Chapter 29: Almati

1871 Words
May dumaan na anghel sa pagitan namin dahil hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung saan napunta ang dila ko. Ang boses niya ay kontrolado, tila, pinipigilan niyang bulyawan ako. Marahil ay natakot na siya dahil noong sinigawan niya ako ay nagtampo ako at nawalan ng ganang kausapin siya. Naiintindihan ko ang pinaghuhugutan niya ng inis. Maraming beses nang nauwi sa delikadong senaryo ang buhay namin, lalo na ako. “I’m sorry kung pabigat kami-” hindi ko natapos ang balak kong sasabihin dahil nilapit niya ang mukha niya at humahaplos sa aking balat ang mainit niyang hininga. Sa sobrang gulat ay napa-atras ako, ngunit, mas mabilis siya. Pumalupot agad ang matitigas at malaki niyang braso sa likuran ko patungo sa harapan ng tiyan ko. Lihim akong napalunok at hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kulay abo niyang mata. “You’re not a burden, little girl.” Gumalaw ang panga ko sa nickname na binigay niya sa akin. Little girl? Alam kong hamak mas matanda siya sa akin pero hindi ibig sabihin ay kailangan na niya akong ituring na bata. Tinabig ko ang kamay niya sa sobrang inis. “Wala kang karapatan-” napasinghap ako nang hatakin niya ako sa damit ko at dumikit ang noo niya sa akin. Para akong napaso sa init ng kaniyang balat. Umawang ang labi ko sa pagkabigla at dito ako humugot ng sunod-sunod na hininga. “How old are you?” ang boses niya ay malalim at mapanganib. “Why do you need to-” Biglang humaplos ang kabilang kamay niya patungo sa likuran ng ulo ko at marahan niyang inikot sa mga daliri niya ang buhok ko. Bakit niya ginagawa ang bagay na ito? Para magluksa ako? Pwes, gumagana ang ang plano niya dahil nanghihina na ang mga tuhod ko at nanlalamig ang mga kalamnan ko. “Answer me.” Kinagat ko ang ibabang labi ko at nahuli kong bumaba ang atensiyon niya rito. Tumatambol na ng mabilis ang puso ko at nagkakabuhol-buhol na ang tali sa sikmura ko. “I’m nineteen…” Hindi siya agad nakapagsalita. Sa halip ay unti-unting tumaas ang sulok ng labi niya at napabuga siya ng hangin. “Huh, six years gap.” aniya at binitawan na niya ako. Tumalikod siya sa akin at nakapamulsang naglakad palayo, tila, wala siyang ginawang pinsala sa pagkatao ko. Hindi ko namalayan pigil ko na pala ang hininga ko. Humugot ako ng hangin at kumalma na ang mga halimaw sa sikmura ko. Sinundan ko siya ng tingin. Huminto siya sa harapan ng vending machine at mukhang nagtitingin siya ng mga pagkain dito. Mukhang luma na ang vending machine, pero may mga essentials parin kahit kaunti. Hindi ko maiwasan na pagmasdan siya mula sa pwesto ko. Six year gap? Ibig sabihin mga nasa bente singko na ang edad niya? Alam kong mas matanda siya, ngunit, hindi ko sukat akalain na malaki pala ang agwat niya kumpara sa akin. Kahit kalmado na ang katawan ko, ang puso ko naman ay naghaharumentado parin. Kinalma ko muna ang sarili ko at paulit-ulit na huminga ng malalim. Saktong pagdilat ko ng mata ko ay nahuli kong nakatitig siya sa akin. “Come here.” sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya. Huminga ako ng malalim at naglakad na ako patungo sa gawi niya. Wala akong magawa kundi sundin ang utos niya sa akin. Habang papalapit ako sa kaniya ay naka-krus ang kaniyang mga braso at nakataas ang isang kilay, tila, naiinip. Pinigilan ko ang sarili na paikutin ang aking mata dahil baka maburyo siya. Nang makalapit na ako ay nagulat ako nang hawakan niya ang siko ko at hinila ako papalapit. Humarap siya sa vending machine at inalog niya ito dahil luma naman na at malapit nang masira. Nang may bumagsak na pagkain ay kinuha niya ito at inabot sa akin. “Eat.” aniya. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay na nakalahad ang pagkain sa akin. Hindi ko ito agad tinanggap, sapagkat, ako ay naguguluhan parin sa kinikilos niya sa akin. Hindi ako tanga pagdating sa mga ganitong bagay. Ano ang ibig sabihin ng mga motibong pinapakita niya sa akin? Ano ba ang gusto niyang patunayan? Sobrang daming katanungan ang naglalaro ngayon sa utak ko na tanging siya lang ang makakasagot. Namalayan kong nakatitig na pala ako sa mukha niya. Pinantayan niya rin ang pakikipagtitigan ko sa kaniya. Hindi ko alam kung sino ang unang mag-iiwas ng tingin sa amin dahil maski ako ay hinihigop ng mga mata niya sa ibang planeta. “Ate!” Parehas kaming napalayo sa isa’t-isa nang makita namin paparating na ang kapatid ko kasama si Laina. Hindi ko alam kung bakit kay Laina ako unang nagbato ng tingin. Natagpuan kong seryoso ang ekspresyon ng mukha niya, tila, hindi maganda ang timpla ng nararamdaman niya. “Bakit?” si Jax ang sinalubong ko. Nagtaka ako dahil parang may tinatago siya sa kaniyang likuran. Sinubukan ko itong silipin pero mas lalo lang niyang tinago. “You wouldn’t believe what we found inside the store! Something big that will change our lives!” Tumaas ang kilay ko sa kaniya, interesado sa kaniyang anunsyo. Tumikhim muna siya at pinosisyon ang sarili na parang isang professional emcee. Napatamapal ako sa ulo ko dahil hindi na talaga nagbago ang isang ‘to. Mas lalo niyang hindi sasabihin kapag binulyawan ko siya kaya’t hinabaan ko na lang ang pasensya ko. “Drum roll please!” gumawa ng tunog gamit ang bibig niya, tumatalsik pa ang ilang laway niya sa amin. “Behold! As I will now introduce to you something you haven’t seen in your whole life! This thing will change wonders and makes us unstoppable, powerful, stronger-” “It’s a book.” walang buhay na saad ni Laina at kinuha niya mula sa likuran ni Jax ang libro na makapal, maalikabok, at mukhang luma. Biglang pumalahaw si Jax. “NO! You stole my thunder!” dahan-dahan siyang napaluhod at sinuntok niya ang sahig, tila, siya ay namatayan ng importanteng tao sa buhay niya. Hindi na lang namin siya pinansin, sapagkat, kinuha ni Basil ang libro mula kay Laina at sinuri ito. Tumabi ako sa kaniya at nakisilip ako kung ano ang laman ng libro. Sa cover palang nito ay halatang ilang buwan na atang nakatambak sa taguan. Hinipan ito ni Basil at sumabog ang makapal na alikabok kaya’t napatakip ako sa ilong ko. “Dude!” tinignan ni Laina ng masama si Basil. Napamura si Basil, “Sorry-” but Laina rolled her eyes at him. Natahimik si Basil at huminga ng malalim. Binalik namin ang atensyon sa libro at binasa ang nasa unang pahina nito. “Kabanata 1…” lumabas ang mga salitang ito sa labi ko nang mabasa ko ang kauna-unahang mga salita nakasulat. Cursive ang sulat at maganda ang paraan ng pagkakaguhit ng mga letra. Hindi ko maiwasan na mamangha. Ang papel ay halatang luma na dahil may mantsa ito at nagkukulay dilaw na. Humaplos ang malaki at magaspang na kamay ni Basil sa papel. “Sapagkat ang dating kinikilalang magiliw at maligayang lugar ay nasira at nagkaroon ng delubyo. Hindi ko na mawari kung sino o alin ang kalaban. Kaya nilang magpalit ng iba’t-ibang anyo. Nakakatakot dahil mukha silang mga ordinaryong tao na hindi mo maiisip isa na palang halimaw.” Sa uri ng deskripsyon ng author, isang Melox ata ang kaniyang pinapaliwanag. Napalunok ako. Naalala kong hindi Death Urban ang orihinal na pangalan ng lugar na ito. Sa pagkakatanda ko Arrow Gate ang dating pangalan na naiba dahil sa mga shape shifters na lumitaw. “Ang tawag sa kanila ay Melox. Nakakatakot ang mga uri nila. Kaya nilang magmukhang totoong tao at mag-iba ng uri kapag may nakita silang pwede nilang mabiktima. Ang tanging kahinaan nila ay ang simbolo na makikita sa kanilang dibdib, na ang tawag ay…” “Almati.” sabay-sabay naming bigkas nila Laina at Basil. Nagkatinginan kaming tatlo. Ngayon ay alam na namin ang tawag sa simbolo na makikita sa mga Melox at Bevils. Nilipat ni Basil ang pahina. Sa pahinang ito ay pinaliwanag naman ang Bevil. Nakasulat dito kung ano ang pagkakaalam namin sa mga Bevils at kanilang uri. Katulad lang din sa naunang pahina, pinaliwanag ang iba’t-ibang uri ng Melox. May abnormal at may ordinaryo. “Maraming uri ng Bevil na nakasalamuha ko, ang iba sa kanila ay madali lang patayin. Samantala ang iba ay malalakas…” Pinaliwanag dito na sa Bevils ay may tatlong posisyon. Ang Bevil na muntik na pumatay sa amin ni Jax na pinakamalakas, ang Bevil na makikita lang sa mga bahay-bahay, at mga Bevil na alalay ng mga Class 0. Naalala ko ang pakikipaglaban namin kay Abchanchu sa condominium. May mga sinama raw siyang Bevil at Melox. Marahil ang mga kasama niyang Bevil ay ang tinutukoy dito sa libro na alipores niya dahil Class 0 si Abchanchu. At siguro ang mga kasama niyang Melox ay ang mga abnormal. Nilipat ni Basil ang pahina ng libro at pinaliwanag naman dito ang mga Class 0, 1, 2, 3, 4, and 5. Marami pa raw ang mga iba’t-ibang klase ng shape shifters ang hindi pa niya natutuklasan, ngunit, ang mga pinakakilala lang ang naisali niya sa libro o ang mga nakita na niya ang mga karumal-dumal na ginawa sa Death Urban. “s**t!” Nagulat kami nang dalhin ni Basil sa dulong pahina ang libro at natagpuan naming punit ito at mukhang hindi natapos ang balak sabihin. “Ngayon ay nasa sulok ako, nagtatago. Ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng katulad niya. Kakaiba siya. Hindi mo siya pwedeng-” at doon na nagtapos ang mga sulat. Natulala ako sa mga huling salitang nakasulat. Halatang nasa isang panganib na sitwasyon ang sumulat nito dahil may bahid pa ng dugo ang papel. Napapikit ako at nagdalamhati sa author ng libro. Kung sino man siya, sana ay nasa payaapang lugar ang kaniyang kaluluwa. “Damn…” narinig kong napamura si Jax sa gilid ko. Hindi ko namalayan nakiki-usisa na pala siya sa amin patungkol sa libro. Saglit na katahimikan ang namayani sa aming apat. Pinakiramdaman ko sila. Parang may dumaan na anghel dahil mga tulala sila at wala sa kondisyon. Hindi ko sila masisisi dahil ang librong ‘to ang pwedeng maging gabay namin kung paano namin matutuklasan ang katotohanan sa lugar na ‘to at kung paano kami makakatakas. Binaba ni Basil ang librong hawak at pinagmasdan ko ito. Nagtagal ang tingin ko sa cover. Naningkit ang mata ko dahil ibang-iba ang itsura ng cover ng libro. May mga salita ng lugar. Hindi ko namalayan inaabot ko na pala ito mula sa kamay ni Basil nang may tumawag sa pangalan ko. “Jadey.” Nag-angat ako ng mukha nang bigla akong tawagin ni Laina. Naabutan kong seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha at tiim ang kaniyang bagang. Bigla akong kinabahan at at bumilis ang t***k ng puso ko. “B-bakit?” napamura ako sa isip-isip ko dahil nautal ako. Sinenyasan lang niya ako na sumunod sa kaniya. Napalunok ako at napatingin ako sa dalawa na nakatingin lang din sa akin, walang ideya kung bakit ako lang ang gusto kausapin ni Laina. Huminga muna ako ng malalim at nilakasan ko ang loob kong ihakbang ang mga paa patungo sa pwesto na pinaghintuan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD