"Jax..." I hope I will see you soon there my baby brother. Nagsisisi ako sa mga bagay na nagawa ko sa kaniya. Malaki man ang inggit na dala ko dahil mas mahal siya ng magulang namin, sapagkat, hindi parin maipagkakaila ang ideyang siya parin ay kapatid ko at tanggap niya ako kahit gaano kasama ang ugali ko.
"Let go of my sister!"
Sa isang kurap nakita kong nagpa gulong-gulong ako sa hagdanan at bumagsak ako sa sahig. I was gasping for air when Abchanchu let go of me. Napa-ubo ako at kasabay nito ay naramdaman kong may humahagod sa likuran ko.
"Are you okay? Can you breath, Jadey?" boses ito ni Laina.
"I-i'm fine..." minalat ako at minasahe ko ang leeg ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang kamay ni Abchanchu na sakal ang leeg ko. Gusto kong masuka.
"Jax?!"
Nanlaki ang mga mata ko at napalingon ako sa gawi nila Basil. Jax was at the top side of the stairs, sa mismong ibabaw lang namin. He's holding a rifle on his hands. Natigilan ako at hindi ako makagalaw sa pwesto ko. This can't be, is this real? Is he for real?
"J-jax?" akala ko ba ay patay na siya? Pumikit ako at hinatak ko ang buhok ko, sakaling nananaginip lang ako. Ngunit, naririnig ko parin ang palahaw ni Abchanchu.
Kinasa niya ang rifle na hawak at sumaludo sa akin.
"I'm alive bish!" kinindatan niya ako at nagpadulas siya sa railings ng hagdanan patungo sa gawi ni Basil na tulala sa kaniya at hindi rin makapaniwala.
"Why you all look so surprise I'm here?" pinatong niya ang kaniyang kamay sa beywang niya at gumawa ng postura na para siyang dismayado sa reaksyon namin.
"Because we thought you're dead!" sabay-sabay naming sigaw tatlo. Napa-atras naman siya at napataas sa kaniyang mga kamay, tila, sumusuko.
"I'm sorry! Jeez! Guess I need to explain myself," huminga siya ng malalim at tumayo siya ng tuwid.
"I got hungry, okay? Saktong may nadaanan tayong vending machine kaya't kumuha muna ako ng pagkain pero pag balik ng tingin ko sa inyo nawala kayo agad! I got lost!"
Napakurap kami ni Laina at nagkatinginan kami. All this time, he was just looking for food and Abchanchu did not got him earlier? But he said they ate Jax!
"You're alive?!" sigaw ni Abchanchu at nanlisik ang kaniyang mga mata kay Jax.
Humarap si Jax dito. Kumunot ang kaniyang noo at tinuro niya si Abchanchu habang nakatingin sa amin.
"Yeah, I'm alive and who are you? You have a nice face though." nagawa pa niyang puriin si Abchanchu kahit alam niyang maari siyang patayin neto. Napa-iling ako at napatampal na lang sa noo ko.
"Tell me he's kidding?" tinuro ni Laina si Jax na hinahaplos ang kaniyang baba at tinitignan mula ulo hanggang paa si Abchanchu na nakalutang sa gitna at walang buhay nakatingin kay Jax.
"I sent my minions to kill and eat you! How did you get away from them?!" halos yumanig ang buong gusali sa lakas ng sigaw ni Abchanchu at dinuro niya si Jax.
Napahawak si Jax sa kaniyang dibdib, tila, na-offend siya sa sinabi ni Abchanchu.
"Ikaw pala ang dahilan kung bakit ilang Melox at Bevils ang nakasalubong ko! Kapal mo!" umirap si Jax at napatingin sa amin.
Pinaikot niya ang kaniyang daliri sa gilid ng ulo niya, tila, sinensenyas niya na may tuliling si Abchanchu. Napahampas sa noo si Basil at hindi malaman kung ano ang magiging reaksyon. Ganon din ang ginawa namin ni Laina.
"Can't you believe this guy? Jeez, good thing I'm strong and can take care of myself. That's why the ladies loves me." and he even have the audacity to flex his muscles.
"ENOUGH!"
Gumalaw ang paligid nang sumigaw si Abchanchu ng malakas kaya't napakapit kami ni Laina sa railings. Si Jax ay napa-atras at napahawak agad sa kaniyang rifle. Hinanda rin ni Basil ang sarili niya, sakaling umatake sa amin si Abchanchu.
"THIS IS NOT A JOKE! ALL OF YOU WILL DIE HERE-"
"Well," sumingit si Jax bago pa man matapos ni Abchanchu ang gustong sabihin, "Technically, we're still alive and kicking so-"
Hinatak ni Basil si Jax dahil biglang bumwelo si Abchanchu na susuntukin siya. Mabuti na lang mabilis ang reflexes ni Basil dahil nakalihis sila at tumama si Abchanchu sa pader, nagkaroon ng malaking butas dito. Nagdulot ito ng pag-uga sa buong gusali.
"Run!" tumakbo papalapit sa amin sila Basil at tinulungan nila akong makatayo sa sahig.
Niyakap ko si Jax at the same time, binatukan ko siya.
"I really thought you're dead." I muttered habang hinahaplos ko ang kaniyang ulo. I don't want to lose him again.
"You thought." he whispered then kiss my forehead.
"We need to run now!" hinatak na kami ni Laina at nagpatianod naman kami sa kanila ni Basil.
Napatingin kami kay Abchanchu na nakalabas ang mga pangil at namumula ang kaniyang mata. Nakakakilabot ang kaniyang sigaw at tumataas ang kaniyang buhok. He looks like he wants to destroy this whole building.
"I know how to defeat that guy." saad ni Jax habang bumababa kami ng hagdanan.
Nagkatinginan kaming tatlo nila Basil.
"How?" tanong ni Laina habang hinihingal.
Sumilay ang ngisi sa labi niya at napalingon siya. Ngunit, nanlaki ang mga mata niya at bigla niya akong tinulak.
"Watch out!"
Nawalan ako ng balanse at humampas ang katawan ko sa railings. Napunta naman sa kabilang direksyon sila Laina at yakap siya ni Basil. Napatingin ako sa malaking parte ng pader ang siyang patungo ngayon sa gawi ng kapatid ko.
Nanlaki ang mga mata ko at biglang bumagal ang pag takbo ng oras. Kasabay nito ay ang pag tambol ng malakas ng puso ko. Nanatili lang si Jax sa kaniyang pwesto hinihintay ang pag bagsak sa kaniya ng malaking bitak-bitak na pader. Napasigaw ako at lumapit ako sa gawi niya. I can't lose him again!
"Jax!" nakalapit ako sa kaniya at akmang itutulak ko siya nang tignan niya ako at nanlaki ang mga mata niya.
"Ate! Lihis!
Niyakap niya ako at tinakpan niya ang ulo ko. Ginawa niyang shield ang kaniyang katawan at hinanda namin ang aming mga sarili sa mabigat na pader na siyang babagsak sa amin.
Nakapikit ako ng mariin at abot na ang tahip sa puso ko nang makarinig ako ng malakas na putok ng baril at kasabay nito ay umulan ng ilang pira-pirasong bato sa amin ni Jax. Makalipas ang ilang minuto ay dahan-dahan akong nag-angat ng mukha at tinignan ko ang aming harapan.
Abchanchu was facing Basil who was holding a shot gun. Kinasa niya ito habang hindi naaalis ang tingin kay Abchanchu. Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi at tinaas niya ang kaniyang mga kamay, tila, naghahamon kay Basil na lapitan siya.
"Show me what you got, you little boy." his voice got dark and hard, as if he is ready to take over the world.
Gumalaw ang panga ni Basil at hinanda niya ang sarili. He was about to step forward nang pigilan siya ni Laina. Kita ko ang takot at pangamba sa mata niya. Umiling siya kay Basil, pinapahiwatig na tutol siyang makipag-laban kay Abchanchu.
"He can kill you." bakas ang pag-aalala sa boses ni Laina.
Hinawakan ni Basil ang kaniyang pisngi at dahan-dahan nilapit ang kaniyang mukha kay Laina. Bigla akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang pagmasdan ang senaryong ito. Sa halip ay tinignan ko si Jax na seryoso ang ekspresyon ng mukha habang nakatingin kay Abchanchu na lumulutang parin sa gitna at nakataas ang mga kamay.
Napatingin kami sa kisame nang bigla itong nag bitak. Nanlaki ang mga mata namin dahil para itong babagsak. Malapit nang gumuho ang buong gusali!
"Come on ate! Let's find a way to defeat Abchanchu while Basil is handling him first."
"Pero-" hinatak na ako ni Jax palayo kila Basil at dumiretso kami pataas ng hagdanan. Nagtaka ako dahil nasa baba ang daan para makatakas kami. Bakit patungo kami sa ituktok?!
"Saan tayo pupunta?!" nagtataka kong tanong. Bumaba ang tingin ko kila Basil na patuloy parin sa pakikipag laban kay Abchanchu. Mabilis si Basil dahil nakakailag siya sa bawat pagbato sa kaniya ni Abchanchu ng mga pira-pirasong semento na. The way Abchanchu hold the pieces of cement from the building and mold it into a giant boulder makes him like a king.
"I told you I know how to defeat Abchanchu." aniya habang kinakaladkad ako. Kinakapos na kami ng hininga at halos hinakin na ako sa sobrang pagod.
Yumanig nanaman ang paligid kaya't napahawak kami saglit sa railings ng hagdanan sa takot na mawalan ng balanse. Napatingin ako sa gawi nila Basil at napasigaw ako nang makita kong nabagsakan ang binti ni Basil and he's now screaming his pain.
"Basil!" bababa na sana ako nang pigilan ako ni Jax.
"Ate! There's no time! Let Laina help him!" sigaw ni Jax at sapilitan niya akong hinatak.
Hindi na ako mapakali at nagkanda buhol-buhol na ang puso ko. Ang utak ko ay nakikipagtalo na sa katawan ko. I want to stop and help them.
"What exactly are we going to do?!" I yelled my frustration at him at nagpatianod na lang sa kaniyang paghatak. Malapit na namin marating ang ituktok.
"Don't you get it ate?" aniya at sinamaan niya ako ng tingin. Sinapak ko siya at napadaing naman siya sa sakit.
"Tang*na mo, magtatanong ba ako kung alam ko?" nanggagalaiti kong saad at pinakita ko ang kamao ko sa kaniya.
Hinimas niya muna ang kaniyang ulo na nasaktan at pinaliwanag sa akin ang nasa isip niya.
"Abchanchu is a vampire. Can't you see his fangs? And how dark the place is? He can move freely because there's no light."
Nagsalubong ang kilay ko at tumagilid ang ulo ko habang patuloy parin siya sa pagpapaliwanag.
"He is a class 0, just like Lidit Ermosa. And the way I notice, Class 0 don't have the tattoo or symbol but they have their own weaknesses. If my hunch is right, his weakness is-"
"The light." ako na ang nagtuloy sa balak niyang sasabihin.
Tumango siya at huminto na kami. Saktong nakarating na kami sa ituktok ng hagdanan. Tinanggal ni Jax ang sukbit niyang riffle at tinutok niya ito sa kisame na nagbi-bitak-bitak na. Naririnig ko parin mula rito ang sigawan nila Laina at Basil.
"What are you going to do?" kinakabahan kong tanong.
Kinasa niya ang riffle na hawak at pinikit niya ang isang mata, nag co-concentrate.
"I'm going to collapse this building."
Napalunok ako at napalihis ako. Gusto ko siyang pigilan pero alam kong ito na lang ang tanging paraan para makatakas na kami kay Abchanchu. He can single handedly kill us all but with our cooperation, we can defeat him.
Gumawa ng malakas na tunog ang riffle at dumireka ang bala nito sa kisame. Nagkaroon ito ng butas at nalaglag ang ilang semento. Napahawak ako sa ulo ko sa takot na mabagsakan ako.