Chapter 27: Prolongation

1845 Words
"Wala mang araw pero ang liwanag sa labas ay pwedeng masaktan siya." hasik ni Jax at nagpaputok siya muli. Napatakip ako sa tenga ko dahil malakas ito gumawa ng tunog, sobrang nakakabinge. Sumilip ako sa railings at nakita kong sakal ni Abchanchu si Laina at nakahiga na sa hagdan si Basil, nakahawak sa kaniyang nabagsakan na paa. Nanlaki ang mata ko at lumingon ako kay Jax. "Hurry! He got them!" balisado kong sigaw. Nag reload si Jax at tinutok niya muli ang riffle sa kisame. Sa paputok na ginawa niya ay nabitak nang tuluyan ang ilang bahagi ng kisame at nalaglag ang semento nito. Napapikit ako dahil nagkaroon na ng liwanag na nagmumula sa langit. Hindi man kasing liwanag kapag may araw pero sapat na para makakita na kami ng mabuti sa aming paligid. "We just need to shot with one last bullet and the building will-" Nawala ang riffle sa kamay ni Jax. Tumilapon ito at nakita kong nakasandal siya sa pader habang sakal siya ni Abchanchu. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ako nakagalaw agad sa pwesto ko at nakatulala lang ako ng ilang minuto. "You need to die, this time for real." Abchanchu muttered darkly then proceed to choke my brother until he's turning violet. I can't move in my place. Once again I fell in the dark place, feeling useless. Saksi ako kung paano niya binabawian ng buhay ang kapatid ko. Napahawak ako sa ulo ko at napasuntok ako rito. May bumubulong sa aking utak, sinasabi na wala akong kwenta at hindi ko kayang iligtas ang kapatid ko sa pagkakataong ito. Naririnig ko parin ang boses ni Kadr. Alam kong wala na siya, ngunit, nag-iwan siya ng marka. Napasigaw ako at napaluhod ako sa sahig. Paulit-ulit kong minumura ang sarili ko habang nakatingala. "A-ate..." Natigilan ako at napalingon ako kay Jax na nakangiti sa akin kahit mapungay na ang mga mata niya. May dugo na umaagos na sa kaniyang ilong na siyang nagpahina sa buong sistema ko. "I-i love you ate..." May tumusok na matalim sa puso ko at kasabay nito ay ang dahan-dahan kong pagtayo. Bigla akong natauhan. Napatingin ako kila Laina sa ibaba na umiiyak at pilit na tinutulungan si Basil na makatayo. Dahan-dahan na bumalik ang tingin ko kay Jax na nanatiling nakatingin sa akin, hindi nawawala ang matamis niyang ngiti, tila, siya ay natutuwa dahil ligtas ako. Si Abchanchu ay nakakunot ang noo at halata ang pang-gigigil sa kaniyang mukha. Napapikit ako ng mariin at umiling ako. They need me. What am I doing? Dinilat ko ang mata ko at tumakbo ako papalapit sa riffle na nabitawan ni Jax. "Hey Abchanchu!" Natigilan siya at unti-unti siyang humarap sa akin. Nanlisik ang mga mata niyang namumula nang magtapo ang tingin namin. "Die!" I screamed at the top of my lungs then pointed the riffle at the ceiling of the building. Natigilan si Abchanchu at mukhang napagtanto niya ang plano ko. Nabitawan niya si Jax at lumipad siya patungo sa pwesto ko. Ngunit, huli na ang lahat dahil nakalabit ko na ang gatilyo at kasabay nito ay ang tuluyang pagkawasak ng kisame. Napapikit ako dahil biglang nagkaroon ng liwanag ang paligid hindi katulad kanina na madilim at tanging mga anino lang namin ang nakikitang gumagalaw. Umalingawngaw ang nakakabinging sigaw ni Abchanchu sa buong lugar at napatakip siya sa kaniyang mukha. Bakas ang sakit sa kaniyang tono at napa-atras ako nang tumingin siya sa akin dahil natutunaw ang kaniyang balat. Gusto kong masuka dahil sobrang nakakakilabot ang kaniyang itsura. "What have you done?!" akmang lalapit siya sa akin nang itulak ko siya gamit ang riffle at tinutok ko ito sa kaniya. "It's over Abchanchu, your life ends here!" nagsisimula na siyang umusok. Narinig kong umubo si Jax kaya't napalingon ako sa kaniya. Hawak niya ang kaniyang leeg at hinihimas niya ito. "JAX!" tumakbo ako papalapit sa pwesto niya nang may dumamba sa akin. Ang resulta ay nagpagulong-gulong kami at huminto kami sa dulo ng hagdanan, napasinghap ako dahil kapag nahulog kami rito ay maaaring mamatay ako dahil nasa ituktok na parte kami. "You ruined everything!" sigaw ni Abchanchu, ang kaniyang balat ay unti-unti nang natutunaw at pumapatak ito sa mukha ko. Nagpumiglas ako at sinubukan kong lumaban pero kahit malapit na siyang mamatay ay may lakas parin siya. Dinagan niya ang kaniyang buong bigat sa akin at pinisil ang pisngi ko. "You're going to die with me!" sigaw niya at pinagsusuntok ako. Bawat salo ng mukha ko sa kamao niya ay nanghihina ako at umiikot ang paningin ko. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa ilong ko. Matapos ang ilang paulan ng suntok ay huminto siya at sinakal ako. "You deserve to suffer!" humalakhak siya. Nanlalabo na ang paningin ko at hindi ko na siya maintindihan. Pinikit ko na lang ang mata ko at tinanggap na lang ang kapalaran ko. Lumipas ang ilang minuto at walang nangyari. Nagtaka ako kaya't dinilat ko ang mata ko at nagulat ako nang makita kong wala na sa ibabaw ko si Abchanchu. Sa halip ay natagpuan kong nakalahad ang kamay sa akin ni Jax. "Let's go ate!" Nanghihina kong tinaas ang kamay ko at tinanggap ang kamay niya. Nanginginig ang mga tuhod ko pero inalalayan niya ako. "Where's Abchanchu?" nagtatak kong tanong dahil hindi ko makita kung nasaan siya. "He's there..." kapos hininga niyang tinuro si Abchanchu na nasa gilid at umuusok dahil nakatapat siya sa liwanag. Biglang yumanig ang buong paligid, ngunit, sa pagkakataong ito ay mas malakas at halos mawalan na kami ng balanse. Kumapit ako ng mabuti kay Jax sa takot na mahulog kami. "GUYS!" Napatingin kami sa hagdanan at nakita namin si Laina na naka-alalay naman kay Basil na hindi makatayo ng maayos. "This place will collapse! Let's go!" balisado niyang sigaw at nauna na silang bumaba. Tumango kami at sumunod na kami ni Jax sa kaniya. Habang pababa kami ay may ilang pirasong semento ang nahuhulog mula sa kisame. Umiilag kami sa takot na mabagsakan kami. Hinihingal na ako at nanghihina na ang mga paa ko, ngunit, pinipilit ko na lang gumalaw dahil kailangan na namin makatakas. Abchanchu is down. "There! The exit!" napaturo si Jax sa pintuan na bukas. Natatanaw ko rin ito at nagalak ang puso ko dahil malapit na kami. "Hurry!" sigaw ni Basil at pinilit niyang tumayo. Lumayo siya kay Laina at tiniis niyang tumakbo kahit halos mawalan na siya ng balanse. Nang makatungtong ang paa namin sa pinaka ground floor ay halos maabot na ng mga kamay ko ang pintuan nang biglang may bumagsak na malaking semento sa harapan namin. Napa-atras kami ni Jax at lumiko para sumunod sa dalawa. Nakita kong nasa labas na ang dalawa at hinihintay na lang kami ni Jax. Halos lumawit na ang dila ko at nanunuyo na ang lalamunan ko. Tinaas ni Basil ang kamay niya, nakahandang abutin kami. Nanghihina kong tinaas ang kamay ko at pilit na inaabot ang kaniya. "Hurry..." halos wala nang boses ang lumabas sa labi niya. Pumikit ako ng mariin. Halos mawalan na kami ng balanse ni Jax dahil masyado na ang pagyanig at nagkakabitak-bitak na ang buong gusali. We're so close to the light when suddenly may humawak sa paa ko dahilan para mawalan ako ng balanse at bumagsak kami sa sahig ni Jax. Napalingon ako sa paa ko at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Abchanchu. "I told you you're going to die with me." ngumisi siya ng mala-demonyo, pinapakita ang kaniyang pangil. Kasabay nito ay ang pagbagsak ng semento sa amin at pag dilim ng paligid. "Jadey." Naalimpungatan ako nang may tumawag sa pangalan ko. May umaalog sa balikat ko na siyang tuluyang nagpagising sa diwa ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mga talukap ng mata ko at may naaninag akong pigura ng tao ang nakaluhod sa gilid ko, hawak ang aking pisngi. "You're awake, finally." narinig kong nakahinga siya ng maluwag. Ako naman ay pino-proseso parin kung nasaan kami. Dahan-dahan akong umangat at inalalayan niya ang likuran ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot ito. Malabo parin ang paningin ko at hindi ko mawari kung nasaan kami dahil madilim ang paligid at tanging silweta lang niya ang naaaninag ko. "S-sino ka?" kapos kong tanong dahil nanunuyo ang lalamunan ko. "Gaga, ako 'to kapatid mo." Natigilan ako at parang may pumukol sa ulo ko. Unti-unti ay napagtagpi-tagpi ko na kung ano ang nangyari. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako sa paligid. Napa-iling ako. Hindi maaari, nandito parin kami sa gusali? Hindi kami nakatakas? Ano ba ang nangyari? Bakit hindi ko maalala? "You must be wondering why we're still here, stuck." huminga ng malalim si Jax sa gilid ko. Napalingon ako sa kaniya at nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang balikat niya, "Where are they?" tanong ko, pagtukoy kila Laina at Basil. Napabuntong-hininga siya at hinawakan niya ang kamay ko. Nagda-dalawang isip pa siya kung sasabihin ba niya sa akin ang totoo o hindi, ngunit, nang pisilin ko ang kaniyang mga kamay ay sumuko na siya. Nagulat ako nang may pumatak na luha sa kaniyang pisngi, umaagos na parang lawa. He looks torn and weak, as if he wanted to shout out his pain. "T-they are dead." Natigilan ako at panandaliang huminto ang pagtibok ng puso ko. Ramdam ko ang panghihina ng kalamnan at ng mga tuhod ko dahil kusa akong bumagsak sa semento, tulala sa kaniyang mukha. No, it can't be. They are dead? "H-how..." bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko. Kinuyom ko ito at hindi ko na napigilan ang pag sabog ng emosyon ko. Nag gi-giyera ang puso at isip ko. "T-tell me it's not true..." tumingin ako sa kaniya. Ramdam kong mahapdi na ang mga mata ko at namumula na ito. Hindi mailarawan ng mga salita kung gaano kalalim ang sugat ng puso ko ngayon. Gusto kong sumigaw sa taas ng aking dibdib, sumpain ang isang tao at saktan ang aking sarili. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko! "Shhh!" nagulat ako nang yakapin ako ni Jax at hinaplos niya ang ulo ko. "Hindi mo kasalanan ate, walang may gusto sa nangyari! Kagagawan ni Abchanchu kung bakit sila namatay! Hindi ikaw! Please! Don't blame yourself whenever disaster happens. You have a good heart ate." Binaon niya ang kaniyang mukha sa aking balikat at naramdaman kong umalog ang mga braso niya. Humigpit ang mga kamay niya at unti-unti ay nababasa na ang damit ko. He's crying too. "E-even though, they died trying to save us." Mas lalong nabuo ang mga luha sa sulok ng mata ko at niyakap ko rin siya pabalik. Nagtagal kami ng ilang minuto sa pwesto na 'yon. Umiiyak at nagluluksa sa nawalay na kaibigan. Kahit na sandali lang namin silang nakasama at nakausap, napatunayan nilang mabuti silang tao at maganda ang kanilang intensyon. Ayoko nang tanungin kung paano sila namatay. Dahan-danan ay kinuyom ko ang kamao ko. "Where's Abchanchu?" ang boses ko ay nagpipigil at kontrolado. "He's dead too." Nakahinga ako ng maluwag. At least hindi nasayang ang buhay na binawi niya. Karapat-dapat lang sa kaniya na mawala siya. "At susunod ka na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD