“Ano ba?! Hindi mo ba kita na na nagdada-”
“There’s a way!”
“Bish, what?” ayan nanaman siya sa tono ng boses niya na pa-bakla. Tumirik ang mata ko sa inis dahil hindi ito ang tamang oras para sa kalokohan!
“Look at my feet!” I yelled.
Kumurap-kurap siya, tila, pinapahiwatig na tinubuan ako ng limang ulo.
“What? Why would I look at your smelly and ugly as* feet?”
Walang emosyon ko siyang pinagmasdan. Ramdam ko ang init na namumuo sa buong sistema ko sa dalawang rason. Unang-una ay ang apoy na kumakalat sa paligid. Pangalawa ay ang matinding emosyon na nararamdaman ko sa kambal ko. Kapag ako ang unang naligtas dito, hindi ko siya tutulungan!
“You’re so difficult!” frustrated kong sigaw at ninguso ko ang kutsilyo na malapit sa gawi ko. Kung mahaba lang ang hita ko ay kaya ko itong abutin, ngunit, sa kasamaang palad ay hindi ito abot kahit ang dulo ng sapatos ko. Kaya’t si Jax ang inuutusan ko dahil matangkad siya at abot ng paa niya ang kutsilyo. Magkalapit naman kaming dalawa kaya walang hirap sa kaniya ang plano ko.
“Knife?” nagtataka siyang tumingin sa akin. Nagsalubong ang kilay niya at nangunot ang noo.
“Paanong nagkaroon ng kustilyo diyan?” he asked. Hindi ako nakasagot dahil maski ako ay wala ring ideya kung paano ito napunta sa harapan namin. Kanina lang ay wala kaming makitang bagay na pwedeng makatulong sa amin tumakas, kaya’t, nakakapagtaka ang biglaang pagsulpot ng kutsilyo.
“Hindi ko rin alam pero hindi na importante ‘yon!” sigaw ko sa kaniya at paulit-ulit ko nang tinuro ang kutsilyo gamit ang mata ko.
“Well…” tumaas ang kilay ni Jax. “In one condition first.” at mapang-asar niya akong pinagmasdan.
“What?!” ngumiwi ako at hindi ako makapaniwalang napatitig sa kaniya. Ramdam ko na ang apoy na malapit na sa gawi namin. Gusto ba niyang mamatay kami sa kahayupan niya?!
“Nah, I’m just kidding!” tsaka siya nagsimulang mag-panic. Halos hindi na siya magkanda-ugaga kakaabot sa kutsilyo. Pabalik-balik ang tingin ko sa apoy tsaka sa paa niya.
“Hurry!”
“I’m trying!” sumigaw siya ng malakas na parang baliw na nakawala. Makaraan ang halos ilang minuto ay sa wakas naabot na ng paa niya ang kutsilyo. Dali- dali niya itong pinadulas papunta sa kamay niya. Habang hinihintay ko siyang putulin ang tali sa mga pulso niya ay nabaling ang atensyon ko sa gawi ni Basil. Mas lalong nabutas ang puso ko nang makita kong humahagulgol na siya at pilit na tumatakas para lang malapitan si Laina na napapalibutan na ng apoy.
“Jax, si Laina!” napasigaw na ako at tinuro ko si Laina.
“Eto na!” nakita kong nakawala na si Jax at pinadulas niya sa sahig ang kutsilyo papunta sa gawi ko. Inapakan ko ito nang saktong tumapat ito sa akin at dinala ko ito sa kamay ko. Mabuti na lang medyo flexible ang katawan ko at naabot ko ang kutsilyo. Hindi na ako nag sayang pa ng oras at mabilis kong pinutol ang tali sa mga kamay ko. Ramdam kong namumuo na ang pawis sa noo ko at sunod-sunod na itong pumapatak sa pisngi ko.
Dumiretso si Jax sa pwesto ni Laina at tinulungan niya ito. Ngunit, may nahagip ang mata ko. Napahinto ako sa pagkakalas ng tali at pinagmasdan ko ang anino na nakatayo malapit sa poste.
“Guys….” kinuha ko ang atensyon nila.
“What?” napalingon si Jax sa gawi ko at nangunot ang noo niya. Buhat na niya sa Laina na nakasandal ang ulo sa kaniyang dibdib. Si Basil ay tahimik na at mukhang nakahinga ng maluwag dahil ligtas na si Laina sa apoy na malapit nang makasunog sa kaniya kanina. Ang kaniyang mga mata ay mapungay, tila, malapit na siyang mawalan ng malay.
“May ibang tao…” hindi ako siguro dahil baka namamalik-mata lang ako, pero, tinuro ko parin ang pwesto kung saan nakikita ko ang pigura. Sabay-sabay silang napatingin sa gawi nito at katulad ko, naningkit ang kanilang mga mata para pagmasdan kung sino ito.
Noong una ay hindi ito gumagalaw sa pwesto nito. Hanggang sa maya-maya ay umabante ito. Nang maaninag namin ang kaniyang itsura ay pare-parehas kaming natigilan dahil isa siyang normal na tao. Matanda ang kaniyang mukha at kulubot ang katawan. Ang kaniyang damit ay wasak-wasak na para itong nadaanan ng bagyo. Hindi maganda ang kutob ko sa matandang ito.
“H-help me…”
Ang boses niya ay nanghihina at paos. Kita ko ang pag aalinlangan sa mga mata ni Jax kung tutulungan ba niya ang matanda o hindi. Dahan-dahan na napa-atras si Jax habang buhat si Laina, mukhang may napagtanto siya.
“A-ate, I think you need to hurry up.” bakas ang pangamba sa kaniyang mga mata. Napapalunok siya ng ilang ulit.
Ako naman ay hindi agad malaman kung ano ang gagawin. Nanatili ang atensyon ko sa matanda na unti-unti nang lumalapit sa amin. Nakakapagtaka dahil paano nakapasok ang matanda sa loob ng storage kung nakasarado ang pintuan? Saan siya dumaan?
Madaming katanungan ang pumapasok sa utak ko kahit alam kong hindi ito ang importante sa ngayon.
Natigilan kami pare-parehas nang magsimulang umikot ang ulo ng matanda. Para itong isang nauulol na aso dahil nilabas niya ang kaniyang dila at may pumapatak na laway mula rito. Ang pinagkaiba ay kulay berde ang likido nito na may halong pula.
Hindi ko mawari ang totoong kulay sapagkat iba-iba sila ng kulay na nilalabas.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang bumilis ang paglalakad ng matandang lalaki. Hanggang sa maya-maya ay tumatakbo na siya at nag-iiba na siya ng anyo.
Bumaling ang atensyon muli sa akin ni Jax. Butog-butog ang kaniyang pawis at bakas ang takot sa mga mata.
“ATE! RUN! THAT’S A MELOX!”
Binalik ko muli ang atensyon ko sa pagtatanggal ng tali. Narinig kong napasigaw na rin si Basil, mukhang nagising ang diwa dahil sa Melox na papalapit sa gawi ko. Nang lumuwag na ang tali ay nanginginig ko itong tinanggal sa pulso ko at nagmamadaling tumayo para makatakas.
“Jadey! Look out!”
Napalingon ako sa gawi ni Basil nang mapasigaw siya ng malakas. Kita ko ang kaba sa kaniyang mukha. Ngunit, napansin kong sa likuran ko nakatuon ang atensyon niya. Bago ko pa matignan ang nasa likod ko ay bigla na lang itong dumamba sa akin at namalayan ko na lang na nakahiga ako sa sahig, nakapatong sa akin ang Melox.
Bumungad sa akin ang kaniyang nakakakilabot na itsura. Ang kaniyang mata ay halos lumuwa na habang lumuluha ng kulay itim na may halong dugo. Mabaho ang hininga at matutulis ang ngipin. Ibang-iba ang itsura niya ngayon kumpara sa kanina na mukhang ordinaryong tao.
Gumawa ito ng nakakakilabot na tunog na siyang nagpatayo ng mga balahibo sa katawan ko. Gusto nang lumabas ng puso ko sa katawan ko. Pumikit na lang ako ng mariin dahil wala akong laban mula sa kaniya.
Ramdam ko ang kaniyang mukha na unti-unti nang nilalapit sa akin nang biglang gumaan ang pakiramdam ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita kong nakalupasay ang Melox sa sahig. Nabaling ang atensyon ko sa lalaking nakalahad ang kamay sa akin.
“Get up.”
Napalunok ako at tinanggap ko ang kaniyang kamay. Nang matulungan na niya akong makatayo ng maayos ay saktong sumigaw ng malakas ang Melox sa gilid namin at bumalik nanaman siya sa dati niyang sigla. Dinala ako ni Basil sa likuran niya, tila, pinoprotektahan niya ako mula sa Melox na gumagawa ng nakakilabot na tunog na halos magpayanig sa buong lugar.
“Go help Jax with Laina, I’ll handle this.”
Hindi agad ako umalis sa pwesto ko dahil sugatan parin siya hanggang ngayon at delikado para sa kaniya ang gumalaw masyado. Nang bumaling ang mukha niya sa akin ay nangunot ang noo niya.
“Just go!” aniya at tinulak na niya ako palayo sa kaniya.
Kinagat ko ang labi ko. Ayoko siyang iwan ngunit ayokong mag sayang ng oras pa. Sa huli ay sinunod ko na lamang ang utos niya at dumiretso ako sa gawi nila Jax na nahihirapan buhatin si Laina.
“Ang bigat niya!” sigaw ni Jax habang nanginginig ang mga hita.
Hindi ko siya masisisi kung ganiyan ang reaksyon niya kay Laina. Malaking babae si Laina. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan ko siya. Habang buhat si Laina na walang malay at luminga-linga ako sa paligid upang makahanap ng lugar na pwede naming paglabasan. Hindi pwede ang pintuan dahil kandado na ito.
“Ate, saan?”
Hindi ko sinagot si Jax dahil ako ay nawawalan na rin ng ideya. Napa-ubo ako nang sunod-sunod dahil lumakas ang apoy at kumakalat na ito sa buong paligid. Halos maabot na nito ang kisame ng storage. Wala akong hika katulad ni Laina, ngunit, dahil kulong kami sa isang lugar ay nahihirapan na rin ako makahinga.
Mausok na ang paligid at mahapdi na ang mata ko. Halos umikot na ang paningin ko at hindi na kami magkanda-ugaga kung ano ang gagawin. Nawawalan na ako ng option kung ano ang susunod na gagawin dahil nasa kritikal na kondisyon kami.
“Ate?”
Dahan-dahan akong lumingon kay Jax na namumuo na ang pawis sa noo pababa sa kaniyang leeg. Napalunok ako dahil parang may bumabara sa lalamunan ko.
“H-hindi ko na rin alam…” kumislap ang mata ko at nag reflect ito sa kaniya. Bumagsak ang balikat niya, kasabay nito ay ang pag pintig ng malakas ng puso ko.
Pare-parehas na kaming nawawalan ng pag-asa, ideya at gusto nang sumuko. Gustuhin man namin lumaban ay mukhang malabo. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Tila, bumagal ang takbo ng pag-ikot ng mundo ko nang mapagmasdan ko ang nangyayari sa harapan ko.
Habang ang apoy ay naglalaro sa sulok ng storage, ang mga kasama ko naman ay nakikipagsapalaran para sa kanilang buhay. Walang malay si Laina. Si Jax ay wala nang maisip na paraan kung paano makakalusot nang ligtas. Si Basil ay kalaban ang Melox. May kaniya-kaniya silang mundo na ginagalawan. Kaniya-kaniyang laban na hinaharap.
Ramdam ko ang panginginig ng mga palad ko. Marahil sa takot, kaba, at kung ano-ano pang emosyon na naghahalo. Dahan-dahan na bumaba ang tingin ko rito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nandito nanaman ang pakiramdam na hindi totoo ang lahat ng ito. Tila, isang panaginip lang ang mga nangyayari. Biglang sumiklab ang kirot sa ulo ko, kasabay nito ay ang pagsigaw ni Jax.
“ATE! Watch out!”
Napatingin ako kay Jax na nakatingala. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya at nakita kong nasisira na ang parte ng kisame malapit sa gawi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang gumuho ito at pabagsak na sa pwesto ko. Sa sobrang gulat ay hindi ako nakagalaw sa pwesto ko at pinanuod ko lang itong mahulog. Panandaliang huminto ang pagtibok ng puso ko at kung ano-anong senaryo ang naglaro sa utak ko.