"Here! Get inside!"
Dali-dali kaming pumasok sa pintuan na binuksan ni Basil. Hinatak niya si Laina at tinulak sa loob, sumunod kaming dalawa at pagkasarado ng pintuan ay ang pagkalabog ng Bevil sa pintuan, humahampas na papasukin siya.
Binuksan ni Laina ang flashlight niya at tinutok ito sa amin. Napapikit ako ng mariin. Masakit sa mata dahil madilim ang paligid at tanging mga hininga nila na mabigat, at t***k ng puso ni Basil ang naririnig ko. I'm still confuse to what's happening.
"What should we do? There's nothing here!" napapadyak si Laina kasabay nito ay ang paghampas ng pintuan.
Hindi agad nakakilos si Basil. Para siyang nag-iisip ng kung ano ang gagawin. Luminga-linga siya sa paligid. Walang kagamitan sa loob ng kwarto. Pader lang ang nakikita na puro bahid ng dugo at dumi. Napamura si Basil ng malutong at sinandal niya muna ako sa pader.
"Diyan ka muna." bilin niya sa akin at dali-dali siyang pumunta sa pintuan. Sinandal niya ang likuran niya para pigilan ang Bevil sa pagpasok.
Si Laina ay patuloy naman sa pag-ikot ng flashlight sa paligid, humahanap ng pwede naming takasan. Nagkakagulo na sila at eto ako, naka-upo lang at nanunuod. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko. Naguguluhan ako. What did really happen? How did they get chased by a Bevil? Paano ako napunta sa sitwasyong kasama si Jax? Kailan pa ako walang malay? So everything is just a dream?
"Laina! Hurry up! I can't take it much longer!" nagmamakaawang sigaw ni Basil.
Pumapatak na ang kaniyang pawis at halata na ang pagod sa kaniyang mukha. Pinipilit lang niyang tiisin ang sakit na nararamdaman dahil halos mabuksan na ang pintuan at magiba na ang pader. Nagkakaroon na ng crack sa gilid nito.
"Teka!" dismayadong sigaw ni Laina at parang nawawalan na siya ng pag-asa dahil nanghina ang mga tuhod niya at tumulo na ang luha niya.
Natulala na lang ako sa nangyayari sa harapan ko. Ang dalawa ay halos isakripisyo ang mga sarili para lang iligtas kami ni Jax. Pero, ano 'tong ginagawa ko? Bakit nakatulala lang ako at naghihintay na lang ng katapusan ko?
Pumikit ako at paulit-ulit na huminga ng malalim. Walang mangyayari kung puro katanungan lang ang paiiralin ko rito. Alam kong magulo pa ang lahat pero malalaman ko rin ang katotohanan mamaya. For now, kailangan ko nang gumawa ng paraan para makatulong sa kanila.
Nanginginig akogn tumayo kaya't napahawak ako sa pader para dito ako kumuha ng suporta. Mabibigat na hininga ang pinapakawalan ko. You can do this, Jadey. You need to face it. Stop running away. Stop crying, please.
Can't you see? They are fighting for their lives just for the sake of us. Kailangan kong ibalik ang kanilang paghihirap. Dinilat ko na ang mga mata ko at buong tapang na hinarap ang mangyayari.
"Laina." lumapit ako sa kaniya at lumuhod ako. Malapit na siyang mag break down.
"Let me." inagaw ko sa kaniya ang flashlight at ako ang humanap ng pwede namin takasan sa maliit na kwarto. There must be something in here!
"There!"
Huminto ang flashlight at napaturo ako sa kisame nang makakita ako ng vent. May kataasan ang vent, ngunit, kaya naman siyang abutin kapag may bumuhat sayo. Dali-daling tumayo si Laina at lumapit siya sa akin. Napatingala siya at nagkaroon ng buhay ang kaniyang mga mata.
"What did you find?" sigaw ni Basil habang binibigay ang kaniyang lakas na pigilan ang Bevil.
Napasigaw kami nang halos mapa-atras si Basil nang bumwelo ito na buksan ang pintuan. Muntikan na mawalan ng balanse si Basil pero nabalik niya ang sarili sa dating postura at nilingon kami.
"Mauna ka na Laina!"
Tumango si Laina. Yumuko ako ng bahagya at pinagdikit ko ang palad ko.
"Sumampa ka rito!" sinenyasan ko siya at agad naman siyang sumunod.
Humawak siya sa balikat ko at umapak dito. Halos mapasigaw ako sa sakit dahil kumikirot parin ang balikat ko. Ibig sabihin ba nito ay totoo ang mga nangyari kanina dahil nakakaramdam ako ng ganitong hapdi at kirot sa mga parte ng katawan ko? Ngunit, paano naman ang eksplenasyon sa buhat ako ni Basil at tumatakbo na sila habol ng Belvin?
Napa-iling ako. Kailangan kong mag focus! Tinanggal ni Laina ang nakaharang sa vent at binato niya ito. Napayuko ako dahil umusbong ang mga alikabok mula sa taas. Napa-ubo ako.
"Push me Jadey!"
Buong pwersa ko siyang tinulak pataas. Nanginginig ang mga hita ni Laina pero nagsikap siyang i-angat ang sarili. Natuwa ako nang maka-akyat na siya ng tuluyan at yumuko siya sa akin para abutin ang kamay ko.
"Give me your hand!"
Medyo may kataasan pero kaya naman abutin ang kamay niya kapag tumalon ako. Ngunit, bigla akong natigilan nang mapatingin ako kay Basil. Paano siya?
"P-paano siya?" nautal ako at tinuro ko si Basil na nakangiwi na at pilit nilalakasan ang sarili kahit mukhang gusto na niyang mahiga at magpahinga.
Napalingon si Laina kay Basil at parang may napagtanto siya. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin. Kapag nabuksan ang pintuan, maliit lang ang tsansa na makakahabol si Basil sa amin. The door will break anytime now.
Napapikit ng madiin si Laina at parang nakikipagtalo siya sa sarili niya. She was muttering something under her breath when she shake her head then look at me.
"Just give me your hand!"
"P-pero-"
"NO BUTS! WALA NA TAYONG ORAS PA!"
Nagda-dalawang isip pa ako kung aabutin ko ba. Napalingon ako kay Basil na sinenyasan akong sundin na lang si Laina. Napakagat ako sa dila ko at napabuga ng marahas na hininga at tinanggap ko na rin sa huli ang kamay niya.
Nang maka-akyat na ako ay sumigaw si Laina.
"BASIL! NOW!"
Sumigaw si Basil at nagmamadali niyang hinablot ang kamay ni Laina na nakalahad. Tumulong ako na hatakin siya pataas. Napatili ako nang bumukas ang pintuan at pumasok na ang Bevil sa loob ng kwarto, patungo sa gawi ng vent.
"Hurry!" sigaw ni Laina at hinawakan niya ang binti ni Basil para hilahin ito pataas.
Saktong pagpasok ni Basil sa loob ng vent ay ang pag lusot ng kamay ng Bevil sa butas, inaabot kami. Nakita kong nilabas ni Laina ang SMG at tinadtad ito ng bala. Pumalahaw ang Bevil at napilitan siyang alisin ang kaniyang kamay.
"Go! Go!"
Gumapang na kami palayo sa kwarto na 'yon. Rinig ko parin ang palahaw ng Bevil. Bawat kilos namin ay may hinahabol na oras at gumagawa ng tunog ang vent habang gumagapang kami. Rinig ko ang bawat hampas ng puso sa buto ko. Hinihingal na kami, pagod, butog-butog ang pawis at nangangalay na.
"Here!"
Lumiko si Basil at sumunod kami ni Laina sa kaniya. Nang ako na ang paliko ay nagulat ako nang may sumuntok sa vent sa pagitan namin ni Laina, lumikha ito ng malaking butas. Napasigaw ako nang hawakan nito ang paa ko at nahila ako palabas ng vent.
"JADEY!" narinig kong sigaw nila Laina at pilit akong inaabot ngunit huli na ang lahat dahil nahuli na ako ng Bevil na tinatakasan namin kanina.
Pabaligtad akong hinawakan ng Bevil at halos umikot ang paningin ko dahil ramdam ko ang pag daloy ng dugo patungo sa ulo ko. Sumigaw ako nang magpantay ang mukha namin ng Bevil. Nakakakilabot ang kaniyang mga mata na halos lumuwa na at matanggal. Naamoy ko ang hininga niya at bumaligtad ang siimura ko nang umalingasaw ito sa ilong ko.
"Jadey!"
Binuka ng Bevil ang kaniyang bunganga at unti-unti akong pinasok dito. Pinikit ko ang mata ko at tinanggap na hanganng dito na lang ang katapusan ko. Tumatama sa aking pisngi ang ilang likido na nagmumula sa kaniyang bibig. Nang makagat na niya ang ulo ko ay biglang nag dilim ang paningin ko at kasabay nito ay may umaalog sa balikat ko.
"Jadey! Wake up! Labanan mo si Kadr!"
Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Basil. Namumuod ang pawis niya sa noo at hindi mapakali ang kaniyang mata. Medyo malabo pa sang pandinig ko kaya't hindi ko maintindihan ang kaniyang paulit-ulit na sinisigaw sa akin.
"You're awake! Thank god!" niyakap niya ako ng mahigpit at hinaplos-haplos niya ang ulo ko.
Naguguluhan parin ako. Umikot ang paningin ko sa paligid. Nasa hallway parin kami, ngunit, tahimik ang paligid. Napunta ang tingin ko sa kaniyang likuran. Nakasandal si Laina at gising na ito pero parang masakit ang kaniyang ulo dahil nakahawak siya rito.
"W-what happened?" nagtataka akong lumayo ng kaunti kay Basil at pinagmasdan ko siya.
Hinaplos niya ang pisngi ko at huminga siya ng malalim. Lumingon siya saglit kay Laina na tumango sa kaniya, sinesenyasan na sabihin sa akin kung ano ang nangyayari.
"You suddenly collapsed earlier while you were crying. Kasabay 'non ay nagising na si Laina. Noong una ay inakala naming pagod ka lang at magpapatuloy na sana tayo, ngunit, nakita namin si Kadr sa dulo ng hallway, nakasilip at naka-abang sa'yo."
Halos umikot ang paningin ko sa sunod-sunod na impormasyong binabato niya sa akin. Magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko na siya.'
"S-sino si Kadr?" kunot-noo kong tanong at napahawak ako sa ulo ko nang kumirot ulit ito.
"Kadr is a Class 1. Malapit ikumpara ang kanilang lakas katuald ng Class 0, pero ibang klaseng Class 1 ito. Mayroon siyang kapangyarihan na kayang pumasok sa utak mo at guluhin ang pag-iisip mo."
"Tell us, ano ang mga nangyari noong nananaginip ka? Saan ka niya dinala? Paano ka nakabalik?" sunod-sunod na tanong ni Laina at hinawakan niya ang kamay ko.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi. They said I collapsed and everything that felt so real was just a dream. Ngayon nasa harapan ko sila at inaabangan akong magpaliwanag ay hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung totoo ba sila o hindi.
Para na akong nasisiraan ng bait. Umiling-iling ako at tinabig ko ang kamay ni Basil. Nagtaka sila ni Laina at pilit akong inabot pero gumapang ako palayo sa kanila. They look concern at first nang magkatinginan sila at tumawa ng malakas. Palakas nang palakas hanggang sa biglang natunaw ang kanilang katawan at bumula ito.
"This is not real! I'm still dreaming!"
Pumikit ako at tinakpan ko ang tenga ko dahil sari-saring bulong ang naririnig ko. Umiling-iling ako at pumadyak-padyak ako dahil sumasakit na ang ulo ko sa dami ng boses na sumisigaw. Tama na! Ayoko na!
"Pakawalan mo na ako! Please!" I'm still in this nightmare.
"You really are pathetic, aren't you?"
Naging malinaw ang kaniyang boses at parang nasa harapan ko lang ito. Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha at tumingala sa nagsalita. Bumungad sa akin ay isang matangkad na babae, mahaba ang buhok na natatakpan ang kaniyang mga mata. Tanging labi lang niya ang nakikita ko at ilong. Maganda ang hubog ng katawan at para siyang isang normal teenage girl dahil nakasuot pa siya ng uniform.
"Who are you?"
"Take a lucky guess, I already spoon feed you everything, but it seems you're not feisty as we thought you were." walang emosyon ang bawat salitang binibitawan niya. Sobrang lamig ng boses na nagpapatayo ng balahibo sa katawan ko.