Chapter 25: Escape

1815 Words
Napalunok ako at hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Hindi ko siya makita, ngunit, nararamdaman ko ang presensya niya. Nanlalamig na ang mga tuhod ko at pinagpapawisan ang mga palad ko. Napa-atras ako at natigilan ako nang maramdaman kong may pigura sa likuran ko. Napa-awang ang labi ko at hindi ako napalingon. Alam kong nasa likuran ko siya dahil nilalaro niya ang buhok ko habang ang kabilang kamay ay hinahaplos ang labi ko. Gusto ko siyang tabigin at itulak palayo, pero alam kong hindi ito magandang ideya. Sa isang pitik alam kong kaya niya akong itapon sa kung saan. "Looks like you lose," bumulong siya sa tenga ko at humagod ang kaniyang dila sa punong tenga ko. Nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko at nangilabot ako. "Abchanchu." singhal ni Basil at nanlisik ang mga mata niya. "That's me!" narinig ko siyang humalakhak sa likuran ko. Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya at natagpuan ko siyang nakalutang at hawak ang kaniyang tiyan. Nasisiyahan siya sa aming takot at pangamba sa presensya niya. Mahirap tanggapin pero alam kong hamak mas malakas siya sa amin. Kayang-kaya niya kaming patumbahin ng ilang segundo lang. "Don't you know the mechanics? Dude it's like hide and seek!" napahalukipkip siya at umiling-iling sa dismaya. Unti-unti siyang bumaba sa sahig at lumapit sa akin. Napa-atras naman ako, ngunit, nahablot niya ang kamay ko at dinikit ako sa malapad niyang dibdib. Nanghina ang mga tuhod ko at napakapit ako sa braso niya. Dahan-dahan akong tumingala sa kaniya at nanginig ang mga kalamnan ko nang matagpuan kong nakayuko siya at nakangisi sa akin. "Damn, didn't know you're the clingy type." he winked at me. Nagsalubong ang kilay ko at gumalaw ang panga ko. Binitawan ko siya at lumayo ako sa kaniya. Unti-unti ay umatras ako. "Where's my brother?" "Huh, feisty." nilaro niya ang labi niya at nilagay ang kaniyang kamay sa likuran niya. "You keep asking about that loser. Relax!" ngumisi siya. Napatingin ako sa gilid ko nang umabante si Basil at nakatutok ang kaniyang baril kay Abchanchu. "Answer us! Where is he?!" Natigilan si Abchanchu at nakitaan ko ng takot sa kaniyang mga mata nang mapatingin siya kay Basil. Umatras siya ng dahan-dahan at napataas siya ng kamay, tila, sumusuko. "No! Don't kill me!" sigaw niya, ang kaniyang boses ay nangangamba. Napasigaw ako nang biglang magpaputok ng baril si Basil. Tumama ito sa puso ni Abchanchu at napaluhod siya sa sahig, tulala sa amin. Hindi ako makapaniwala. Patay na siya? Napalingon ako kay Basil nang ibaba niya ang kaniyang baril at naningkit ang mga mata niya kay Abchanchu. Inabangan ko rin ang mangyayari. Napahiga si Abachanchu at hindi na gumagalaw ang katawan niya sa sahig. Naghintay kami ng ilang minuto pero walang kakaibang nangyari. Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto niya. "Jadey! Don't go near him." suway sa akin ni Basil. "I'm just going to check." gusto kong makasigurado kung talaga bang patay na siya o hindi pa. Bawat hakbang ko ay maingat at tahimik. Lumalakas ang t***k ng puso ko at bumabaligtad ang sikmura ko. Nang makahinto na ako sa tapat niya ay bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Napalunok ako at dahan-dahan akong lumuhod. I was about to poke him when he suddenly look at me then laugh hysterically. Napasigaw ako at nabuwal ako sa pagkakaluhod. Gumapang ako palayo sa kaniya habang hindi naaalis ang tingin ko sa nakakakilabot niyang ngisi. "Got you dudes!" tumayo siya at pinagpagan niya ang kaniyang damit. Napatingin siya sa dibdib niyang may butas. "Meh." nagkibit-balikat siya at pinalagutok ang kaniyang mga daliri. "Please, a bullet can't kill this." tinuro niya ang sarili niya at nag flex siya ng muscles niya. Hindi ko na matiis. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat. Natigilan naman siya at bumaling ang atensyon sa akin. "Please, tell me where's my twin..." ramdam kong nangingilid na ang luha ko, nagbabadyang tumulo. Nagtagal ang kaniyang tingin sa aking mukha hanggang sa bumaba ito sa labi ko. Nanatili kami sa ganitong posisyon nang umikot ang mata niya at napabuga ng hininga. "Relax, he's fine! Like I said, he's right over there." May ninguso siya sa likuran ko. Napatingin ako rito dahil inakala kong totoo ang sinabi niya nang maramdaman kong pumalupot ang kaniyang mga kamay sa katawan ko at kasabay nito ay ang malakas na sigaw nila Basil at Laina. "Jadey! No! GET YOUR HANDS OFF HER!" Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko namalayan nakatingala na ako at kinakapos ng hininga. Pilit na iniilag ang sarili ko sa matulis na kuko na nakatusok sa lalamunan ko. Napalunok ako at napatingin ako sa gilid ko. Nahuli kong pinaglalaruan niya ang kaniyang labi at humahaplos sa aking pisngi ang hininga niya. "You know what? I was actually surprised that you defeated one of my strongest minion, Kadr. I was amused." bulong niya sa tenga ko at dinilaan niya ang loob nito na siyang nagbigay kilabot sa buong sitema ko. "Makulit ka rin, noh?" malutong ang pagkakabigkas niya sa bawat salitang ito. Pinisil niya ang pisngi ko at bumaba ang kaniyang kamay patungo sa leeg ko. "What if I told you he's already dead?" "N-no..." nanlaki ang mga mata ni Laina at gulat silang napatingin sa akin ni Basil, tinatantya ang reaksyon ko. Parang may pumana sa puso ko at nagkaroon ito ng butas. Natulala ako sa kawalan habang bumubuhos ang luha ko. Para itong lawa na ayaw tumigil sa pag-agos. Hindi ko na maramdaman ang pagtibok ng puso ko dahil para itong huminto. Napalunok ako at dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Mapang-asar niya akong tinignan. Lumabi siya at nilaro ang dulo ng buhok ko. "Aww! What's the matter, Jadey? Can't accept the fact a Bevil killed your brother? Don't worry, they love how the way he taste. Nakisali rin ako sa salo-salo. You know, the more the merrier." Bumilis ang t***k ng puso ko at pakiramdam ko ay para na itong sasabog na parang paputok dahil nasindihan ito. Nanginginig ang mga kamay ko, nangangati na gumalaw ngunit pinigilan ko ito. Ayokong palalain ang sitwasyon. Umaapaw na ang emosyon ko na pilit kong pinapakalma. May panahon para mag luksa ako. This time, I need to get my sh*ts together. "And actually, he taste really good. Until now nalalasahan ko parin-" Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. Nagdilim ang paningin ko at namalayan ko na lang nakalayo sa akin si Abchanchu, hawak ang kaniyang panga at nakabaling ang mukha sa ibang direksyon. Narinig kong napasinghap ang dalawa at hindi sila makagalaw. Hindi nila malaman kung lalapit ba sila sa amin o hindi. "That's for killing him!" puno ng poot at galit ang boses ko. Parang asido itong tumatalsik. Hinaplos niya ang kaniyang panga at napatingin siya sa kaniyang palad. Ang kaniyang mata ay natatakpan ng kaniyang buhok. Dahan-dahan siyang humarap sa akin, ang kaniyang ulo ay nakayuko. "So it's going to be like that, huh?" Gumalaw ang panga ko at kinuyom ko ang kamao ko. I know he's strong, pero alam kong may kahinaan din siya. Bumwelo ako at sumugod ako patungo sa kaniya. Didikit na sana ang kamao ko sa kaniyang mukha nang saluhin niya gamit ang kamay niya at ngumisi siya sa akin. Nagsalubong ang tingin namin at kinilabutan ako sa matulis niyang mata na tumatagos. "Pathetic." humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay hanggang sa narinig kong tumunog ang buto ko rito na siyang nagpangiwi sa akin dahil sa sakit. "You think you can beat me?" hindi niya binitawan ang kamay ko kahit pilit ko na itong binabawi. Napamura ako ng paulit-ulit at sumalakay sa buong sistema ko ang kaba at takot sa maaari niyang gawin sa akin. "You forgot we're playing a game." he growled. Ang boses niya ay naging malalim at delikado. Kasabay nito ay ang pag-abante niya sa akin. "And you guys lose. I caught you. It's game over for you guys." Napalunok ako at nanghina ang mga tuhod ko nang biglang nawala ang itim sa kaniyang mata at dahan-dahan ay lumulutang na siya. At dahil hawak niya ang kamay ko ay sumasabay ako sa kaniya hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sahig. "AHHHHHH!" napaiyak ako sa sakit nang mag dislocate ang braso ko. "You're a bad girl," he tsk. "You need to be punished-" Nabitawan ako ni Abchanchu nang mabaril siya sa kamay. Bumagsak ako sa sahig habang dumadaing sa sakit. Napahawak ako sa braso ko na hindi ko na maigalaw. Napangiwi ako at ininda ko ang kirot. "Jadey! Let's go!" Napatingin ako kay Laina nang tumakbo siya papalapit sa akin at tinulungan niya akong makatayo. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko na hawak ko. Napangiwi siya at mukhang siya ang nasasaktan para sa akin. "YOU JUST MADE A BIG MISTAKE!" Napalingon kami kay Abchanchu at nagulat kami nang bigla siyang lumiwanag dahilan para mapatakip kami sa mata namin. Sumilip ako at nakita kong nag-iibang anyo na siya. "We need to go!" Napatingin kami kay Basil na nakatutok ang baril kay Abchanchu. Sineyasan niya kami kaya't tumakbo na kami palayo. Nagpaulan si Basil ng bala kay Abchanchu bago sumunod sa amin. Mabilis ang t***k ng puso ko at parang tatalon na ito palabas sa katawan ko. Ang mga tuhod ko ay gusto nang bumigay pero tiniis ko ang hirap. Tumutulo na ang pawis ko at bawat pasilyong nililikuan namin ay napapahampas kami sa pader. "Watch out!" Napahinto kami nang biglang yumanig ang paligid at bumagsak ang kisame sa harapan namin. Napaubo kami sa alikabok na kumalat at humanap kami ng ibang matatakasan. "This way!" sigaw ni Basil at inaya kami patungo sa Fire Exit. Sinipa niya ang pintuan at pinauna kami. Nagmamadali ang bawat kilos namin at halos madapa na kami para lang makatakas. Rinig na rinig ang aming yabag ng mga sapatos, hinihingal na boses at pag kabog ng puso namin ng mabilis at malakas. Huminto saglit si Laina at sumilip siya sa railings ng hagdanan. "Guys! Malapit na tayo sa ground floor!" aniya at lumingon siya sa amin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa kaniyang likuran si Abchanchu, nakalutang at nakangiti ng mala-demonyo. Tinaas niya ang kaniyang kamay, bumubwelo na hahablutin si Laina. "Laina! Watch out!" Tinulak ko siya at sa nangyari ay ako ang nahablot ni Abchanchu. Hawak niya ako sa leeg ko at bumabaon ang kaniyang kuko sa aking balat. Dahan-dahan niya akong inangat. Kumiwal-kiwal ako at napahawak ako sa kaniyang maugat na kamay. Kinakapos na ako ng hininga! "Huh, you really wanna die?" nilabas niya ang kaniyang dila at nakita ko ang pangil niya. Unti-unti ay nagdidilim na ang paningin ko. Hindi ko na maramdaman ang paa ko sa hagdanan at tuluyan nang umiikot ang paningin ko. "H-help... please..." may nakikita na akong liwanag. Hindi ko alam kung senyales na ba ito na malapit na akong mamatay. Unti-unti ay nanghihina na ang mga kamay ko at nawawalan na ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD