"Ano ang lubos mong ipinagpapasalamat?"
"Ang makitang may jowa ang kapatid ko." dahan-dahan ay tumayo na ako at humakbang ako papalapit sa kaniya.
"Ano ang gusto mong baguhin sa sarili mo?" unti-unti ay kinakapos na siya ng hininga at napapagapang palayo sa akin.
"Wala, gusto kong manatiling mahina."
"A-ano ang pinaka nag-aalala sa iyo tungkol sa hinaharap?" mas lalong tumindi ang pagnginig ng paligid. Ang boses niya ay basag na.
"Ay maging isa akong matagumpay na tao."
Huminto ako sa harapan niya nang wala na siyang maaatrasan pa. Bumaba ang tingin ko sa kaniya. She looks weak and pathetic in her spot. She has the chance to kill me earlier but she wasted it for this stupid mind games she created.
Hawak niya ang kaniyang dibdib at halos wala na siyang buhok na natitira. Dahan-dahan akong lumuhod sa harapan niya at pinagmasdan ko siya. Malapit na siyang maagnas pero tiniis kong titigan siya kahit nakakakilabot ang kaniyang itsura.
"What?" bumaba ang tingin ko sa kaniya. Parang nahihirapan na siya dahil sa bibig na siya humihinga mismo.
"Wala ka na bang ibang tanong pa?"
She was lost for words, as if hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Nang hindi siya nagsalita ay dahan-dahan akong tumayo at umismid ako.
Tinalikuran ko na siya at humakbang na ako palayo nang maramdaman kong pumalupot ang kaniyang kamay sa paa ko at hinatak ako. Nawalan ako ng balase at bumagsak ako sa sahig. Napasigaw ako sa nangyari at ngayon ay hinahatak niya ako papalapit sa kaniya.
"Hindi maaari! Hindi ka totoo! Hindi ka totoo!" paulit-ulit niyang sigaw sa akin. Sinubukan kong mag pumiglas pero masyado na siyang nawawala sa sarili at mukhang gustong makuha ang hustisya niya.
Nagkagulo nanaman ang paligid at nagpatay-sindi ang ilaw. Nagulat ako nang biglang umulan ng kutsilyo at gulok. Napatakip ako sa ulo ko sa takot na matamaan ako rito. May dumaplis sa aking balat at ramdam ko ang pag ragasa ng dugo ko.
Sumisigaw parin siya ng malakas at parang guguho na ang paligid. Nang huminto na ako sa harapan niya ay tinihaya niya ako at sumigaw siya sa mismong mukha ko. Ang kaniyang bibig ay lumuwang at halos hindi ko na siya makilala dahil sira-sira na rin ang damit niya.
"I HATE YOU!" puno ng galit at poot ang tono ng boses niya.
Pagkasabi niya nito ay saktong may tumusok na kutsilyo sa puso ko. Natigilan ako at dahan-dahan akong napatingin dito. Direktang sa puso ko ito nakabaon. Biglang namanhid ang buong katawan ko at natulala ako sa harapan ni Kadr na sumisigaw parin at nalalaglag na ang ilang parte ng kisame.
Umubo ako ng dugo at dahan-dahan akong ngumisi.
"I love myself."
Kasabay nito ay ang pag guho ng buong lugar at ang pag dilim ng paningin ko.
"Jadey..."
Malabo pa sa aking pandinig ang nagsasalita. Alam kong malapit ito sa akin dahil may umaalog sa balikat ko na pilit akong ginigising. Pagod ang katawan ko at nahihilo pa ako pero pinilit kong idilat ang mga talukap ng mata ko at pinagmasdan ang nasa harapan ko.
Blurry pa sila pero may ideya na ako kung sino sila. Napahawak ako sa ulo ko at lumingon ako sa paligid. Hindi ko mawari kung nasaan ako. Kumikirot parin ang ulo ko. Damn, why the heck this head hurts so much as if a hammer was slam on it?
"Jadey, thank god you're finally awake!"
Nagulat ako nang may yumakap sa akin. Hindi ko pa napo-proseso ang nangyari nang mapahiga kami at si Laina ay nakapatong sa ibabaw ko.
"L-laina." nagtakaka ko siyang niyakap pabalik.
"Akala namin mawawalay ka na sa amin. Huminto ang pag t***k ng puso mo kanina." bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses at hinarap niya muli ako.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinaplos ito. Unti-unti ay lumilinaw na siya sa paningin ko at naliwanagan na ako kung nasaan kami.
Naalala ko na. Nandito parin kami sa condominium na aming pinagtataguan. Na ngayon ay dapat tatakas na kami, ngunit, nasundan kami ni Abchanchu na siyang narinig ang sigaw kanina ni Lidit Ermosa.
Napatingin ako sa kanilang dalawa. Wala si Jax. They still have my twin. Nasa hallway parin kami na aming pinaghintuan kanina. Nagtataka ako kung bakit nandito parin kami at hindi kami umuusad hanggang sa sunod-sunod na senaryo ang naglaro sa utak ko.
Kadr. Mind games. Dying. Knives.
Hindi ko namalayan nanginginig na pala ang mga kamay ko at gumagapang ako paatras sa kanila. Nawawala na ako sa sariling katinuan ko sa takot na baka panaginip nanaman ito at hindi ako nagtagumpay kay Kadr. Napahawak ako sa ulo ko at minasahe ko ito.
"This is a nightmare. Everything feels so real but seems so wrong." I looked at them, and saw pity, sorrow, and anger in their eyes.
"Is this real? Are you guys real? Please tell me you're real this time." lumuhod ako sa kanila at hindi ko namalayan lumuluha nanaman ako. Wala na akong pake kung nagmumukha na akong baliw sa harapan nila. Desperado akong malaman ang totoo sa hindi.
"Please, sana totoo kayo. Ayoko nang bumalik sa bangungot na 'yon. Gusto ko nang matapos ito lahat." hinawakan ko ang mga kamay nila at nagmakaawa ako nang paulit-ulit.
"Hey Jadey, it's fine. It's okay. Totoo kami." naramdaman kong may humaplos sa buhok ko at pilit akong pinapakalma.
"PLEASE! DON'T LIE!" nag-angat ako ng mukha at nanlisik ang mata ko sa kanila. I was about to get away with them when Basil hold my hand.
Sa hindi malamang rason ay biglang kumalma ang nagwawala kong puso at nabigyan ng payapa ang kalmnan ko. Napalunok ako at kasabay nito ay ang pagtambol ng puso ko ng mabilis. Nawawala ito sa natural nitong ritmo. Sinusuway ng utak ko ang puso ko na kailangan nitong kumalma, ngunit, hindi ito nakinig at pinairal lang mas lalo ang katigasan ng damdamin ko.
"We're real this time. This isn't a nightmare anymore, Jadey. You defeated Kadr with her games. We want to know the details of how you did it but I know you're still traumatized given the fact you can't trust us."
Dahan-dahan ay hinila niya ako at sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya. Unti-unti ay nanlaki ang mga mata ko at panandaliang huminto ang pagtibok ng puso ko. Nakita kong pinapanuod lang kami ni Laina at lumuluha siya. She looks torn but why? Because of pity? Or something else?
"We can assure you this is all real. We can't hurt you Jadey, your'e going to be fine now. We will protect you no matter what and we will find your twin. We need to escape this building and find a new place to stay for a while."
Hindi ko alam pero ang mga salita niya ay nakakagaan ng damdamin. May yumayakap sa puso ko at nagsisiliparan sa paraiso ang mga paro-paro sa sikmura ko. Nanginginig kong tinaas ang kamay ko, umaamba na yayakapin siya pero natatakot ako na baka hindi ito totoo. Alam kong binibigyan nila ako ng kasiguraduhan pero may pagdududa parin sa puso ko.
I was fooled many times. Halos mawala ako sa ulirat at sa wisyo ko. Napakahirap tuloy magtiwala kahit sa sarili ko. Kinukwestiyon ko na ang lahat.
"Jadey..."
Napatingin ako kay Laina nang hawakan niya ang kamay ko. Napunta ang atensyon ko sa benda na nakabalot sa kaniyang ulo.
"I know everything is hard for you to process but please, believe us when we say this is us. Wala na si Kadr. We saw her burning in fire earlier. She was in your mind when you collapsed from crying too much. But you defeated her and she's dead now and you're now safe with us."
Nanatili kami sa ganitong posisyon ng ilang minuto. Hawak parin ni Laina ang kamay ko at nakakulong ako sa ilalim ng mga kamay ni Basil na nagbibigay ng kagalakan sa puso at isip ko. Hindi ko namalayan yakap ko na pala siya pabalik at pinipigilan ko ang sarili ko na mag labas ng panibagong balde ng luha.
"Thank you..." I feel safe now. Their words and action put my heart and mind at ease.
Naramdaman kong hinaplos ni Basil ang ulo ko. Malumanay ang paraan nito at may pag-iingat ang kamay niya, tila, nag-iingat siya. Humiwalay siya sa akin at pinagmasdan niya ako. Ang kaniyang tingin ay tumatagos hanggang kaluluwa ko, binubuksan ang sentro ng pagkatao ko.
"You're safe now."
Sumilay ang ngiti sa labi niya. Nahawa ako kaya't ginaya ko siya. Nakita kong nakahinga ng maluwag si Laina sa likod ni Basil at nag thumbs up siya sa amin. Tumango ako sa kaniya at bumalik ang tingin ko kay Basil na mukhang tuwang-tuwa dahil kalmado na ako.
Mukhang wala na dapat akong ikabahala pa dahil ilang minuto naman na ang lumipas at wala paring kakaibang nangyari. Nanatili parin ako sa pwesto ko at ninanamnam ang oras na kasama sila. Tahimik ang paligid at payapa. Alam kong hindi pa tapos ang lahat, pero handa na akong harapin ang susunod na laban.
"Come on, Jadey." ngumiti ng malumanay sa akin si Laina.
"Let's go find your twin." tumango si Basil at tumayo na siya. Nilahad niya ang kamay niya sa akin at sinenyasan ako.
Nagtagal ang tingin ko sa kaniyang kamay. Tumaas ang tingin ko sa mukha niya at nabuhayan ako ng loob nang magsalubong ang tingin namin. Naka-angat ang gilid ng labi niya at inaabangan ako. Nabaling ang tingin ko kay Laina na nakangiti rin at nakalagay ang dalawang kamay sa beywang.
Hindi ko sukat akalain na magiging malapit kami ni Jax sa kanilang dalawa. Tanda ko pa kung paano kami magbarilan at halos isumpa ang isa't-isa. Pero ngayon, kung sino pa ang hindi mo inakalang tutulong sa'yo ay sila pa ang handang mag-angat sa'yo.
Hinawakan ko ang kamay niya at tinulungan niya akong makatayo mula sa pagkaka-upo sa sahig. Naramdaman kong humawak ang hawak niya sa kamay ko. Bumaba tuloy ang tingin ko rito at napansin kong sakop niya ang buong kamao ko. Ang laki ng mga kamay niya kumpara sa akin. Sa ideyang ito ay uminit ang pisngi ko.
"Let's keep going."
Biglang dumaan sa gitna namin si Laina at nauna na siyang maglakad palayo. Sa nangyari ay nabitawan tuloy ako ni Basil at sumunod agad kay Laina. Naiwan ako saglit sa pwesto ko at pinagmasdan ko ang mga likuran nila na papalayo sa akin.
Bigla kong naalala na sila ay magka-relasyon pala. Bumaba ang tingin ko. Pakiramdam ko ay hindi natuwa si Laina kaya nagawa niyang tanggalin ang kamay namin na magkahawak. Napa-iling ako at kailangan kong alisin sa utak ko si Basil. Nagkakaroon ako ng kasalanan kay Laina at utang na loob ko sa kaniya ang buhay ko dahil ilang beses na niya ako niligtas, sila ni Basil.
Ayokong makasira ng relasyon.
"Well, well, well..."
Natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Tumingala ako at luminga-linga ako sa paligid. Maski sila Basil ay napahinto at pinakiramdaman ang paligid. Napahawak sila sa kanilang mga dalang armas, naghahanda.