Ramdam kong nakasunod ang tingin ng dalawa sa akin na tumatagos sa likuran ko. Naabutan kong nakapamulsa si Laina at nakasandal sa pader, hinihintay ako. Humahagod ang kaniyang mata sa buong katawan ko hanggang sa huminto ako sa harapan niya.
Walang nagsalita agad sa pagitan naming dalawa. Ako naman ay nag-aabang lang sa kaniya dahil siya ang nag-aya sa akin dito. Umalis siya sa pagkakasandal at huminga siya ng malalim. Napakagat ako sa dila ko dahil ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa aming dalawa.
Napalingon ako sa gawi nila Jax at nahuli kong nag-uusap sila ni Basil, marahil ay patungkol sa libro.
“Lumayo ka na kay Basil.”
Bumalik ang atensyon ko kay Laina at kasabay nito ay ang pag salubong ng kilay ko. Hindi agad na-proseso ng utak ko ang salitang binitawan niya.
“I’m sorry?” tanong ko, dahil gusto kong siguraduhin kung tama ba ako ng narinig ko.
Pero mukhang nabasa niya ang nasa isip ko dahil dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa mapantayan niya ang mukha ko. Nakagat ko ang labi ko at napa-atras ako ng kaunti dahil sobrang lapit niya sa akin. Ibang awra ang bumabalot kay Laina. Tila, anytime ay pwede siyang sumapak.
“You heard me.” umismid siya.
“Leave him alone.” ulit niya.
Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating. Ang mga mata niya ay kumikislap sa liwanag na nagmumula sa maliit na butas sa kisame. Seryoso siya. Ako naman ay nanatili lang sa pwesto ko, pinag-iisipan ng mabuti kung paano reresponde sa sinabi niya.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang mga kamay niya. Mabuti na lang at hinayaan niya ako at hindi ako tinulak ‘nong oras nagdikit ang balat namin.
“Why Laina? What did I do wrong?” kumurap ako sa kaniya.
Hindi siya agad nakasagot. Sa halip ay gumalaw lang ang panga niya. Nanatili ang kaniyang nanlilisik na mga mata sa akin hanggang sa maya-maya ay may napagtanto siya dahil nag-iba ang paraan ng tingin niya. Lumambot ang ekspreyon niya at napapikit siya ng mariin habang nagpapakawala ng mabigat na hininga.
“I-I’m sorry…” halos wala nang boses ang lumabas sa bibig niya. Napahawak siya sa kaniyang noo.
“It’s just that, I saw myself to you. The way you look at him. The way how your eyes sparkles with devotion Jadey.” tinignan niya ako, tila, para siyang nanghihina.
“I don’t know what to do Jadey if I lose him. He’s the only one I have left. He was there for me every time I need him. I don’t know what will happen to me if he leave me like a crumpled paper on the trash, being so useless.”
Binitawan niya ang kamay ko at tinakpan niya ang mukha niya. Nakita kong umaalog ang balikat niya at kasabay nito ay ang pagkadurog ng puso ko sa nasasaksihan ko. Tumalikod siya sa akin marahil ay ayaw niyang ipakita sa akin ang mga luha niya.
Nanatili lang ako sa pwesto ko, hindi malaman kung ano ang gagawin. Tumatagos sa puso ko ang mga salitang binitawan niya. Pinapaalam niya sa akin kung gaano ka-importante sa buhay niya si Basil. Naiintindihan ko ang gusto niyang ipunto sa akin.
Iniisip niya siguro na isa akong malaking pader na nakaharang sa pagitan nilang dalawa. Isa akong banta para sa kaniya. Hindi ko maiwasan na panghinaan ng loob dahil sa pagiging makasarili ko. Hindi ko namamalayan nakakasakit na pala ako ng damdamin ng iba nang hindi ko sinasadya.
Una palang may babala nang naka-ukit sa ulo ni Basil na siya ay bawal siyang salingin. Kinagat ko ang labi ko at huminga ako ng malalim. Dahan-dahan akong nagtungo sa harap ni Laina at hinawakan ko ang magkabila niyang kamay para tanggalin niya ito sa mukha niya. Bumungad sa akin ang namamaga at namumula niyang mga mata. Mas lalo akong pinanghinaan ng loob sa nakikita ko.
“You know, I have always thought that I am the strongest because I always fight with our school or with my twin’s friend. I mostly hate everyone that’s why.” I let out a low chuckle. Tumigil naman siya sa pag-iyak at pinakinggan ako.
“But when we got here and we met you two, that’s when I realize I am weak. You guys fought too strong with those shape shifters and I’m just sitting in the corner, questioning my self.” huminga ako ng malalim dahil hindi ko na alam kung saan patungo ang sinasabi ko pero nilabas ko na lang lahat ng nasa puso ko.
“What I feel to Basil is pure admiration because he’s strong and no matter what circumstance he face, he will be there to make sure you’re safe.” hinaplos ko ang pisngi niya para tanggalin ang natuyong luha rito.
“He’s brave, Laina. Both of you are fearless. But there’s something in Basil that makes me intimidated by his valiant aura. And that’s when I realized he’s like a father figure to me.”
Kinagat ko ang dila ko nang ito ang lumabas sa bibig ko. Sa totoo lang, hindi rin ako sigurado kung totoo ba ako sa aking sarili habang pinapaliwanag ko ito kay Laina. Ngunit, ang puso ko ay panatag, sapagkat, bukal sa loob ang mga sinasabi ko sa kaniya.
“If you know my problem, I have an issue with my parents. What is missing to them, I found them in Basil.” yumuko ako dahil hindi ako sanay pag-usapan sa ibang tao ang problema ko sa magulang ko. Tanging si Jax lang naman ang nakaka-alam, na kambal ko pa.
Huminga ako ng malalim at tinginan ko siya sa mata niya.
“I’m sorry. I know it’s pathetic-” nagulantang ako nang dumamba siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makagalaw sa gulat.
“Shh! It’s okay, don’t say that. I now understand Jadey.” bulong niya at hinaplos niya ang ulo ko ng paulit-ulit, malumanay ang paraan ng pag hagod ng palad niya.
“I’m sorry for accusing you, Jadey. Hindi ko alam na ganoon lang pala ang tingin mo sa kaniya. I’m sorry din sa issues mo with your parents. That must be so hard for you to handle to the point you found what lacks them to someone else.”
Natawa ako ng marahan, hindi dahil sa nagbiro siya, kundi dahil nakikita ko kalunos-lunos ang sarili ko. Masyado na ba akong nangungulila sa pagmamahal ng magulang ko kaya’t sa iba ko siya hinahanap? Hindi ko alam. Hindi rin naman ako sigurado. Ngunit, ito ang sinasabi ng utak ko sa akin.
Lumayo na siya sa akin at tinapik niya ang balikat ko.
“I’m sorry that you have to see this.” tinanggal niya ang mga natitirang luha at umiling lang ako sa kaniya.
“It’s fine Laina.” ngumiti ako sa kaniya.
“Tara, balik na tayo sa dalawa at baka nagtataka na sila kung ano ang pinag-usapan natin. Huwag mo na lang sabihin kay Basil at baka magalit ‘yon. Alam niya kasing selosa talaga ako.” humalikhik siya at naintindihan ko naman siya kaya’t tumango ako.
Sumunod na ako sa kaniya pabalik sa dalawa. Nahuli komng nasa amin pala ang atensyon ni Basil at nakakunot ang kaniyang noo, halatang nagtataka kung tungkol saan ang napag-usapan namin ni Laina. Nakita kong bumaling ang tingin niya sa akin at mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Ayokong isipin ni Laina na aagawin ko sa kaniya si Basil kaya’t kailangan ko nang dumistansya.
“What did you two talk about?” narinig kong tanong niya nang makalapit na kami. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nagtatanong o kay Laina pero hindi ako nagsalita dahil ang mata ko ay nasa kambal ko na pinagmamasdan ang libro.
“Hey guys.”
Naalerto kami nang tawagin kami ni Jax dahil sumeryoso ang tono ng boses niya. Minsan lang siya maging tao kaya’t lumapit kami sa kaniya.
“Ano meron?” ako ang nagtanong.
“I noticed something in the book.” aniya at sinarado niya ang libro at pinakita sa amin ang book cover.
Kumunot ang noo ko at hindi ko maintindihan ang gusto niyang mangyari. Hindi ako sanay na seryoso siya ngayon dahil dinadaan niya sa lahat ng biro ang mga ganitong usapan. Nagpakawala siya ng marahas na hininga at binuklat niya ang libro, ngunit, nakaharap ang cover sa amin.
“Can’t you see? It’s a map!”
Natigilan kami at nagkatinginan kami nila Laina. Umabante si Basil at pinagmasdan niya ang cover ng libro. Hinaplos niya ito at binasa ang mga nakasulat. Salubong ang kaniyang kilay at seryoso ang ekspresyon ng mukha. Maya-maya ay nanlaki ang mata niya at inagaw kay Jax ang libro.
“He’s right, it’s a map of the town.”
Bumilis ang t***k ng puso ko, sa puntong gusto na nitong takasan ang katawan ko. Napalunok ako at lumapit ako sa kaniya para tignan ang cover. Sumunod din si Laina sa kabilang gilid naman siya nakatingin.
“Look, eto yung lumang condominium na ating pinagtaguan.” tinuro ni Laina ang pangalan ng street at ng condominium na aming pinagtaguan lang nito.
Bigla akong nabuhayan ng loob. Tinignan ko si Jax na kumindat lang sa akin at hinagod ang kaniyang buhok, tila, pinapaalam na siya ay may malaking nai-ambag. Umirap ako at natawa na lang dahil inaamin ko matalino naman talaga si Jax, may pagka-siraulo lang talaga.
“It’s not complete.” saad ni Basil.
“What do you mean?” nagsalubong ang kilay ni Jax.
May tinuro si Basil sa libro. “May daan dito patungo sa kabilang barangay pero putol dito sa libro kung paano makarating sa barangay.”
Paraang may dumaan na kaluluwa dahil pare-parehas kaming natahimik at hindi malaman kung paano nanaman ito so-solusyonan. Napabuga ako ng hininga at napahaplos na lang sa ulo ko. Ang libro na nga lang ‘to ang daan namin patungo sa pagtakas sa lugar na ito, putol pa mapa.
“What if, there’s another book?”
Napatingin kami kay Jax nang magsalita siya. Lumapit siya kay Basil at kinuha niya muli ang libro sa kaniya. Tinaas niya ito at pinagmasdan ang mapa.
“Paano kung may nagpatuloy magsulat ng libro? Book 2?” tinignan niya kami isa-isa.
Nagkatinginan naman kami nila Laina at Basil. Sa totoo lang ay malabo ang sinasabi ni Jax dahil hindi naman kami sigurado kung mayroong katuloy na libro nga. Ang original na author ay patay na kaya’t sino ang magpapatuloy ng kaniyang likha?
“There’s a possibility but we’re not sure about that Jax. For now, let’s stay here for our safety. Tsaka na lang tayo magpatuloy kapag-”
Napahinto si Basil dahil parang may nakakuha ng atensyon niya. Kami naman ay naalarma din dahil naging mapanganib ang ekspresyon ng mukha ni Basil, tila, handa siyang maglabas ng baril. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na nakahawak sa kaniyang baril na naka-ipit sa pants.