Chapter 35: Way

1810 Words
Nagtagal ang tingin ng lalaki kay Basil na namumugto ang mga mata. Dahan-dahan ay sumilay ang ngisi sa labi niya at mabagal na naglakad patungo sa kaniyang pwesto. Bumilis ang pintig ng puso ko sa takot na baka may gawin siya sa kaniya. “D*mn, this is the first time I saw him crying.” bulong ni Jax sa gilid ko. Napalingon ako sa kaniyang gawi, tila, nag-uusap kami sa pamamagitan ng mata naming dalawa. Ako rin, ito ang unang pagkakataon na makita ko siyang nanghihina. He really do loves her, because he wouldn’t get hurt like this if he doesn’t. “Huh…I smell you boy.” umalingawngaw sa buong paligid ang mabangis na boses ng lalaki. Para siyang isang hari na kailangan mong luhuran kapag dumaan siya sa harapan mo. Puno ng awtoridad. Sininghot niya si Basil. Nakita ko kung paano sumiklab ang galit sa mga mata ni Basil dahil ang kaniyang panga ay gumagalaw at nagngingit-ngit ang kaniyang ngipin. Halatang nagpipigil lang siya ng galit. Alam niyang isang maling galaw ay pwedeng mas lalong mauwi kami sa disgrasya. “You’re angry, sad…and most of all,” nilapit niya ang kaniyang bibig sa punong tenga ni Basil. “You’re scared!” pagkayari ay biglang sumiklab ang kaniyang nakakakilabot na tawa sa buong sulok ng storage. Napahawak siya sa kaniyang tiyan at pumunta na siya sa gitna habang tumatawa. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa kaniyang pisngi at nakangising tinuro kami isa-isa. “All of you are pathetic!” humithit siya sa kaniyang sigarilyo. Masayang-masaya siya, pero sa ibang dahilan. Umigting ang panga ko at ramdam ko ang matinding emosyon na dumadalay sa ugat ko. Unti-unti ay umiinit ang dugo sa ulo ko, tila, isang takure na malapit nang kumulo. Kaunti na lang. “You all are outsiders! You don’t belong here!” halos mabinge kami sa lakas ng sigaw niya. “Bruh! That’s why we are finding our way to leave this fvcking place! Who wants to be here?” Nanlaki ang mga mata ko nang biglang magtuloy-tuloy ang mga binitawang salita ni Jax. Pinandilatan ko siya ng mata, sa takot na pwedeng mangyari sa kaniya. Tumigil ang lalaki sa pagtawa at bumagsak ang kaniyang balikat. Nanatili ang kaniyang likod na nakaharap sa amin. Bawat minutong lumilipas ay pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. “Hmm…” nilingon niya kami mula sa kaniyang balikat at tumaas ang kaniyang kilay. Humithit muna siya sa sigarilyo na naka-ipit sa pagitan ng labi niya at bumuga siya ng malakas at mahabang usok na halos umabot na sa kisame ng storage. Iba ang kutob ko sa sigarilyo na hawak niya. Hindi ito normal na sigarilyo na malakas bumuga ng usok. May kakaibang kemikal akong nalalanghap na hindi ko mawari kung ano ito. Hindi na maganda ang daloy ng sikmura ko rito. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa pwesto ng kapatid ko. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Bawat minutong lumilipas ay mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko at pinangungunahan na ako ng takot sa maaaring mangyari. “What’s your name, young man?” tanong nito kay Jax na gumalaw ang panga, at tumataas-baba ang bukol sa leeg, nagpipigil ng takot. Hindi sumagot ang kambal ko. Sa halip ay dinuraan lang niya ang lalaki at binigyan ito ng pamatay niyang tingin. Nanlaki ang mga mata ko dahil alam kong kahit anong oras ay maaaring may mangyari nang masama sa kaniya. Nakita kong umigting ang panga ng lalaki at tumalim ang kaniyang mga mata kay Jax. Napasigaw ako nang hawakan niya sa panga ang kapatid ko. Dumiin ang kaniyang mga daliri sa kaniyang leeg at nakita kong halos magkulay violet na ang kaniyang balat sa sobrang higpit at panggigigil niya. Kung ano-anong senaryo tuloy ang naglaro sa utak ko. Ang puso ko ay halos tumalon na palabas sa katawan ko. Pumikit ako ng mariin at sunod-sunod na palahaw ang pinakawalan ko. “PLEASE! Take me! Not him! Take my life….just, please! Let him live!” Tumigil ang lalaki sa pagsakal sa kapatid ko at sa akin naman nabaling ang atensyon niya. Narinig kong napasigaw si Basil. “NO! DON’T TOUCH HER!” nahuli kong sinubukan niyang magpumiglas habang balisado ang mga matang nakatitig sa akin. Ngumiti ako ng marahan sa kaniya, pinapaalam na desisyon ko ito at tatanggapin ko ang kapalaran ko. Pumikit ako at hinanda na lang ang sarili ko sa maaaring mangyari. Naramdaman kong nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at humahaplos na ang hininga niya sa balat ko. Kinagat ko ang aking dila at dito ko tinuon ang sakit na nararamdaman ko. Ngunit, makalipas ang ilang oras ay walang nangyari. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at nahuli kong nakatayo pala siya ng tuwid, diretso ang tindig at mapanganib ang ekspresyon ng mukha ang pinapahiwatig. “Walang kwenta.” ang tanging mga salitang binitawan niya bago siya tumalikod, kasabay nito ay ang pag-iwan niya ng malaking butas sa puso ko. Biglang naglaro sa utak ko ang mga salita ng magulang ko sa akin. Pinanuod ko siyang pumunta sa gitna habang bumubuga ng usok. Napapikit ako ng mariin at yumuko ako dahil ayokong ipakita ang namumuong luha sa sulok ng magkabilang mata ko. Tumagos hanggang kaluluwa ko ang matutulis niyang salita. “Outsiders,” aniya. Sa paraan nang pagsabi niya ng salitang ito ay parang isang asido na kaniyang dinura. “I once let an outsider here in our tribe.” bawat salita ay may diin at may kahulugan. Nang sa oras mag kwento siya ay nakuha niya ang atensyon ko kahit mabigat parin ang damdamin ko sa kaniya. “I treated him like my own family, a friend…” bumuga siya ng marahas na hininga at humithit siya muli sa sigarilyo niya. Saglit na katahimikan muna ang namayani sa buong paligid. “A brother.” Napalunok ako ng malalim dahil biglang nag-iba ang atmospera. Bumaling-baling ang tingin ko sa bawat sulok ng lugar. Nanlaki ang mata ko nang matagpuan kong nagsi-silabasan na ang kaniyang mga kasama sa bawat parte ng storage. Hindi ko sila mabilang sa sobrang dami. Parang isang alon ng dagat na sumasampal. Narinig kong napamura ang kambal ko sa tabi ko. Nilingon ko siya at namumuo na ang mga pawis niya sa kaniyang noo. Maski ako ay bumabaligtad na ang sikmura at hindi malaman kung saan titingin. Wala na kaming takas sa lugar na ito. “However, betrayal will always finds its way.” nilagay niya ang kaniyang magkabilang kamay sa likuran niya at dahan-dahan siyang humarap sa akin. Saktong pagharap niya ang ay pag bungad ng maraming alipores na nasa likuran niya. Para itong isang malaking grupo ng mga sundalo. Diretso ang mga tayo at taas ang noo. Gumawa ng tunog ang kaniyang dila at kumislap ang kaniyang mata nang batuhin niya kami ng tingin isa-isa. Tinaas niya ang kaniyang kamay at dinala niya ito sa sigarilyo niya. Humithit muna siya huling beses bago ito alisin sa kaniyang bibig. “Let’s play a game.” Kumabog ng mabilis ang t***k ng puso ko at nanlamig ang buong sistema ng katawan ko. Paulit-ulit akong napalunok. Hindi maganda ang kutob ko sa larong gusto niyang mangyari. Sa hindi malamang rason ay natuon ang atensyon ko sa sigarilyo na hawak niya dahil pinaglalaruan niya lang ito sa kaniyang mga daliri. “If you survive this one, you’ll join with us.” Tumalikod na siya at nagtungo na sa labasan ng lumang storage. Sumunod sa kaniya ang mga alipores niya. Nangunot ang noo ko at nagtaka ako kung ano ang tinutukoy niyang kailangan namin makatakas. Nilingon niya kami mula sa balikat niya at sumilay ang mala-demonyong ngisi sa labi niya. “See you.” Bago sumarado ang pintuan ay binato niya sa sahig ang sigarilyo na hawak. Saktong sumarado ang malaking kinakalawang na bakal ay sumiklab ang apoy sa sahig. Napamura ako ng malutong at biglang sinakalay ng takot ang puso ko. “Sh*t! There’s gasoline on the floor?!” hindi magkanda-ugagang sigaw ni Jax at agad na siyang nagpumiglas, pinipilit na tumakas kahit malabo. Tama lang ang hinala ko na may halong kemikal sa lugar na ito. Sa nalalanghap ko lang kanina ay may naramdaman na akong kakaiba sa baga ko. Sabi na’t parang pamilyar ang amoy at parang sinasadya niyang lakasan ang pagbuga ng usok sa sigarilyo niya. “Oh! I almost forgot.” Biglang bumukas ang pintuan at pumasok muli ang lalaki. Nakangiti siya sa amin, tila, nang-aasar. “You forgot this.” Lumuwang ang pagkakabukas sa pintuan at biglang may pumasok na dalawang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong buhat nila si Laina na walang malay. ‘Nong oras na bumungad sa amin si Laina ay biglang nagsumigaw si Basil. “LAINA!” Basta na lang nila binato si Laina sa isang gilid at nagpagulong-gulong ito sa sahig. Narinig kong minura ni Jax ng malutong ang dalawang lalaki na wala namang pake dahil dire-diretso lang itong lumabas at hindi na muli kami binato ng tingin. Saktong sinarado nila ang pintuan ay unti-unting paglakas ng apoy na namumuo sa gitna. Biglang umusbong ang pag-aalala sa dibdib ko dahil naalala kong may sakit sa baga si Laina. Ginalaw ko ang kamay ko, pinipilit na tumakas, ngunit, kahit anong gawin ko ay mukhang malabo na. Kahit saan ko ilibot ang paningin ko ay wala kaming makitang pwedeng makatulong sa amin tumakas. Bawat sulok ay mga kinakalawang na bakal at nag-iinit na apoy na lumalakad papalapit. Ramdam ko na ang sakit at hapdi sa pulso ko kakapilit na tanggalin. Isa-isa ko silang tinignan. Si Basil ay pumapalahaw habang nakatingin sa gawi ni Laina na malapit nang maabutan ng apoy. Si Jax sa tabi ko ay gumagawa ng paraan para makatakas kahit wala nang pag-asa. Ako naman ay tulala na lang at hindi malaman kung ano ang gagawin. Dahan-dahan na bumaba ang tingin ko sa mga paa ko. Ito nanaman ang pakiramdam na wala akong maitutulong habang ang mga kasama ko ay nagluluksa sa paligid ko. Bakit ba sa tuwing napupunta kami sa delikadong sitwasyon ay nagiging pabigat ako? Walang maitulong? Palaging nananatiling nakaupo sa isang gilid at wala sa sarili? Kumirot ang ulo ko, tila, isang malakas na hampas ng alon na nagbigay bigla sa utak ko. Eto nanaman ang mga ala-ala ko kay Kadr at kay Menken. Tapos na ako sa kanila! Ayoko na silang maalala pa! Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at natuon ang atensyon ko sa paanan ko. Nagtaka ako nang may naaninag akong kumikinang na bagay malapit dito. Naningkit ang mata ko dahil wala naman ito noong una. Kumurap-kurap ako at nang maaninag ko kung ano ito ay namulagat ang mata ko sa gulat. “J-jax!” agad kong tinawag ang atensyon ng kapatid ko na hindi ko namalayan nananalangin na pala sa tabi ko. “JAX!” sumigaw ako ng malakas. Napaigtad siya at tinignan ako ng masama
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD