“NO!” luminga-linga ako sa paligid para humingi ng saklolo nang makita kong walang malay din sila Basil at Laina. Umawang ang labi ko sa gulat.
“W-what’s happening?” unti-unti ay bumibigat na rin ang mga talukap ng mata ko at umiikot ang paningin ko. Sinubukan kong tumayo ng maayos para hanapin si Noah na pwede kaming tulungan.
“N-noah!” sh*t, even my voice is weak. Sinubukan kong sumigaw pero wala nang boses ang lumabas sa bibig ko kundi hangin na lang.
Tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko. Nawalan na ako ng balanse sa sobrang pagkahilo at basta na lang ako bumagsak sa sahig. Kahit nahihirapan huminga at hirap makakita ng maayos dahil sa makapal na usok ay sinubukan kong gumapang at i-angat ang kamay ko, tila, may gusto akong abutin.
“H-help…” ang huling salitang lumabas sa bibig ko.
Bago tuluyang bumagsak ang talukap ng mga mata ko ay may naaninag akong isang pigura ng tao at halo-halong boses na umaalingawngaw sa pandinig ko. Nahuli ko kung paano bumaba ang kaniyang tingin sa akin. Inabot ko siya, ngunit, hinila na ako ng antok.
Mabaho at madilim.
‘Yan ang dalawang bagay na bumungad sa akin nang ako ay magkaroon na ng malay. Kahit saan ako lumingon ay walang katapusang dilim ang nakikita ko. Sinubukan kong gumalaw, ngunit, napagtanto kong nakatali ang mga kamay ko sa isang matigas na pader sa likuran ko. Napabuga ako ng marahas na hininga at paulit-ulit akong nagpakawala ng mura. Walang mangyayare kung magwawala ako rito at magpupumiglas dahil nakagapos ako.
“A-ate?”
Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses sa gilid ko. Alam kong hindi ako makakatakas agad kahit magpumiglas ako rito kaya’t tinawag ko na lang ang pangalan niya.
“Jax!” malakas kong sigaw at kasabay nito ay mabilis na pag pintig ng puso ko.
“Ouch! Nakakabasag ka ng ear drum ah? Malapit lang ako sa’yo teh.” narinig kong reklamo niya sa tabi ko. Napamura ako ng malutong dahil hindi ko naman alam na malapit lang pala siya.
“I’m glad you’re safe.”
“Same girl.” pagtataray pa niya.
Gumalaw ang panga ko. The nerve he have. Kung hindi ko lang siya kapatid ay paulit-ulit ko na siyang sinumpa na mamatay na.
“I don’t know where are we but I’m sure someone kidnapped us.” paliwanag ko habang humuhugot ng malalalim na hininga.
“Teh, obvious naman diba? Nakatali tayo. Madilim at mabaho ang paligid, ibig sabihin lang nito ay nasa isang lumang gusali tayo. Dito nila tayo dinala ng mga kasama ng pesteng batang ‘yon.”
Nag-iinit na ang dugo ko sa kaniya kung hindi lang niya pinaalala sa akin si Noah. Saan napunta ang batang ‘yon nang madakip kami? Ibig sabihin ba ay kasabwat siya ng mga taong nakita ko bago ako mawalan ng malay?
Napamura ako nang biglang kumirot ang ulo ko kasabay nito ay ang pag-ungot na narinig ko hindi kalayuan sa pwesto namin.
“Basil?” tawag ko dahil pamilyar ang kaniyang boses.
“W-where are we?” paos pa ang kaniyang boses dahil halos hangin na lang ang lumabas dito.
“Wala rin kaming ideya pre dahil pare-parehas lang tayong nadakip dito. Wag na tayong magtanga-tangahan pa.”
Uminit ang dugo ko sa kaniya. Ano ba nangyayari sa kapatid ko at nagiging ma-attitude siya?
“What’s the matter with you?” sigaw ko sa kaniya.
“The problem is-” biglang lumiwanag ang paligid at kasabay nito ay ang dahan-dahan na mabibigat na yabag ng paa na papalapit sa amin.
Napalunok ako at hindi ko maiwasan na pangunahan ng kaba sa aking dibdib nang maaninag ko ang pigura ng isang lalaki na papalapit sa pwesto namin. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa noo ko at namamanhid na ang pwetan ko sa tagal ng oras namin na nakaupo sa sahig.
Lumibot ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Maluwang, luma, at maraming nagkalat na lumamg mga kagamitan sa bawat sulok. Base sa itsura ng lugar, mukha itong isang abandonadong storage. Bumaba ang tingin ko sa katawan ko. As expected, nakatali ang mga kamay namin, ngunit ang aming mga paa ay malaya.
Biglang nabaling ang atensyon ko sa gawi nila Basil nang marinig kong suminghap siya. Laina is awake, but I notice something’s wrong with her. Naningkit ang mata ko para pagmasdan ko siya. Sa napansin ko ay parang nahihirapan siyang huminga.
“Let us go! Because of what you did, you triggered my girlfriend’s asthma!” umalingawngaw sa buong paligid ang nakakabinging sigaw ni Basil.
Narinig kong nagmura si Jax sa gilid ko.
“She has asthma?” napalingon siya sa akin.
Parehas lang kami ng iniisip. Sa ganda ng katawan ni Laina at sa liksi niyang gumalaw, nakakagulat malaman ang kaniyang kondisyon. Napa-awang ng kaunti ang labi ko sa gulat nang makita kong parang naghihingalo na siya. Hindi ko sukat akalain na may asthma talaga si Laina at ngayon ay inaatake siya! Biglang lumusob ang pag-aalala sa dibdib ko dahil kailangan agad agapan ang kaniyang sakit.
Dahan-dahan ko sinundan ng tingin ang direksyon na pinagmamasdan ni Basil at saktong huminto ito sa kalagitnaan ng storage. Sa harapan namin ay huminto na ang lalaki sa kaniyang paglalakad. At dahil naka-upo kami, unti-unti akong napatingala sa kaniya upang pagmasdan ang kaniyang itsura.
Malaki siyang lalaki, siguro ay nasa anim na talampakan ang tangkad niya. Malaki ang katawan na pwedeng ikumpara sa isang wrestler. Nang bumaling ang atensyon ko sa kaniyang mukha ay biglang nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa akin nakatuon ang isang mata niya.
Halos maihi ako sa takot at sobrang nakakakilabot ng kaniyang mata. Ang isa ay normal, ngunit, ang kabilang pupil ng mata niya ay nanatiling nakatingin sa taas, tila, ito ay habang buhay nang ganito. Hindi ako sanay makakita ng mga ganitong klaseng tao sa totoong buhay kaya’t kinakabahan na ako sa maaaring mangyari sa amin dito.
Mag-isa lang siya at marami kami, ngunit, hindi ibig sabihin ‘non ay kailangan na namin babaan ang aming pader. Hindi namin alam kung anong klaseng tao siya. Higit sa lahat, kung isa ba siyang shape shifter.
Ayon sa kaniyang tindig, para itong uhaw sa hustisya at kalayaan. Tumatayo ang mga bahalahibo sa katawan ko dahil sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Siya ang tipong tao na kailangan mong lumihis sa kaniyang dinadaanan dahil nakakatakot na mabunggo mo siya. May bumara sa lalamunan ko nang pagmasdan niya kaming apat.
“Please…” halos mabasag na ang boses ni Basil sa pagmamakaawa na iligtas si Laina.
Gusto kong magsalita, ngunit, hindi ko alam kung saan napunta ang dila ko. Hindi kumibo ang estrangherong lalaki sa harapan namin. Sa halip ay dahan-dahan nitong tinaas ang kaniyang kamay. Sinundan namin ito ng tingin. Gumawa siya ng tunog nang pitikin niya ang kaniyang daliri.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan sa gawing kanan namin at may pumasok na dalawang lalaki. Dire-diretso ang kanilang lakad at ang kanilang mga mata ay nakatuon lang sa harapan, hindi bumabaling sa amin. Huminto ang dalawang lalaki sa harapan nila Basil kasabay nito ay tinuro ng lalaking nasa gitna si Laina.
“Take her and examine her.” utos niya.
“WHAT?!” napasigaw si Jax at halos magwala na siya sa mismong pwesto niya.
“You can’t do that!” sunod-sunod ang murang pinakawalan niya. Pero hindi nakinig ang dalawang lalaki. Para itong mga binge dahil dire-diretso parin sila sa kanilang ginagawa.
Lumapit ang dalawang lalaki kay Laina at sinimulan na nila itong tanggalan ng tali.
“NO! Leave her alone! Please! Ako na lang ang kunin niyo! Huwag siya! She has asthma! She’ll die!”
Ngunit, kahit anong pagma-makaaawa ang gawin nila Basil at Jax ay hindi nakinig ang dalawang lalaki sa kanila. Tulong sila sa pagbuhat ng lantang katawan ni Laina na halos hindi na dumidilat ang mga mata. Na-trigger ang kaniyang asthma dahil sa usok na pinasabog nila sa amin.
“NO! NO! PLEASE!” hindi ko masikmuraan na makitang umiiyak si Basil kaya’t nag-iwas ako ng tingin at kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili na maglabas ng luha. Alam ko sa sarili ko na kapag umiyak ako rito, wala na itong tigil at mawawala nanaman ako sa aking sarili. Mahirap pero kailangan kong tatagan ang loob ko at tanggapin ang pwedeng mangyari sa amin.
Sumarado na ang pintuan nang makalabas na ang dalawa na buhat si Laina. Katahimikan ang namayani sa aming apat sa loob ng storage. Rinig na rinig ko ang pagsinghot ni Basil, pinipigilan ang sarili na umiyak dahil nandito pa kaming dalawa kasama siya. Si Jax sa gilid ko ay tulala na lang at hindi alam kung ano ang gagawin.
It’s over for us. We can’t do anything to save ourselves. Jax was right. Wala kaming ibang pwedeng mapagkatiwalaan kundi ang mga sarili namin at ang isa’t-isa. Ever since we encountered Noah, disaster happens between us four. At ngayon, hanggang dito na lang ang tuldok ng buhay namin.
“W-who are you?”
Makaraan ang nakakabinging katahimikan ay biglang nagtanong ang kapatid ko. Lumingon ako sa kaniya at nahuli kong salubong ang kaniyang kilay. Nanginginig ang kaniyang panga, palatandaan na pinipigilan niya na sumabog sa galit.
Hindi muli sumagot ang lalaki. Sa halip ay naglabas lang ito ng sigarilyo at sinindihan niya ito. Nagtagal ang atensyon ko rito. Pinagmasdan ko kung paano sumayaw ang kaniyang kamay sa pagitan ng sigarilyo na hawak niya at sa lighter na pinang sindi niya. Nang bumuga na siya ng usok ay binulsa niya ang lighter at bumuga siya ng usok sa itaas.
“What brings you here?”
Napabuga ako ng hininga nang sa wakas ay nagsalita na siya. Akala mo siyang nakikipag-usap sa isang turista sa kaniya lugar. Ngunit, ang tono ng boses niya ay may ibig sabihin. Para itong nagbabanta sa amin.
“We asked you first.” umigting ang panga ni Jax.
Tumaas ang kilay ng lalaki at humithit siya sa sigarilyo na hawak. Dumagundong ang kaba sa puso ko habang sinusundan ko ng mata ang bawat paghithit at buga ng niya ng mabahong usok at matinding amoy ng sigarilyo.
Maya-maya ay naningkit ang mata niya sa amin at binigyan kami ng makahulugang tingin.
“You don’t want to know me.” seryoso niyang saad at bumuga siya muli ng mahabang usok.
“M-my girlfriend…” narinig kong hasik ni Basil. Halos kapusin na siyang boses dahil pinipilit lang niyang magsalita. Natatakpan ng kaniyang buhok ang mga mata niya, tanging labi lang niya ang nakikita.
“Where did you take her?” nang mag-angat siya ng mukha ay parang may pumana sa puso ko at nagkaroon ito ng malaking butas sa gitna.
Sanay akong makitang seryoso ang kaniyang mukha, malakas ang dating, diretso ang tindig, sa madaling salita, ang malaks na Basil. Pero ngayon? Ibang-iba ang awara na bumabalot sa kaniya. Nawala ang kaniyang matigas na ekspresyon. Nawala ang kaniyang tapang. Ngayon ay para siyang isang biktma sa isang mapanganib na lugar na napapalibutan ng mga delikadong hayop.