Kumunot ang noo ko at nagtaka ako sa mga katagang binitawan niya. Lalayo na sana ako sa kaniya nang maramdaman kong may tumusok sa likuran ko at bumaon ito hanggang sa dibdib ko. Napaubo ako at nanlaki ang mata ko sa nangyari. Sa sobrang bilis ay hindi ako makapagsalita at nakatulala lang ako sa kawalan.
Maraming katanungan ang pumapasok sa utak ko. Nagkakagulo ang mga halimaw sa sikmura ko at nakikipagtalo ang puso ko. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at hinarap niya ako. Nakasilay ang ngisi sa kaniyang labi at parang tuwang-tuwa siyang nakikita ang mga takot sa mata ko.
"Oh, Jadey." nilaro niya ang buhok ko at sa isang iglap ay nakita ko ang pangil niya. Natauhan ako lalo na nang mag-iba siya ng anyo sa harapan ko.
Binuka ko ang bibig ko para bigkasin ang pangalan niya, ngunit, bigla akong nawalan ng boses. Sa halip ay napaubo ako ng dugo at bumagsak ako nang tuluyan sa malamig at maduming sahig. Nakadapa ako at sa bibig na ako halos humihinga, nilalabanan ang aking buhay.
Sinubukan kong gumapang palayo sa kaniya pero naramdaman kong inapakan niya ang likuran ko. Napangiwi ako sa sakit dahil mas lalong bumaon ang kutsilyo. Libo-libong kirot ang dumadaloy ngayon sa buong sistema ko.
"You really think I can die easily?" narinig kong umismid siya. Tumatagos hanggang kaluluwa ko ang kaniyang mapaglarong tingin.
"You underestimate me child." tinanggal na niya ang kaniyang paa sa likuran ko at narinig kong nagtungo siya sa harapan ko.
Nahihirapan man ay pinilit kong i-angat ang ulo ko at nanlisik ang tingin ko sa kaniya. Hinaplos ko ang gilid ng labi ko at nanginginig kong inangat ang katawan ko.
"Where's m-my brother?"
Hinawakan niya ang likuran ng ulo ko at nilapit niya ang aking mukha sa kaniya. Amoy ko tuloy ang hininga niya at halos masuka ako dahil pinaghalong dugo at asido ang kaniyang hininga. Nilabas niya ang kaniyang dila at hinagod niya ang dugo ko sa labi. Nilasahan niya ito at kumislap ang mata niya.
"You taste really good."
Kuminang ang mga mata niya at nagkaroon ito ng buhay, tila, ginanahan siya.
"Let go off me!" sigaw ko at dinuraan ko siya.
"Huh," hindi nawala ang ngisi sa labi niya. Sa halip ay dinakma niya ang leeg ko at pumaibabaw siya sa akin. Mas lalong bumaon ang kutsilyo sa likuran ko na siyang nagpatirik sa mata ko. Kinakapos na ako ng hininga at nahihirapan na akong idilat ang mga mata ko.
"You're weak! Pathetic! Imbecile! Good for nothing!" sunod-sunod niyang paratang at bumaon ang kaniyang pangil sa leeg ko. Napasigaw ako ng malakas at sinubukan kong lumaban, ngunit, unti-unti ay nagdidilim na ang paningin ko at kasabay nito ay may tumatawag sa pangalan ko.
"Jadey!"
Napasinghap ako at bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga. Butog-butog ang pawis ko at mabilis ang t***k ng puso ko. Hawak ko ang aking dibdib at hinihingal ako, tila, ilang kilometro ang tinakbo ko. Mulagat ang aking mata at pakiramdam ko ay umahon ako mula sa isang malalim na karagatan.
"Ate!"
Nagulat ako nang may yumakap sa akin. Hindi parin maproseso ng utak ko ang nangyayari dahil parang totoo ang lahat. Akala ko ay patay na ako. Napatingin ako sa paligid at nagtaka ako nasa isang tagong establishimento kami. Base sa itsura ng lugar ay convenience store ito.
"W-what happened?" nagtataka kong tanong. Napa-ubo ako dahil nanunuyo ang lalamunan ko.
"Here."
Lumayo na sa akin si Jax at hinaplos niya ang mukha ko. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang tatlo. Natigilan ako at namawis ang magkabilang sulok ng mata ko nang mapagtanto kong buhay sila Laina at Basil. Nanginginig kong kinuha ang tubig kay Laina at binaba ko ito sa gilid.
"Y-you guys are alive..." napatingin ako kay Jax sa gilid ko na nakakunot ang noo sa akin.
"A-all of you." nagagalak ang puso ko at hindi ko maiwasan na mapaghikbi sa sobrang tuwa. I'm glad they are safe. I was just having a nightmare.
"You were screaming in your dream, must be so tough for you to handle all of this." saad ni Laina at tinapik niya ang balikat ko.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Sa totoo lang ay hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Masyado nang napupuno ng kadiliman ang utak ko kaya't hanggang sa aking pahinga ay binabangungot ako. Until now, hindi parin ma-adapt ng utak ko ang kaganapan sa lugar na ito. Pakiramdam ko ay isang taon na kaming nandito kahit ilang araw palang ang nakakalipas ata.
"Uminom ka muna at magpalakas." utos ni Basil at tumayo siya.
Napatingala ako sa kaniya at sinundan ko siya ng tingin. Inabot ulit sa akin ni Laina ang tubig na nilapag ko at tinanggap ko naman ito. Habang lumalagok ay naramdaman kong hinaplos ni Jax ang ulo ko.
"W-what happened to Abchanchu? How did we get here? Paano tayo nakalusot sa gusali?" sunod-sunod ang pagbato ko ng mga katanungan.
"He got away."
Napatingin ako kay Laina na may hinahalungkat sa kaniyang bag. May nilabas siyang benda at mga gamot. Lumapit siya sa akin at minuwestra niya ako na dumikit sa kaniya. Sinunod ko naman ang utos niya.
"He almost die, but he got away. A Bevil came and saved his as*." umiiling niyang saad habang ginagamot ang mga galos ko. Napangiwi ako dahil mahapdi pero tiniis ko.
"Bago gumuho ang gusali ay nahatak tayo ni Basil palabas kaya naligtas tayo. Pero napuruhan siya dahil nabagsakan siya ng semento sa kaniyang balikat."
Bigla akong napalingon sa gawi ni Basil. How come mukhang ayos lang siya? Walang emosyon ang kaniyang mukha habang nagmamasid siya sa paligid.
"Tinitiis lang niya ang sakit."
Bumalik ang tingin ko kay Laina nang magsalita siya ulit. Seryoso ang mukha niya habang dinadampi-dampi ang bulak sa balat ko.
"Mukhang lang siyang okay pero sa totoo lang ay marami siyang galos. Gusto ko siyang magpahinga dahil siya ang pinaka napuruhan sa atin pero ayaw niya makinig sa akin. Pinipilit parin niya gumalaw." napabuga ng marahas na hininga si Laina at nag-aalala siyang napatingin sa gawi ni Basil.
"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin." parang napunit ang puso ko habang pinagmamasdan ko ang sakit sa mga mata niya.
Hindi ako maka-imik dahil pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa kaniya. Nagbaba ako ng mukha at hinayaan ko na lang siyang gamutin ako. Nang matapos na siya ay binalik niya ang mga gamit sa bag.
"For a meanwhile, dito muna tayo. Hindi pa kami sigurado kung ligtas ang lugar na ito kaya roronda muna ako para tignan kung safe ba rito. Dito muna kayo ni Jax at magppahinga." bilin niya sa amin at sinukbit niya ang bag. Kasabay nito ay kinuha niya ang armas na nakasukbit sa kaniyang hita at kinasa ito.
"Pero paano ka?" tanong ni Jax.
"I can handle myself." maangas niyang saad at tinalikuran na kami.
Nang kami na lang ang natira ni Jax ay nagkatinginan kami. Alam kong may namumuong plano sa utak niya kaya napabuga ako ng hininga at tumango ako.
"Sundan mo siya." utos ko sa kaniya.
Tumaas ang kaniyang kilay. "Pero paano ka? Sino magbabantay sa'yo rito?"
"Kaya ko ang sarili ko-"
"I will take care of her."
Parehas kaming natigilan ni Jax nang marinig namin ang boses ni Basil sa gilid namin. Napalunok ako at biglang bumilis ang ritmo ng puso ko nang maramdaman ko ang presesya niya. Dahan-dahan akong tumingala sa kaniya at nanigas ako nang magtagpo ang mata namin. Hindi ko namalayan nasa akin pala ang kaniyang atensyon.
"Are you sure? She's your girlf-"
"She's mad at me." putol ni Basil sa balak na sasabihin ni Jax.
Saglit na katahimikan ang namayani sa aming tatlo. Sobrang nakaka-ilang at walang nagsasalita sa amin. Maya-maya ay biglang tumayo si Jax at pinagpagan ang kaniyang hita.
"Okay, I'll go now." nilingon niya ako. "Take care, ate. We'll be back." at umalis na siya.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Huminga ako ng malalim at bumaba ang mata ko sa mga kamay ko. Naramdaman kong napa-upo siya sa gilid ko. Pinapakiramdaman ko naman siya. Hindi parin kalmado ang puso ko sa pagwawala, nakikisabay pa ang sikmura ko.
Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakita ko sa gilid ng mata ko na pinatong niya ang baril sa gilid niya at napabuga siya ng marahas na hininga.
"I'm glad you're fine."
Natigilan ako nang dahan-dahan ay sumandal siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makagalaw, sa takot na baka hindi siya matuwa kapag malikot ako. Napalunok ako at abot na ang tahip sa puso ko. Nararamdaman ko ang init ng kaniyang katawan na siyang nagpapahina ng kalamnan ko.
"I don't know what will I do if I ever lose you."
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos niya ito. Ang puso at utak ko ay nagtatalo at nagsisisihan. Masaya ako. Natutuwa ako dahil malapit kami sa isa't-isa, kasabay nito ay may bumubulong sa akin na mali ito.
Mali dahil ang puso niya ay tali na. Napapikit ako ng madiin nang pumasok ang imahe ni Laina sa utak ko. Kung paano siya magpakawala ng ngiti, halakhak, at pagpapakitang kabutihan ng loob sa amin ni Jax. Sa sobrang bigat sa pakiramdam ay nabitawan ko ang kamay ni Basil.
Alam kong napatingin siya sa direksyon ko dahil nahuli ko siya sa gilid ng mata ko. Hindi ako kumibo. Sapagkat ay tumulala na lang ako sa kawalan.
“Bakit galit sa’yo si Laina?” tanong ko matapos ang ilang minutong nakakabinging katahimikan.
Bumaling ang tingin ko sa kaniya. Nagsalubong ang mata naming dalawa. Ang akin ay nagkakagulo, samantala, kabaligtaran ng emosyong pinapakita ko ang nakikita ko sa kaniya.
Bakit kalmado lang siya?
“She’s mad because I don’t want treatment and rest.”
Kusang bumaba ang tingin ko sa mga galos niya. Napunta ang atensyon ko sa kaniyang paa dahil naalala kong nabagsakan siya ng malaking piraso ng semento. Napalunok ako dahil alam kong maga ito sa ilalim ng kaniyang medyas at nahuli ko kung paano niya hinaplos niya ang kaniyang binti, parte kung saan nabagsakan siya.
“Bakit ayaw mo kasi magpahinga?”
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay bigla siyang tumayo at nilahad ang kamay niya sa akin. Sinundan ko siya ng tingin at nagsalubong ang kilay ko. Muntikan na siyang mawalan ng balanse at nakita kong napangiwi siya, iniinda ang sakit.
“Basil.” tumayo ako at inalalayan ko siya. Humuhugot siya ng malalalim na hininga sa pisngi ko. Bakit ba niya tinitiis ang sakit kung hindi na niya kaya?
“We can’t rest here, Jadey.”
“Why?” tinago ko ang kaba na lumulusob sa puso ko.
Humawak siya sa mga gamit na nakasabit para ito ang magsilbing alalay noiya para hindi tuluyang mabuwal.
“Dahil kapag huminto tayo ay maaaring may makasalubong nanaman tayong mga shape shifters or classes. This place is not safe, Jadey. You guys almost got killed right in front of my eyes. Paano kung hindi ko kayo nahablot agad?”