang pait na nararamdaman ko para sa sarili ko. Hinaplos ko ang palad niya.
"We're going to be alright. Can you stand up?"
Inalalayan naman siya agad ni Basil na tumayo. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya kung paano ito pumalupot ng mahigpit sa beywang ni Laina, tila, natatakot siyang bitawan ito. Huminga na lang ako ng malalim at tumulong na lang din ako.
"Thank you." she whispered softly nang makatayo na siya ng maayos. Napahawak siya sa kaniyang ulo at ngumiwi siya.
"Do you need anything?" nag-aalalang tanong ni Basil.
"Yeah, a gun. I need to kill that Abchanchu, where is he?" gumalaw ang kaniyang panga.
"Hold on a minute Laina, huwag kang magpadalos-dalos. Look what he did to you, he can kill you in just a snap." seryosong pangaral sa kaniya ni Basil.
Pinagmasdan naman siya ni Laina ng matagal. Nagpabalik-balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Maya-maya ay napabuga ng marahas na hininga si Laina at sumuko na lang.
"Yeah, you're right. You'll end up depress if I die early." natatawang biro ni Laina at sinuntok sa dibdib si Basil na sinalo ang kaniyang kamay at hinaplos ito.
Luminga-linga na lang ako sa paligid habang nagkukulitan pa silang dalawa. May nahagip ang mata ko hindi kalayuan sa pwesto namin. May dumaan sa dulo ng hallway patungo sa kaliwa. Naningkit ang mata ko at nilagpasan ko ang dalawa, susuriin kung ano 'yon. Pigura ng tao ang nakita ko.
Naririnig ko parin ang boses ng dalawa pero malabo na ito sa pandinig ko dahil pinagmamasdan ko ang anino sa pader. Bawat hakbang ko ay mabigat, ngunit, dahan-dahan. Ayokong magpadalos-dalos dahil baka biglang umatake ang nakita ko.
"Jadey? Where are you going?"
Napalingon ako kay Basil nang tawagin niya ang pangalan ko. Nakatingin silang dalawa sa akin at nagtataka kung bakit patungo ako sa dulo ng hallway.
Sinenyasan ko sila na tumahimik at binalik ko ang atensyon ko sa pader na pinagmamasdan ko. Nagtaka ako nang makita kong wala na ang anino. Tumaas ang kilay ko at dali-dali akong lumapit dito. Lumiko ako at wala akong nakitang tao. Nababalot lang ng kadiliman ang paligid.
"What's wrong?"
Napatingin ako sa dalawa na sumunod na pala sa akin. Laina look so concern so she hold my hand and caressed it. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na nakahawak sa akin.
"I-i just saw someone walking here."
"Are you sure?" lumingon siya sa hallway sa likuran ko.
"Wala namang tao. Maybe, namalikmata ka lang?" tanong ni Basil.
Sa totoo lang ay hindi ko rin alam ang isasagot ko kaya't isinawalang bahala ko na lang ang ideyang 'yon.
"Tara na lang." nilagpasan ko na silang dalawa at nauna na akong maglakad.
Ramdam kong nakasunod lang ang kanilang tingin sa akin. I looked at my hands. Madumi at mahina. Kinuyom ko ito at nagpatuloy na lang sa tinatahak ko.
I need to find my brother and escape in this place. Wala akong ideya kung saan siya dinala ni Abchanchu. Pero ayon sa kaniyang pag-iwas kanina sa mga tanong ko, alam kong siya ang dumakip sa kapatid ko.
Abchanchu looks like the type who pulls pranks and joke a lot. Pero ang mga uri niya ang alam kong mahilig sa puzzles. Tumingin-tingin ako sa mga pintuan na nadadaanan namin. There must be a pattern here. But what is it? Is my hypothesis right? Or wrong? Hindi ko alam. I need to find clues.
Patuloy lang ako sa paglalakad nang may naapakan ako. Bumaba ang tingin ko sa matulis na bubog. Kung naka paa ako ay masusugatan pa ako. Sinipa ko ito palayo sa akin at diretsong humakbang paabante.
"Do you guys know where's the exit?" tanong ko sa dalawa na nakasunod sa akin.
"The only shortcut we know is the fire exit we went through earlier. But I doubt those stairs are safe to go."
"Why?" nagtatakang tanong ni Laina.
"We encountered an abnormal Melox earlier that almost killed Jadey."
"What the?" napahinto si Laina sa gulat.
"Those creatures are dangerous, how did you manage to escape?" she asked, worried.
"Well, Jadey killed it. Using this." tinuro ni Basil ang SG na sukbit ko. Medyo nawala sa isip ko na may armas akong dala. Masyadong occupied ang utak ko kakaisip.
Namangha si Laina at pinuri niya ako. Ngumiti na lang ako sa kaniya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Mabuti na lang wala pa kami nakakasalamuhang Melox o Bevil sa ngayon.
Patuloy parin sa paghaharutan ang dalawa sa likuran ko na hindi ko na lang pinansin.
"Ouch!" natigilan ako nang may naapakan akong matulis ulit.
Bumaba ang tingin ko sa paa ko at natigilan ako nang makita kong kapareha ng napulot kong bubog kanina ang naapakan ko. Kumunot ang noo ko at dahan-dahan ko itong pinulot, sinusuri ng mabuti ang salamin.
Lumiit ang mata ko habang pinagmamasdan ko kung paano ito kuminang sa aking kamay. Naapakan ko na ito kanina, bakit nandito 'to ulit? Bigla akong napatingin sa harapan ko at napansin kong parang may mali. Dahan-dahan ko muling hinakbang ang paa ko paabante. Patagal nang patagal ay hindi nagiging maganda ang kutob ko sa lugar na tinatahak namin.
Normal parin ang paligid. Tila, umuusad talaga kami. Ang dalawa ay nakasunod lang sa akin, ngunit, alam kong naguguluhan sila sa kinikilos ko.
"Jadey, what are you thinking?" bulong ni Laina at hinawakan niya ako sa balikat ko.
"Something's not right." I explained to her while roaming my eyes. Ang puso ko ay malakas ang sinisigaw, ngunit, pinapatahimik ito ng utak ko. Umaatake ang senses ko sa lugar na ito.
"What? Why?" nagtatakang tanong ni Basil at pinigilan niya ako sa paglalakad ko.
"Because-" natigilan ako nang bumaba muli ang tingin ko sa paanan ko at nanlaki ang mata ko nang makita kong naapakan ko muli ang basag na salamin na katulad lang din ng kanina.
Bumaling ang atensyon ko sa kamay ko at biglang nawala ang kulay sa mukha ko nang makita kong hindi ko na ito hawak. Hindi ko alam kung paano at bakit pero isa lang ang napagtanto ko.
"We need to escape in this place." balisado kong hinarap ang dalawa at binilisan kong maglakad.
"Wait, Jadey!" hindi ko pinansin ang pag tawag nila sa pangalan ko.
Mabibigat ang bawat hakbang ko at mabilis ang ritmo ng puso ko habang lumilinga-linga ako sa bawat sulok ng hallway. The same doors, looks, place and even the atmosphere. Nahihilo na ako at umiikot na ang paningin ko. Hindi na ito tama. I was panicking and almost lost in my own thoughts again when someone stopped me. Napatingala ako sa humawak sa balikat ko at natigilan ako nang makita ko sa harapan ko si Jax.
"J-jax? You're...okay?" nanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwa. He's standing in front of me, holding my cheeks at caressing it.
"B-but, how?" naguguluhan na ako. Paano siya napunta sa harapan ko? Bakit ang bilis ng lahat ng pangyayari?
"Shhh, everything is going to be fine." niyakap niya ako at hinaplos niya ang buhok at ulo ko pababa sa aking likuran. Tinapik niya ito ng ilang ulit.
Mainit ang kaniyang katawan at ramdam ko ang kaniyang pag-aalala sa akin. Tila, totoo talaga siya at walang halong biro ang lahat. Biglang may tumulo na luha pababa sa pisngi ko at namalayan ko na lang humahagulgol na ako sa balikat niya.
"I can't lose you, Jax. You're the only family who understand me." I cried my pain out on his chest. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at hindi siya nagsalita.
Ilang minuto kaming nanatali sa pwesto namin. Pinapakiramdaman ko lang ang init at higpit ng kaniyang yakap na nagbibigay ng lambot sa puso ko. Kahit papaano ay nawala ang pangamba ko at gumaan ang pakiramdam ko. Sana ay bumalik na sa normal ang lahat. Gusto ko na lang matapos 'tong paghihirap namin.
"Jadee..."
Nagtaka ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Kadalasan ay tinatawag niya akong 'ate' o 'Jadey', minsan lang sa pangalan ko kapag may hindi magandang nangyayari sa kaniya. Naramdaman kong may pumatak na likido sa likuran ko, may kainitan kaya't dahan-dahan akong lumayo para tignan siya.
Natigilan ako at halos mapasigaw ako nang mapagmasdan ko ang itsura niya. Napatakip ako sa bibig ko at nabitawan ko siya bigla. Napa-atras ako hanggang sa tumama ang likuran ko sa pader. Words can not express how badly I want to shriek in terror.
"JAX!" parang nasunog ang kaniyang balat at nakikita ko na ang bungo niya. Nahuhulog na ang kaniyang balat at dugo. Hindi ko na kaya pumikit na lang ako at sumigaw ng malakas, nilalabas ang hinanakit ko. Gusto kong masuka dahil umaamoy na siya.
Hindi ko na maintindihan. Biglang nawala sila Basil at Laina at ngayon nasa harapan ko ang kapatid ko, tanging bangkay na lang niya walang lamang loob. Para na akong aatakihin sa puso sa sobrang lakas ng kabog nito. Nanghihina akong napaluhod at umiling-iling ako, pilit inaalis sa utak ko ang karumal-dumal na imahe ng kapatid ko.
"Jadey!"
Para akong umahon sa malalim na karagatan at napunta sa ibabaw ng tubig nang may tumawag sa pangalan ko. Mabilis parin ang t***k ng puso ko, ngunit, hinahabol ko ang hininga ko. Tumingin ako sa paligid kahit na umiikot ang paningin ko. We're running. Why are we running?
"Jadey! You're awake!"
Napatingin ako kay Laina na tumatakbo kasama si Basil. Bumaba ang tingin ko at nagulat ako nang matagpuan ko ang sarili ko sa mga kamay ni Basil. Nakapalupot ang kamay ko sa leeg niya at nakasandal ang ulo ko sa matipuno niyang dibdib.
"What's happening?" hindi ako makapagsalita ng maayos dahil naguguluhan parin ako sa nangyayari sa paligid ko. May naririnig akong putok ng baril at himagsik ng mga halimaw na humahabol sa amin.
"We're being chased by a Bevil!" sigaw ni Laina at nagpapaputok siya ng baril habang tumatakbo.
Bumaling ang atensyon ko sa likuran at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong isang higanteng katawang tao na laglag ang isang mata, bumabakat ang mga ugat sa mga naglalakihang braso at hita, sira-sira ang damit, at maraming bahid ng dugo sa buong katawan. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang pagmasdan siya ng matagal. Naka-ukit na agad ito sa ala-ala ko at kapag naalala ko ay para akong babangungutin kapag natulog.
"This way!"
Lumiko ang dalawa at halos humampas kami sa pader dahil madulas ang sahig. The Bevil behind us made a sound that will make your insides sick. Naguguluhan na ako at marami akong katanungan kung ano na ba ang katotohanan. Ano na ba ang realidad?
"Don't worry Jadey, maitatakas ka namin dito. We need to find your brother first." bulong sa akin ni Basil habang kumakaripas ng takbo palayo sa Bevil na gusto kaming kainin.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaan na lang ang agos ng buhay na tinatahak namin. I don't know know anymore. Everything feels so wrong at the same time, it's real.