Chapter 32: Insider

1809 Words
Wala rin akong ideya kung anong klaseng kalaban ang aming makakaharap ngayon. Napalunok ako nang mapagmasdan ko ang pigura ng lalaki. Matangkad siya, siguro ay nasa higit six feet. May kapayatan ang kaniyang katawan pero hindi sa puntong parang kawayan, sakto lang ang laman. At higit sa lahat, ang pumakaw ng atensyon ko ay ang mask niya na malungkot. “Can he talk? Why isn’t he talking? Bakit nakatayo lang siya?” bulong ni Jax sa gilid ko. Sinenyasan ko siya na manahimik. Lumabi siya at yumuko, tila, batang napagalitan. Umikot ang mata ko. Nang ibalik ko ang atensyon ko sa lalaki ay napasigaw ako dahil gumalaw siya at lumapit sa amin. “He moved!” tinuro ko ang lalaki. Hindi ko siya nakitang naglakad, ngunit, alam kong gumalaw siya dahil lumaki ang kaniyang pigura. “What? I can’t see him anymore.” saad ni Laina na siyang nagbigay kaba sa puso ko. “W-what do you mean?” nauutal kong tanong at tinuro ko ang lalaki na nasa harapan parin namin. He’s there! Standing like a statue! What does she mean she can’t see him? “Ate, I also can’t see him anymore. He just disappear in front of us like a bubble.” balisadong saad ni Jax. Parang may pumana sa puso ko ng isang malaking itak. Napa-iling ako ng paulit-ulit dahil hindi maaari ang kanilang sinasabi. Paanong nangyari ‘yon? Bakit nakikita ko parin ang lalaki? Tumingin ako sa kanila, “P-pero nandito siya! Ayan siya oh! Hindi makatotohanan ‘yang sinasabi niyo! Siya ay-” napasigaw ako nang maramdaman kong nalapnos ang balat ko. Bumaba ang tingin ko rito at nanlaki ang mga mata ko nang matagpuan kong natunaw ang kaliwang kamay ko. “Ate! What happened?” naalarma si Jax at naramdaman kong lumapit siya sa akin. Halata sa tono ng kaniyang boses ang kaba. “Y-yung balat ko…” halos magkanda utal-utal ang boses ko. Ramdam kong namamawis na ang magkabilang sulok ng mata ko sa sakit. “What? Pero ayos lang naman ang balat mo?” bakas ang pagkalito sa boses ni Laina habang hinahaplos niya ang kamay ko. “A-ano?” muntikan na akong mapasigaw sa dismaya kung hindi ko lang nakontrol ang boses ko. Gusto kong isipin na niloloko lang nila ako, ngunit, alam kong hindi magagawang magbiro ni Laina lalo na kung nasa isang seryosong sitwasyon kami. Napa-atras ako sa kanila at umiling-iling ako. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko na ang iba ay hindi ko na mapangalanan. Biglang umikot ang paningin ko at nahilo ako. Muntikan na akong mawalan ng balanse nang maramdaman kong may umalalay sa akin. Noong una ay akala ko si Jax, ngunit, nang mag-angat ako ng tingin ay biglang nagsiliparan ang mga paro-paro sa sikmura ko nang magsalubong ang tingin namin ni Basil. “I think I know what’s going on.” anunsyo niya. “W-what is it?” kabado kong tanong. Nagtaka ako nang hawakan niya ang magkabilang gilid ng ulo ko at hinarap niya ito sa mismong lalaking may maskara. Nanlaki ang mga mata ko nang maabutan kong sobrang lapit na niya sa akin. Halos isang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa. Napatingala ako sa kaniya. Kahit nakamaskara siya ay alam kong nasa akin nakatuon ang mga mata niya dahil ramdam ko kung paano ito tumagos hanggang kaila-ilaliman ng pagkatao ko. “Ano ‘yon?” nagtatakang tanong ni Laina. “I’m not yet one-hundred percent sure of my theory, but I think once you look away from the mask man, you will be his victim.” Narinig kong napasinghap si Jax. “Then that means…” “You can see him, and we can’t.” si Laina ang tumapos sa sasabihin ni Jax. Saglit na katahimikan ang namayani sa aming apat nang magsalita muli ang kambal ko. “Bakit ba hindi niyo ako hinahayaan na matapos ang sasabihin ko?” Biglang sumakit ang ulo ko sa stress sa kaniya. Nasa isang panganib na sitwasyon na nga ako at ganiyan lang ang masasabi niya? “I’m going to-” lilingon na sana ako sa kaniya nang pigilan ni Basil ang ulo ko. “No! Remember what happened when you look away? You feel like your skin is burning. Maybe that’s one of his ways of torturing his victims.” Natigilan ako nang maalala kong bawal nga pala mag-iwas ng tingin sa lalaki. Kinagat ko ang labi ko at huminga ako ng malalim habang nakikipag laban ng tinginan sa mask man na nasa harapan ko. “Do you guys know him?” tanong ko kila Laina. “No,” nakita ko sa gilid ng mata ko na umiling siya. “This is the first time we encounter something like him.” Dumagundong ang kaba sa dibdib ko at parang may bumabara sa lalamunan ko. Bigla akong pinanghinaan ng loob dahil paano namin malalaman ang kahinaan niya? Paano namin siya matatalo? At paano ako makakatakas sa sumpa na ito? “We don’t know much but for now, whatever you do, you should never leave your sight on him.” paliwanag ni Basil at mariin ang kaniyang pagkakahawak sa ulo ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at ramdam ko ang mabilis na pagtambol ng puso ko. Nilabas ko ang aking dila at humagod ito sa labi kong nanunuyo. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa akin, ngunit, kailangan kong sundin ang utos ni Basil kung ito ang tanging paraan para hindi ako mapahamak. Pinakatitigna ko ang lalak isa harapan ko. May maitim na awra na bumabalot sa kaniyang paligid. Alam kong hindi siya ordinaryong tao. Hinaplos ko ang kamay ko na nalapnos. Siya ang may kagagawan nito. Marahil ay sa oras na alisin ko ang tingin ko sa kaniya ay masunog nanaman ang balat ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Bawat minutong lumilipas ay mas lalong nagiging tensyonado ang namamagitan sa aming dalawa. Madali lang naman ang mechanics. Huwag akong mag-iwas ng tingin sa kaniya. Ngunit, sa pagtakbo ng oras at sa pag tunog ng ritmo ng puso ko ay namalayan kong nakalahad na pala ang kaniyang kamay sa akin. Hindi siya nagsalita. Nanatiling nasa harap ko ang kamay niya. Sa hindi malamang dahilan ay bumaba ang tingin ko rito at nangingingi ko itong tinanggap. “Jadey?” Narinig ko ang boses nila Laina sa gilid ko. Sari-saring katanungan ang kanilang pinukol sa akin pero hindi ko magawang sagutin ang mga ito. Bumalik ang tingin ko sa lalaki dahil para siyang may binubulong sa akin. Malabo ito sa aking pandinig noong una kaya’t pinakatitigan ko muna siya. Nang humigit limang minuto ay parang may kislap na dumaan sa pagitan namin sa kasabay nito ay ang panlalabo ng paningin ko sa mga paligid namin at tanging siya lang ang nakikita ko. “ATE!” May sumisigaw sa gilid ko, pero, malabo ito at hindi ko maintindihan. “Come with me.” Nagulat ako nang magsalita ang lalaki. Ang boses niya ay malumanay, hindi makabasag-pinggan. Para niyang hinaplos ang puso ko kaya’t umabante ako papalapit sa kaniya. Ang buong atensyon ko nasa kaniya lang. “Jadey?! What is he doing to you?! JADEY!” Wala akong pakielam sa mga tao o bagay sa paligid ko. Iginaya niya ako patungo sa isang pintuan na nakabukas sa kaniyang likuran. Nabaling ang tingin ko rito at parang hinihigop ako nito papasok sa loob. Tila, may isang kaakit-akit na bagay na mayroon rito na pwede kong makuha at mapasa-akin. Umabante ako at hinayaan kong hatakin niya ako. Ang kaniyang kamay ay malambot at maingat sa akin. Pakiramdam ko ay isa akong diyamante na kailangan niyang pagbigyan pansin. Bumaling ang atensyon ko sa mask man. Ang ulo niya ay nakabaling sa akin, tila, pinapanuod niya ako mapalapit sa pintuan. “Jadey! Stop walking!” “Guys! It’s no use! Hindi niya tayo naririnig!” “ATE! Please! If you can hear us, give us a sign!” Napa-iling ako dahil parang may kumakatok sa utak ko. Napapikit ako at saglit akong napahinto dahil kumirot ang ulo ko. May naririnig akong mga boses na nagsasalita at tumatawag sa akin, ngunit, hindi ko mawari kung kanino ito nanggagaling. “Don’t mind them.” Nabaling ang atensyon ko sa mask man nang magsalita siya muli. Sa pagkakataong ito ay lumabo nanaman ang mga boses na naririnig ko, parang nagkaroon ng pader sa pagitan ng mundo ko sa realidad. Namalayan ko na lang na naglalakad na ako sa tabi niya, malapit nang maabot ang pintuan. Inangat ko ang kamay ko dahil malapit ko nang maabot ang dilim na bumabalot sa pintuan. Minuwestra ng lalaki ang kamay niya, ginigiya ako papalapit dito. Kumislap ang mata ko at ramdam kong hinihigop na ako ng pintuan nang biglang may nabasag. Bumagsak ako sa sahig at nauntog ang ulo ko rito. Napangiwi ako dahil sa kirot at hinaplos ko ito. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at natigilan ako sa bumungad sa harapan ko. Tandang-tanda ko siya dahil siya ang nagligtas sa amin noong may nakasalmuha kaming Melox. Siya ang batang humatak sa akin noon at biglang nawala na parang bula! Akala ko ay patay na siya dahil iniwan namin siya mag-isa noon. Ngunit, eto siya ngayon sa harapan ko, kinakalaban ang lalaking may maskara. “Para ito sa pagpatay mo sa Nanay ko!” malakas niyang sigaw at may nilabas siyang salamin. “Ate!” naramdaman kong may yumakap sa gilid ko. Tinignan ko si Jax na bakas ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Hinaplos niya ang ulo ko. “Thank god you’re okay.” hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. “W-what happened?” naguguluhan kong tanong at napatingin ako sa kanilang tatlo na nakapa-ikot ngayon sa akin. “You were hypnotized. You suddenly walk straight, aiming for the wall. You were mesmerized by something so beautiful. But I’m glad you’re fine.” paliwanag ni Basil at pumatong ang kamay niya sa balikat ko. Binigyan niya ako ng malambot na ngiti. Bumaba ang tingin ko rito at nagkabuhol-buhol nanaman ang mga tali sa sikmura ko nang biglang bumaling ang tingin ko kay Laina. Biglang namatay ang mga paro-paro sa sikmura ko at napalitan ito ng emosyong hindi ko maipaliwanag. “Y-yeah…” pasimple kong inalis ang kamay niya sa balikat ko at binalik ko ang atensyon sa bata. Natigilan ako at napa-awang ang labi ko nang makita kong nawala na ang maskara ng lalaki. Nakatingin lang siya sa salamin habang may dugo na umaagos mula sa magaganda niyang mata. Hindi ko maiwasan na matulala sa kaniyang features. Hindi ko sukat akalain na may itsura pala siya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at nagpakawala siya ng isang tipid na ngiti. Nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko sa gulat at kilabot. “H-help me…” ang mga huling salitang binitawan niya bago siya sumabog. Natulala na lang ako sa kawalan dahil sobrang bilis ang lahat ng pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD