"Get me out fo here Kadr!"
Ngumisi lang siya at nilagay ang magkabilang kamay sa likuran niya. Pina-ikutan niya ako habang umiiling-iling.
"You think I will let you out that easy?" she muttered in disguts.
"You have to take me out first before you get out of this hell." taas-noo siyang huminto sa harapan ko at sumilip ng bahagya ang mata niya. Halos mapasigaw ako nang makita kong wala siyang mata at tanging socket lang ito.
"W-what are we going to do?" nauutal kong tanong at nanginginig akong tumayo sa sahig.
Hindi siya nagsalita agad. Sa halip ay bigla itong naupo sa harapan ko at pinatong niya ang kaniyang kamay sa mga hita niya.
"We're going to play a game." walang buhay niyang saad at minuwestra niyang maupo ako.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kaniya at sa sahig na tinuturo niya na maupo ako. Duda ako at hindi ako makakilos agad. Mukhang nainip siya dahil tinuro niya ako at kasabay nito ay biglang gumalaw ang paa ko. Nanlaki ang mga mata ko. Wait! Hindi ako ang gumagalaw!
Nakaturo parin siya sa akin nang maka-upo na ako sa harapan niya. Ngumisi siya at binaba na niya ang kamay niya.
"What are you?" kinakabahan kong tanong.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay pinagsalikop niya lang ang mga daliri niya at pinakita niya sa akin ang socket ng kaliwang mata niya habang nakangiti ng mala-demonyo.
"We're going to play mind games."
"Mind games?" parang asidong lumabas sa kaniyang bibig ang mga salitang binitawan niya. Mind games? What is she planning to?
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Sa halip ay taas ulo niya lang akong tinitigan sa mga mata ko. Bigla akong nailang sa ilalim ng mga tingin niya. Gusto kong umiwas, pero, may pumipigil sa akin. Tila, kino-kontrol niya ang aking utak. Sinubukan kong igalaw ang ulo ko pero pirmes itong nakaharap sa kaniya.
This is bad. She's controlling me. Gusto ko na lang maiyak ulit pero pinigilan ko ang sarili ko. I need to learn that crying won't help anything!
"Good, you're learning."
Nanlaki ang mga mata ko. No, she can read my mind? Bumigat ang puso ko at kinapos ako ng hininga. I'm starting to have a panic attack. I tried controlling my breath. Ang mga mata ko ay hindi parin naaalis sa kaniya. A devilish smile formed in her lips.
"Please..." nagmamakaawa na ako sa kaniya. My voice broke and my heart is now beating wildly, begging me.
"Gusto ko na lang matapos 'to lahat." pumatak ang luha ko sa hita ko. Kahit na hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, kontrolado ko parin ang emosyon ko.
"Simple lang ang magiging mekaniks ng ating laro." paliwanag niya habang naka-muwestra ang kaniyang mga palad.
"Magtatanong ako sa'yo, at kailangan mo sila sagutin."
Tumigil sa pagpatak ang luha ko at dahan-dahan na nagsalubong ang kilay ko sa kaniya. Payak lang ang mekaniks ng laro, ngunit, may kung anong bumubulong sa akin na hindi magiging madali ang mga tanong niya.
"Handa ka na ba?" she asked. Ang boses niya ay nag-iba. Naging malalim, panganib at delikado.
Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya kaya't nagulat ako nang may dumaan na matulis sa pisngi ko. Napamura ako at hinaplos ko ito. Natigilan ako nang makita kong pulang likido ito na bumabalot sa daliri ko.
"Uulitin ko, handa ka na ba?"
Napalunok ako at nanginginig kong binuka ang bibig ko.
"Oo, handa na ako." pag tugon ko sa kaniya.
Lumawak ang ngiti niya at biglang gumalaw ang pader at yumanig ang mga sahig. Bigla akong nahilo kaya't napakapit ako ng mabuti sa pwesto ko sa takot na biglang gumuho ang paligid. Nakataas ang mga kamay at buhok ni Kadr, kasabay nang pagtingala niya sa kisame.
Makalipas ang ilang minuto ay huminto na sa pagyanig ng paligid at kumalma na ang sahig. Biglang naiba ang atmospera at itsura ng lugar. Tumingala ako at lumibot ang paningin ko sa paligid.
Nasa isa kaming kwarto, maliit, masikip at tanging ilaw lang sa kisame ang makikitang kagamitan. Nabigla ako nang bumalik ang tingin ko kay Kadr. There she goes again, controlling me.
"Unang tanong,"
Kinabahan ako at hinintay ko ang ibabato niyang tanong sa akin. Pumikit ako at hinanda ko ang sarili ko. Simple lang naman ang gusto niya, eh. Question and Answer portion lang naman ang mangyayari.
"Saan ka takot?"
Dinilat ko ang mata ko at nagtaka ako. Saan ako takot? Bakit ang dali lang? Baka mamaya ay magulat na lang ako may biglang mahulog sa ulo ko kapag namali ako ng sagot.
"Ahm..." nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi, ngunit, nang makita ko ang eskpresyon ng kaniyang mukha ay napilitan na ako sagutin siya.
"Takot ako mahusgahan." buong puso kong sagot dahil ito naman ang katotohanan.
All my life I was judged by my parents. Hindi ko masikmuraan ang kanilang mapanghusgang tingin sa tuwing may nagagawa ako, tama man o mali ang kilos ko.
"Wrong!"
Nagulat ako nang may bumagsak sa gilid ko na kutsilyo. Namulagat ang mga mata ko sa pagka-bigla at hindi ako makapaniwalang napatingin kay Kadr.
"What?! But I did answer your question-"
"Next Question!"
Yumanig nanaman ang sahig, ngunit, hindi nag-iba ang itsura ng paligid. Nanatili kami sa masikip na kwarto. Gulong-gulo na ako. She said I need to answer her question and I did! Saan ako mali?! Mas kilala pa niya ako kaysa sa sarili ko? Ganon ba ang gusto niyang iparating?!
"Saan ka masaya?"
Hindi ako sumagot agad. Pinagmamasdan ko lang siya. I have a bad feeling about this one. Hindi na ako sigurado sa magiging sagot ko kahit alam ko naman ang sagot sa tanong niya.
"Masaya ako kapag napapansin ako ng magulang ko." bakas ang sinseridad sa tono ng boses ko. Napalunok ako at naghintay ako sa magiging resulta.
"WRONG!"
"What-" napatayo na ako pero napaigtad ako nang may dumaplis sa balikat ko. Bumagsak ang puso ko nang makita kong isang malaking gulok naman ito.
"This is not what we-" tinaas niya ang kaniyang kamay at sa isang iglap nakita ko ang sarili ko naka-upo muli at nakaharap sa kaniya. Sinubukan kong igalaw pero naninigas na ang mga kamay at braso ko. Patuloy parin sa pag-agos ng dugo ang nadaplisan kong braso.
"Bibigyan kita ng ilang segundo para makasagot dahil ilang beses ka na nagkamali." paliwanag niya at tumaas ang kaniyang buhok.
Umiling-iling ako dahil kahit ano naman ang isagot ko ay mali para sa kaniya. There must be a hidden agenda! Or a clue! Or something that doesn't make sense here!
Bakit mali ang mga nagiging sagot ko kung sigurado naman ako sa mga ito? Nahuli kong tumaas ang sulok ng labi ni Kadr, tila, nasisiyahan siya sa pagluluksa ko. Binaba niya ang kaniyang kamay at kumalma ang kaniyang buhok.
"Panibagong tanong, sino ang mahal mo?"
Dito naman ako natigilan. Pamilyar na sa akin ang salitang 'yan, pero hindi ko alam sa sarili ko kung paano ko sasagutin. Sa hindi malamang rason ay may biglang nagpakita na isang imahe ng tao sa utak ko na mabilis ko ding tinanggal.
"Pamilya ko." sagot ko. Alam kong hindi ito ang katotohanan dahil may pait sa mga labi ko nang sabihin ko ito.
Pumikit ako ng mariin at hinanda ang sarili ko sa panibagong hampas ng sigaw ni Kadr. Ngunit, lumipas ang ilang minuto ay walang nangyari kaya't nagtataka ko siyang tinignan at natigilan ako nang matagpuan kong nalalagas ang kaniyang buhok.
"What's happening to you..." pabulong kong sambit at nangunot ang noo ko.
Nakitaan ko ng pangamba ang ekspresyon niya pero saglit lang ito dahil ngumisi siya ulit at tumaas nanaman ang kaniyang buhok at mga palad.
"Panibagong tanong..." aniya at bumaba ang tingin sa akin. May dumaan na kislap sa pagitan namin.
"Kanino ka inggit?"
Natigilan ako sa tanong niya. Bigla akong na-blangko at hindi ko alam kung paano ko sasagutin ito. Nagulat ako nang biglang may lumitaw na hologram sa itaas ng ulo namin at may segundo na gumagalaw. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong mayroon lang akong sampong segundo para sagutin ang tanong niya.
Bigla akong inatake ng kaba dahil mayroon na lamang akong natitirang tatlong segundo. Pumikit ako at sinabi ko ang unang imahe na pumasok sa utak ko.
"Kay Jax!"
Saktong nag zero ang bilang ng segundo sa hologram. Nawala ito at nagulat ako nang biglang yumanig ang paligid.
"WRONG!"
Nagulat ako nang bumukas ang kisame at may malaking gulok ang patungo sa pwesto ko. Lumihis ako at halos magpa gulong-gulong ako para lang maiwasan ito. Bumagsak ang gulok sa mismong pwesto ko kanina. Kuminang ito at tumama sa mismong mata ko kung gaano ito katulis.
"B-but...I was certain to my answer. I don't get it." naguguluhan kong bulong sa sarili ko. Kanina, tama ako, ngayon, mali ulit? Pero bakit?
Think Jadey, bakit tama ako kanina noong tinanong niya kung sino ang mahal ko? Ang sagot ko ay ang pamilya ko kahit na ibang tao ang pumasok sa isip ko...
Nanlaki ang mga mata ko at unti-unti ay napagtanto ko na kung ano ang huwaran. Tumingin ako kay Kadr na nakatingin sa akin at inaabangan akong umayos. Tumikhim ako at nagkunwari akong wala pa akong napagtatanto sa larong ito. Humarap ako sa kaniya at tinatagan ko ang loob ko.
Nakamasid lang siya sa akin, inaabangan ako. Hindi ako nagsalita, sapagkat ay pinakita kong parang naguguluhan parin ako at nangangamba. Mukhang nakumbinse siya dahil tinaas niya muli ang mga palad niya kasabay ang buhok niya sa pag-angat.
"Ano ang bagay na nagpapasaya sa'yo?"
Lumitaw ulit ang timer. Huminga ako ng malalim at hinanda ko ang sarili ko. Humigpit ang pagkakakapit ko sa hita ko. Hindi ako sigurado pero kailangan kong subukan para mapatunayan na tama ang napagtanto ko.
"Makita ang kapatid ko sa kwarto ko."
Saktong huminto ang timer at kasabay nito ay nanghihina niyang binaba ang mga palad niya. Nagtagal ang tingin niya sa akin. Tiim ang bagang ko at inaabnagan siya.
"C-correct."
Jackpot.
Napansin kong naglagas nanaman ang kaniyang buhok. Alam ko na ang kahinaan niya. Kinuyom ko ang kamao ko at hinanda ang sarili sa mga susunod na katanungan. I need to be careful dahil baka may pakulo ang isang 'to.
"Nabubuhay ka ba sa buhay ng iyong mga pangarap?"
Ngumisi ako, "Yes. Masaya ako sa buhay na mayroon ako ngayon."
Naitungkod niya ang mga kamay niya sa sahig at kasabay nito ay huminto ang timer. Hinihingal siya at parang nahihirapan nang umangat. Kasabay nito ay malaking parte ng buhok niya ang nalagas. Bahagyang gumagalaw ang paligid at nakakarinig ako ng mga bulungan sa utak ko, tila, nililito ako.
Pumikit ako ng mariin. I had enough about this. Alam kong tulog lang ako samantala sila Basil ay nakikipag laban at halos isakripisyo ang kanilang mga buhay para lang sa akin. Tama na Jadey sa pagiging pabigat mo. Kung gusto mo tumulong sa kanila, help yourself to get out of this nightmare.