Chapter 33: Gone

1846 Words
Narinig kong napasigaw si Laina sa gulat at napasinghap ang dalawa. Ngunit, ako ay walang naging reaksyon dahil mas tumatak sa utak ko kung paano siya humingi ng saklolo sa akin bago siya mawala. Naka-ukit na sa isip ko ang kaniyang itsura. Magandang lalaki. “What the heck! Did he just explode?” gulantang na tanong ni Jax makaraan ang ilang minutong katahimikan na tanging pag pintig ng puso namin ang naririnig. “Y-you…” tinuro ko ang bata na dahan-dahan lumingon sa akin. “Who are you?” Binato ng bata ang salamin sa isang gilid bago ako harapin. Binuka niya ang kaniyang bibig para magsalita nang biglang sumingit si Basil. “Why are you here? How did you know to defeat that creature?” sunod-sunod niyang tanong at hinarang niya ang kaniyang kamay, tila, pino-protektahan kami mula sa bata. Tumaas ang kaniyang magkabilang-kamay, tila, sumusuko. “Huwag pong mag-alala dahil pwede niyo akong mapagkatiwalaan.” Nagkatinginan kaming apat, tinatantya ang bata. Nagulat ako nang biglang tumayo si Jax at dinuro niya ang bata. Pinigilan ko naman siya dahil masyado na naming pinagtutulungan ang puslit. “How can you be so sure of that? Bakit bigla kang nawala noong hinahabol kami ng Melox na kamukhang-kamukha mo? Paano kami makakasiguro na hindi ka isang Melox?” Huminga ng malalim ang bata at dinala niya ang kaniyang kamay sa laylayan ng gusot-gusot niyang shirt. Tinaas niya ito at pinakita niya sa amin ang dibdib niya na makinis, walang tatak ng Almati. “Ako po si Noah, isang insider. At nandito ako dahil katulad ko lang din kayo na parehas ang hinahanap.” bumaba ang kaniyang tingin sa libro na hawak ni Basil kasabay nang pagbaba ng shirt niya. “Insider?” nagtatakang tanong namin. Ano ang ibig niyang sabihin sa insider? “Wait, what do you mean you know what we are looking for?” salubong ang kilay na tanong ni Basil at sinenyasan niya kami na lumayo kay Noah. Kahit na nakumpirma namin sa bata na hindi siya isang Melox, hindi ibig sabihin ay kailangan na namin babaan ang pader. May nabanggit siyang isa siyang insider. Kung hindi ako nagkakamali ng pagkakaintindi, miyembro siya ng isang grupo. Ibig sabihin, hindi siya nag-iisa at may posibilidad na may kasama siya ngayon. Pumikit muna ng mariin si Noah, “Dahil kilala ko kung sino ang sumulat ng librong hawak niyo.” “Sino?” kuryosong tanong ni Jax at umabante siya, pero, pinigilan siya ni Laina. Hindi agad nakasagot si Noah. Sapagkat ay natulala lang siya sa kawalan, tila, may mga senaryong naglalaro ngayon sa utak niya. Napatingin ako kay Basil na seryosp ang ekspresyon ng mukha at may bumabalot na kakaibang awra sa paligid niya. Naiintindihan ko ang pinaghuhugtan niya dahil ilang beses na kaming muntik nang mapahamak. Mahirap nang pagkatiwalaan ang ibang tao kundi ang aming mga sarili at ang isa’t-isa. “Ako ay maliit pa lang noong mangyari ang insidenteng ‘yon, ngunit, tandang-tanda ko pa kung paano siya mawalay sa akin.” makahulugan niyang saad habang nakatulala sa ibaba. Napagtanto kong sa libro siya nakatingin. “Wala man siya sa tabi ko ngayon, ngunit, ang isang anak ay hindi makakalimot.” Unti-unti ay nanlaki ang mga mata ko nang mag tagpi-tagpi sa utak ko ang mga binitawan niyang salita. Napatingin ako kay Jax na nakatingin din sa akin. Ibig sabihin ay iisa lang kami ng iniisip. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Basil at kumalma ang kaniyang balikat. Dahan-dahan na bumaba ang kaniyang kamay at nanatiling nakatuon ang tenga at mata kay Noah. “Naging kursonada si Mama sa mga shape shifters dito sa Death Urban. Inaral niya ang kanilang kahinaan, uri, lakas, at kung saan sila nanggaling. Noong una ay balak lang niyang gumawa ng talaarawan patungkol sa mga kaganapan sa lugar hanggang sa pinagpatuloy niya ang kaniyang eksperimento at naging libro siya.” Bumuga siya ng marahas na hininga at tinignan kami isa-isa. Kita ko kung paano mamuo ang kaniyang luha sa magkabilang sulok ng mata niya. Gusto ko siyang lapitan at sabihan ng malalambot na salita para gumaan ang pakiramdam niya. It must be so hard for him to talk about this, but for the sake of gaining our trust, he’s forcing himself. “Noah ,you don’t have to-” “Okay lang ate.” sumingit agad siya bago ko pa matapos ang gusto kong sabihin. Humugot siya ng malalim na hininga at ngumiti sa amin. “Sinasabi ko ang mga bagay na ‘to para magkaroon din kayo ng kaalaman sa nagsulat nito. Handa ko kayong tulungan na makatakas sa lugar na ‘to.” Nagpatuloy siya muli, “At ang totoo po niyan, si menken ang pumatay sa Mama ko.” “Menken?” nagtatakang tanong ni Laina na nakakunot ang noo at salubong ang kilay. Makahulugang ngumiti si Noah sa kaniya na siyang nagbigay kilabot sa buong sistema ko. Hindi ko alam kung bakit nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa kaniyang ngiti. “Ang Mask Man na muntik nang pumtay sa kaniya.” tinuro niya ako. Katahimikan ang umusbong saglit sa pagitan namin nang magsalita muli si Noah. “Isa siyang special class 2. Ang kahinaan niya ay salamin dahil galit siya sa kaniyang sarili kaya’t ang lakas niya ay maghipnotismo ng kaniyang biktima at dalhin ito sa kaniyang walang hangganang parusa. Kapag nadala ka niya sa kaniyang kulungan, doon siya mas lumalakas.” Napabuga siya ng marahang hininga, “Komplikado ang katulad niya dahil kailangan mo siyang pagmasdan para hindi ka masunog. Ngunit, kapag nagtagal naman ang pakikipagtitigan mo sa kaniya ay mahihipnostismo ka niya.” “Paano makakatakas sa kaniyang ilusyon kung ganoon pala ang case?” tanong ni Jax. Dahan-dahan na tumingin sa akin Noah at sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya. “Kailangan matibay ang iyong mentalidad at kaya mo siyang labanan.” Natulala ako sa kaniyang pinaliwanag dahil naalala ko si Kadr. Ngunit, ibang senaryo naman itong kay Menken o mask man kung tawagin. Bakit isa lang siyang class 2 kung ang kaniyang lakas ay pwedeng ikumpara kila Abchanchu? “How about the continuation of the book? Is there a possibility of book 2?” biglang tanong ng kambal ko matapos ang mahabang katahimikan. Alam kong gusto niyang ibahin ang topic dahil hindi niya kayang tanggapin na muntikan nanaman akong mapahamak kanina kung hindi lang dumating si Noah. Napabuga ako ng marahas na hininga. Bakit ba kapag usapang mentalidad parang may pumipiga sa utak ko at bumabara sa lalamunan ko? Kahirap ipaliwanag ng ganitong pakiramdam. May ibig sabihin kaya? Tinignan ko si Jax at halata ang pagiging kursonada niya na malaman ang katotohanan. Ganiyan ‘yang kambal ko, kapag may gusto siyang malaman, gagawin niya ang lahat para matuklasan ang sagot. Tumango si Noah. “Opo, may book 2 po. Tinuloy po ni Papa ang naiwan ni Mama.” Nagulat kami nang biglang magtatalon sa tuwa ang kambal ko. Nahihiya akong napatingin kay Noah na natawa ng marahan sa kalokohan ni Jax. Sinampal ko ang dibdib niya at sinamaan ko siya ng tingin, binabantaan na kailangan niyang tumino. “Sorry, just got happy.” nag peace sign pa siya. “As you were saying?” si Laina na ang nag-iba ng topic. Biglang bumagsak ang mga balikat ni Noah at mukhang may masanag ala-ala nanaman ang pumasok sa utak niya dahil nangilid ang luha niya. Pumikit siya at yumuko saglit. Nadurog ang puso ko nang makita ko ang luha niya na pumatak. Hindi ko na natiis at lumapit ako sa kaniya upang gumaan naman amng pakiramdam niya. Mukhang hindi na siya nakatiis dahil pumalupot ang mga maliliit niyang kamay sa beywang ko at sinandal niya ang kaniyang mukha sa puson ko. Dito niya binuhos ang lahat ng kaniyang sakit, hinagpis, lungkot at kung ano-anong emosyon ang bumabalot sa kaniya. Hinaplos ko ang kaniyang ulo at napatingin ako sa tatlo na pinapanuod lang kami, ngunit bakas din ang dalamhati sa kanilang mata. “P-pasensya na po, hindi ko lang kinaya dahil naalala ko ang karumal-dumal na nangyari sa Papa ko.” suminghot siya. Hindi ako nagsalita at binigyan ko na lang siya ng isang malambot na ngiti. Sa totoo lang ay bumibigat ang kalooban ko dahil siya ay ulila na, ngunit, bakas sa mga mata niya ang pangungulila sa presensya ng magulang. Samantala ako ay nagrereklamo pa sa kanila at malaki pa ang galit. Hindi ko namalayan may pumatak na rin pala na luha sa pisngi ko na agaran ko ring pinunsan. “Tanda ko ang lugar kung saan namatay si Papa, kung tama lang ang hinala ko, baka doon niya naiwan ang libro bago ako dakipin ng mga insiders.” Nabanggit nanaman niya ang tungkol sa insiders. Lumayo ako sa kaniya at pinakatitigan ko siya. Tumingala siya sa akin at may kumislap sa pagitan naming dalawa. “Ano ang ibig mong sabihin sa insiders?” hindi niya sinagot ang tanong namin kanina patungkol dito dahil sumingit si Basil. Binuka niya ang kaniyang bibig para magsalita nang may narinig kaming gumugulong sa sahig. Nagsalubong ang kilay ko at sinundan ko kung saan nanggagaling ang ingay. Papalapit nang papalapit ang tunog kaya’t dahan-dahan na bumaba ang tingin ko sa sahig. Nagtaka ako nang makakita ako ng isang maliit na hugis bilog na gawa sa metal. Yumuko ako at kukuhanin ko sana ito nang pigilan ako ni Noah. “A-ate, huwag.” nautal ang kaniyang boses at bakas ang takot sa mukha niya. Kumunot naman ang noo ko, “Bakit?” bumaling ang atensyon ko sa tatlo na nakatuon ang atensyon sa maliit na bola sa paanan ko. Maya-maya ay nanlaki ang mga mata ni Basil at tumakbo siya papalapit sa akin. “Jadey-” Biglang sumabog ang maliit na bola at lumikha ito ng malakas na usok na may matinding amoy. Napa-ubo ako at nakalanghap ako ng ilang hangin mula rito dahil ako ang mas malapit. Naramdaman kong may humatak sa akin at nilayo ako. “Are you okay?” bumungad sa aking pandinig ang nag-aalalang boses ni Basil. Tumango-tango ako at dinistansya ko ang sarili ko mula sa kaniya dahil hindi ako makahinga ng maayos at umiikot na ang paningin ko. “Ate! Nasaan ka?!” Dahil sa makapal na usok na umuusbong ay hindi ko rin makita ng mabuti ang mga nakapaligid sa amin. Sinubukan kong kapain ang harapan ko para hanapin siya. “Jax! Nandito ako!” paulit-ulit akong sumigaw. Gumalaw ang paa ko at hindi ko namalayan na may nakaharang pala sa daan ko. Bumagsak ako sa sahig kasabay nito ay ang sakit na dumaloy sa sistema ko dahil tumama ang tuhod ko sa matigas na semento. Paulit-ulit akong nagpakawala ng mura at tinignan ko ang nasa pananan ko. Ngunit, bumagsak ang lahat ng kulay sa mukha ko nang makita ko kung sino ang walang malay na nakahandusay sa sahig. “JAX!” umalingawngaw ang sigaw ko sa buong paligid at dali-dali akong tumabi sa kaniya. Inalog ko ang kaniyang katawan, pinipilit na rumesponde siya sa akin. Ngunit, wala na siyang malay at mabigat na ang kaniyang paghinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD