Bago pa ito tuluyang bumagsak sa akin ay naramdaman kong may tumulak sa akin. Sa lakas ng pwersa ay nagpagulong-gulong kami sa sahig. Nang tumigil na ay napa-ubo ako nang sunod-sunod at tinignan ko ang lumigtas sa akin. Noong una ay inakala kong si Basil ito dahil parehas sila ng lapad ng dibdib at postura ng katawan. Ngunit, nang mapagtanto kong naka mask ang lalaki, natatakpan ang buong mukha, ay ibang tao pala ang kaharap ko.
“S-sino ka?”
Hindi nagsalita ang lalaki. Sa halip ay tinulungan niya akong makatayo ng maayos. Walang kibo niya akong kinaladkad papalapit kila Jax. Nahuli kong naningkit ang mga mata ni Jax, nagtataka kung sino ang kasama ko.
“Who the heck are you?”
Hindi kumibo ang lalaki na hawak ang kamay ko. Sa halip ay binitawan niya ako at siya ang bumuhat kay Laina. Nabitawan ni Jax si Laina at gulat niyang sinundan ng tingin ang lalaki nang dire-diretso itong pumunta sa sulok ng storage.
“Hey!” sumunod kami sa kaniya. Nakita kong may tinutulak siyang yero na nakasandal sa gilid ng pader. Noong una ay nagtataka kami kung ano ang ginagawa niya. Ngunit, nang makita kong may butas dito ay napagtanto kong ito ang magiging daan namin palabas.
Lumingon sa amin ang lalaki at sinenyasan na mauna na kami. Nagdalawang-isip ako dahil baka isang itong patibong, lalo na’t hindi namin siya kilala. Napalingon ako kay Jax na paulit-ulit na lumulunok, hindi malaman kung ano ang susundin.
“This is the only way to get out of this place.” aniya, ang boses niya ay malalim at parang hinihingal. Kasabay nito ay ang pag guho ng ilang semento. Napapikit ako sa gulat dahil lumikha ito ng malakas na tunog.
“Fvck, I’m going to kill you if this is a trap.” singhal ni Jax sa kaniya at nauna na siyang lumusot sa butas. Inabot ng lalaki si Laina kay Jax na siyang dahan-dahan na binuhat.
“Take my hand.” nilahad ng lalaki ang kaniyang malalaki na kamay sa akin, sinenyasan ako na sumunod na kila Jax.
Napalunok ako at ihahakbang ko na sana ang paa ko nang marinig kong may sumigaw sa likuran namin. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko si Basil. Sabay kaming napatingin ng lalaki sa kaniya at nahuli kong nakahandusay siya sa sahig, habang nakapatong sa kaniya ang Melox na kinakalaban niya kanina.
“Basil!” napasigaw ako at tatakbo na sana ako sa kaniya nang unahan ako ng lalaki.
Napahinto ako sa pwesto ko nang tulungan niya si Basil. May nilabas siyang armas sa gilid ng pants niya at tinutok niya ito sa Melox. Sunod-sunod na bala ang kaniyang pinakawalan sa baril. Gumawa ito ng malakas na tunog na siyang umalingawngaw sa buong paligid. Napasigaw ang Melox, halata ang sakit sa kaniyang tono. Hinarap niya ang lalaki at sumugod siya rito.
Bumuka ang malalaki at maluwang na bibig ng Melox, tila, handa itong lunukin ng buo ang lalaki. Natutop ko ang bibig ko nang malapit na niyang masubo nang buo ang lalaki nang itutok nito ang baril sa dibdib ng Melox. Kasabay nito ay ang pag guho ng mga poste.
“Hurry!” napasigaw na ako at lalapitan ko na sana sila nang may bumagsak na semento sa harapan ko. Mabuti na lang nakalihis ako at tuloy-tuloy akong lumapit sa kanila.
Nahuli kong tinulungan ng lalaki na makatayo ng mabuti si Basil at sinampay niya ang kaniyang braso sa balikat. Paika-ika si Basil maglakad at kita ko ang hirap sa kaniyang mata na gumalaw. Napa-ubo ako dahil mas lumala ang usbong ng usok ng apoy at halos maligo na ako sa sarili kong pawis sa sobrang init.
Lumapit ako sa kanila at tinulungan ko sa kabilang kamay si Basil. Halos mawalan na siya ng malay dahil mapungay na ang mga mata niya at lupasay ang katawan. Hindi ko tuloy maiwasan na maawa sa kaniyang lagay dahil halata ang pagod sa kaniyang itsura. Sa oras na makalabas kami sa lugar na ito ay kailangan na niyang ipahinga muna ang sarili. Nasagad na ang kaniyang enerhiya.
“This way.” sambit ng lalaki at inalalayan niya si Basil na pumunta sa may butas na pinaglusutan nila Jax kanina. Halos manikip na ang dibdib ko dahil kumakapal na ang usok at malapit nang masira ang buong gusali. Ramdam ko ang pamumula ng mata ko at ang luhang pumapatak mula rito.
“We’re almost there.” narinig kong saad ng lalaki. Tumango ako at nagpatuloy lang sa paglalakad nang biglang gumuho ang kisame sa tapat namin at bumagsak ang pira-pirasong bubong malapit sa amin. Muntikan na akong mabagsakan kung hindi lang agad ako hinatak ng lalaki at kumabila kami ng ruta.
“ATE!”
Nakita ko si Jax na inaaya kami makarating sa pwesto niya. Nahihirapan na kami dahil tuluyan nang nawalan ng malay si Basil. Nang makalapit na kami sa pader na may butas ay si Basil ang una naming pinadaan dito. Tulong-tulong kami nila Jax na ilusot siya sa loob. Nasa kabilang dulo ang kambal ko at siya ang humahatak kay Basil sa kabilang parte ng pader.
Sumunod ang lalaki dahil siya ang nakahawak sa paanan ni Basil. Nang tuluyan na silang makalusot ay susunod na sana ako nang maramdaman kong may pumalupot sa sakong ko. Sa bilis ng pangyayari ay natumba ako sa sahig at unti-unti na ako nitong hinihila palayo sa gawi nila Basil. Napahiyaw ako ng malakas at sa tunog na ginawa ko ay nabaling ang atensyon nila sa akin.
Narinig kong napasigaw si Jax at tinawag niya ako. Kung saan-saan ako kumakapit, ngunit, malakas ang humahatak sa akin. Napalingon ako rito at nanlaki ang mata ko nang matagpuan kong buhay parin ang Melox na binaril ng lalaki kanina. Buong akala ko ay patay na ito!
Parang laste sa haba ng kamay ng Melox na nakapalupot sa paa ko. Sinubukan ko itong sipain, ngunit, parang wala lang sa kaniyang ang sakit. Patuloy ito sa pagkaladkad sa akin habang gumagawa siya ng kakaibang tunog. Para siyang uhaw at gutom. Halos maiyak na ako sa takot dahil malapit na niya akong maabot. Halos mapaos na ako kakasigaw nang tumusok ang kaniyang kuko sa balat ko at bumaon ito.
“H-h-h…e.!”
May sinasabi ang Melox pero hindi ko ito maintindihan. Dahil ang paraan nang pananalita niya ay parang naputulan ng dila. Binuka niya ang kaniyang maluwang na bibig. Tumaas-baba ang dibdib ko dahil bumilis ang t***k ng puso ko. Pinikit ko ang mga mata ko at kasabay nito ay may narinig akong malakas na putok ng baril na siyang nagpa ring ng ear drums ko.
Naramdaman kong may humatak sa akin patayo. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at bumungad sa akin ang kulay karagatan. Para itong hampas ng alon na bumubulong sa akin at humahaplos ang kakaibang atmospera nito. Biglang naglaho ang mga bagay sa paligid namin at tanging siya lang ang nakikita ng mga mata ko.
“You’re safe now.” kahit hindi ko nakikita ang kaniyang mukha, alam kong nakangiti siya ng malumanay sa akin dahil ang tono niya ay parang niyayakap ang puso ko.
Bumaba ang kaniyang kamay at hinuli niya ang pulso ko. Namalayan ko na lang na hatak na niya ako palayo. Napalingon ako sa Melox na unti-unti nang naglalaho. Napunta ang atensyon ko sa kisame dahil bigla itong gumuho at bumagsak sa Melox.
“We’re almost there.”
Binalik ko ang tingin ko sa lalaki. Kita ko sa gilid ng mata ko na gumuguho na ang mga yero at parte ng storage. Tinakpan ko ang ulo ko sakaling maambunan ako ng pira-pirasong semento. Naaninag ko si Jax na inaabangan kami. Nakalahad ang kaniyang kamay at paulit-ulit kaming sinenyasan na bilisan namin dahil malapit nang masira ang buong gusali.
“Hurry!”
Kaunti na lang ay malapit na kami. Tinaas ko na rin ang kamay ko para maabot ko ang kamay ng kambal ko nang biglang yumanig ang paligid. Wala sa sariling napatingala ako at nakita kong nasira ang bakal na sumusuporta sa yero. Kasabay nito ay ang pagbagsak nito sa akin.
Dumilim ang paningin ko at ang boses ng kambal ko ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.
“They are not one of them!”
“How can you be so sure of that?!”
“Let’s kill them!”
“They are good for nothing trespassers!”
Parang may bumubulong sa tenga ko dahil sunod-sunod na malalabong boses ang naririnig ko. Unti-unti ay dinilat ko ang mga mata ko. Maliwanag ang paligid at hindi pa nakakapag-adjust ang paningin ko kaya’t pumikit ako muli at hinilot ko ang ulo ko dahil kumirot ito. Nasaan ako? Bakit malamig ang hinihigaan ko?
Ramdam ko ang kabigatan ng katawan ko, tila, may nakapatong sa akin. Sinubukan kong igalaw ang mga hita ko, ngunit, para itong namamanhid. Kinusot ko ang mga mata ko at dinilat ko na ang mga talukap ko. Una kong tinignan ay ang katawan ko at napanganga ako sa gulat dahil nakapatong sa akin ang kapatid ko na si Jax.
“J-jax?” tumingin ako sa lugar na pinagtuluyan namin at panandaliang huminto ang pag t***k ng puso ko sa dami ng mga taong nakapaligid sa amin.
Napalunok ako at ramdam ko ang kaba na umiikot sa damdamin ko. Kahit saang parte ata ng lugar ko ituon ang mata ko ay may tao. Nanginginig kong inalog ang balikat ni Jax upang gisingin siya. Hindi ko alam kung nasaan kami at sino silang lahat, pero, iisang bagay lang ang nasa isip ko ngayon.
Kailangan namin makatakas.
“Jax, gising!” paulit-ulit kong ginalaw ang kaniyang katawan. Nakakapagtaka dahil hindi kami nakatali ngayon, ngunit, kahit na dahil marami sila kumpara sa amin. Para na rin kaming nakagapos at walang malulusotan.
“W-what?” dahan-dahan ay dinilat na niya ang mata niya at lumibot ang paningin niya sa paligid. Katulad ko ay nagulat siya at bigla siyang napatayo ng tuwid. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay niya, bakas ang pagtataka sa mga mata.
“Nasaan tayo?” aniya, ang boses niya ay paos, tila, ilang araw na siyang hindi nakakainom ng tubig.
Napalunok ako at hindi ko rin alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Nasa iisang lumang gusali nanaman kami, ngunit, sa pagkakataong ito ay mas malawak at malinis tignan kumpara sa kanina na madumi, mabaho at malapit nang bumigay. Nabaling ang atensyon ko sa lalaki na nakikipagtalo sa gitna. Ang kaniyang pigura ay pamilyar. Akala ko ay si Basil ito noong una dahil sa postura ng katawan at laki nang bumaling ang mukha niya sa akin.
Natigilan ako at natulala ako sa kaniyang mukha. Ramdam ko ang panlalamig ng tuhod ko at bigla akong hindi makagalaw sa mismong pwesto ko. Para akong nahipnotismo ng kaniyang mga mata. Ang lalaking tumulong sa amin kanina ay wala nang suot na mask, at ngayon ay kitang-kita ko taglay niyang kagwapuhan.