“What is it-” pinatahimik niya si Jax.
Luminga-linga siya sa paligid habang umaabante. Kaming tatlo ay nanatili lang sa pwesto namin. Kita ko ang hirap sa paglalakad si Basil na pinipilit lang niya. Umabante si Laina para sundan siya.
“Basil-”
Biglang may kumaluskos. Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman kong dumikit sa akin si Jax at kumapit sa braso ko. Nagbigay kami ng tingin sa isa’t-isa. Iisa lang ang tumatakbo sa isip namin.
May iba kaming kasama sa lugar na ito.
Lumingon sa amin si Basil at binigyan kami ng seryosong tingin, tila, kailangan namin manahimik kung ayaw naming mapahamak. Tumago kami. Tinignan ko si Laina na kagat ang labi at bakas ang pag-aalala sa mga mata niya. She’s worried for Basil dahil sugatan parin ito at hindi pa nagagamot ang kaniyang mga galos. Siya pa ang nangunguna kaya’t may posibilidad na sumugod ang kalaban sa kaniya at basta na lang siya sakmalin.
“Ate, pinagpapawisan ka.” bulong sa akin ni Jax.
Kumunot ang noo ko at napahawak ako sa noo ko. Naramdaman kong basa ito ng pawis ko. Marahil ay masyado akong tensyonado kaya’t ganito kalala ang pawis ko.
“Is it me or it’s getting hot in this place?”
Bumalik ang atensyon ko kay Jax at nagulat ako nang matagpusan kong halos maligo na siya sa sarili niyang pawis. Nabaling din ang tingin ko kay Laina na paulit-ulit pinapaypayan ang sarili. Maski ako ay nakakaramdam na rin ng init sa akin katawan kaya’t bumaba ang tingin ko rito. Napa-atras ako dahil basa na rin ang damit ko sa pawis ko.
Ngunit, sa sobrang pag-atras ko ay hindi ko namalayan nabunggo na pala ako sa estante. Nadunggol ko ito at bumagsak ito sa sahig, lumilikha ng malakas na tunog. Panandaliang huminto ang pagtibok ng puso ko sa kaba. Napatingin ang tatlo sa akin at nanlaki ang mga mata nila.
“Ate…” kapos hiningang tawag ni Jax sa akin. Ako naman ay hindi makagalaw sa pwesto ko. Para akong naging estatwa at walang emosyon.
I messed up, again. Pumikit ako at inabangan na lang ang mangayayari sa amin. Bawat segundong lumilipas ay pabalis nang pabilis ang t***k ng puso ko. Ngunit, walang nangyari. Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Wala na akong naririnig o nararamdamang kakaibang init. Dinilat ko ang mata ko at nakita kong normal parin naman ang lahat. Nasa kaniya-kaniyang pwesto parin sila Laina, Jax at Basil.
“Did something happen?” bulong ko.
Luminga rin sa paligid sila Laina. Binalik niya ang tingin sa akin at nagkibit-balikat.
“Nothing happened. Looks like no one’s here.” sagot niya.
Nakahinga ako ng maluwag at tumayo na ako ng maayos. Nawala na rin ang pamumuo ng pawis sa katawan ko. Siguro ay daga lang o ipis ang narinig naming kaluskos. Sa dami na nangyari sa amin kahit sa mga maliliit na bagay ay nagiging alerto kami.
Binitawan ni Basil ang baril na hawak niya at naglakad siya papalapit sa amin. Biglang nabaling ang tingin ko sa likuran niya at naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang anino. Maya-maya ay luminaw siya sa paningin ko at napasigaw ako sa takot.
“What?! What is it?!” kabadong tanong ni Jax at lumapit siya sa akin.
Nanginginig kong tinaas ang daliri ko at tinuro ko ang matangakad na lalaki sa harapan namin. May kapayatan ang katawan nito at natatakpan ang kaniyang mukha ng mask. Nakasuot siya ng suit at magulo ang kaniyang buhok. Nanatili lang siyang nakatayo sa sulok at diretso ang katawan na nakaharap sa amin.
“Oh s**t! What is that thing?” sunod-sunod na mura ang pinakawalan ni Jax.