May kahabaan ang kaniyang buhok, mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, malaki ang pigura ng katawan, bakat na bakat ang mga muscles at ugat. Ito ang mga katangian niya na unang napansin ko. Ngunit, ang mas naka-agaw ng atensyon ko ay ang scar malapit sa kaniyang labi. Hugis kidlat ang peklat na nakaukit sa gilid.
“Well, well, they are now awake.”
Natauhan ako at bumalik ako sa realidad nang mabaling ang atensyon nila sa amin ni Jax. Ngumisi ang lalaki na siyang nag-iwan kanina sa amin sa storage. Nakangiti siya ng mala-demonyo sa amin, tila, natutuwa siya sa aming presensya.
Bumaling ang tingin ko sa mga lalaking nakapalibot sa amin. Nalulula ako sa dami nila. Para akong kinakapos ng hininga.
“Where’s Basil and Laina?!”
Napalingon ako kay Jax nang sumigaw siya. Ngayon ko lang napagtanto na kaming dalawa lang ni Jax ang nandito at wala ang dalawa. Umusbong ang pag-aalala sa dibdib ko at napasigaw na rin ako.
“Where did you take them?!”
Hindi ko alam kung paano nila kami nadala rito at kung ano ang totoong nangyari matapos gumuho ng gusali. Ang huling pagkakaalala ko lang ay malapit na kaming mabagsakan ng kisame. Hindi ko alam kung paano kami naka-survive. Marami akong tanong, ngunit, hindi na muna importante ‘yon sa ngayon.
Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip ay nilagay lang niya ang magkabila niyang kamay sa likuran niya at dahan-dahan na naglakad papalapit sa amin. Parang senyales ito na manahimik ang mga alipores niya dahil bigla silang nagsi-tuwid ng tayo at mga nakataas ang noo. Ang mga nasa unahan ay may hawak ng itak, at ang mga nasa likuran nito ay may mga hawak na armas.
Dahan-dahan na nabaling ang tingin ko sa lalaki na naglalakad papalapit sa amin. Kasabay nang kaniyang pag hakbang ang pag bilis ng t***k ng puso ko sa halo-halong emosyon.
Walang nagsalita at gumawa ng tunog. Nang huminto ang lalaki sa tapat namin ay yumuko siya. Nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko dahil sobrang nakakakilabot ang kaniyang mata na hindi na niya naigagalaw. Parang ilang minuto lang ay luluwa na ito sa socket niya. Humugot siya ng malalim na hininga at binuga niya ito sa mga mukha namin. Halos bumaligtad ang sikmura ko sa masang-sang na amoy.
Kinagat ko ang dila ko at tiniis ko ang amoy.
“Congratulations. You survived.”
‘Yan ang mga salitang umalingawngaw sa paligid matapos ang ilang minutong katahimikan na namayani sa buong silid. Napalunok ako at hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Rinig na rinig ko ang t***k ng puso ko. Kita ko sa gilid ng mata ko ang kapatid ko na hindi rin makagalaw, ngunit, nakatiim ang bagang at seryoso ang ekspresyon ng mukha. Gusto ko siyang hawakan at yakapin pero para kaming nakakulong at nakatali sa ilalim ng mga mapag-akusa nilang tingin.
“However, by helping you to escape is not required.” lumingon siya sa lalaking tumulong sa amin na makatakas. Nabaling ang tingin ko rito at nagsalubong ang tingin namin.
“Range, I told you they are-”
“ENOUGH!”
Pare-parehas kaming nanigas sa pwesto namin nang dumagundong sa buong silid ang malakas at nakakapangilabot na boses na nagngangalang Range. Parang isang kidlat ito na nagpayanig sa buong paligid. Pare-parehas na napayuko ang mga alipores niya sa likuran niya, tila, handang lumuhod para sa kaniya.
“Last time we broke our rules for them, disaster happened! We lost our friends! Our tribe! O-our…” saglit siyang natulala sa kawalan bago niya ituloy ang nais ipahiwatig.
“Our family…”
Parang may dumaan na anghel sa nakakabinging katahimikan. Maski ang lalaking tumulong sa amin kanina na pumoprotesta lang kay Range ay napayuko at hindi na nag-abala pang kumibo. Nakakataranta ang kaniyang presensya. Pakiramdam mo ay kailangan mong sundin ang bawat utos niya.
Kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya, at ang pagkuyom ng mga kamao niya. Halata ang pagpipigil niya lang ng galit. Dahan-dahan siyang humarap sa aming dalawa ni Jax.
“And I wouldn’t let that happen again.”
Saktong biglang bumukas ang pintuan sa gilid namim. Sabay-sabay kaming nagbato ng tingin dito at nanlaki ang mga mata ko nang matagpuan kong buhat ng mga alipores ni Range sila Basil at Laina. Parehas silang walang malay. Basta na lang nila itong binato sa gitna na parang mga basura lang na kanilang napulot. Napasigaw ako at bigla akong napabalikwas ng tayo nang maramdaman kong may tumusok na matulis na bagay sa tagiliran ko.
Napalunok ako nang makita kong nakapalibot ang apat na lalaki sa amin ni Jax. May mga hawak silang matutulis na itak. Subukan ko mang tumakas ay maaabot ako ng mga armas nila.
“Let them go!” nanggagalaiting sigaw ni Jax. Sinubukan niyang umabante para puntahan sila, ngunit, pinigilan ko siya sa kaniyang kamay. Umiling ako sa kaniya, pinapahiwatig na delikado ang kaniyang binabalak.
Napabuntong-hininga siya at binawi ang kaniyang kamay mula sa akin. Halata ang inis sa kaniyang mukha. Binalik ko ang atensyon ko kila Basil at may mga armas na nakatutok sa kanila. Gustuhin ko mang tumakbo papalapit sa kanila, ngunit, alam kong isang maling galaw ay mas lalong mauuwi sa disgrasya ang sitwasyon namin. Wala kaming ibang pwedeng gawin ngayon kundi sumunod na lang sa nais nila.
“Huh, you’re lucky we didn’t kill them.” hasik ni Range at pinagmasdan niya ang dalawa na nakahandusay sa sahig. Napasigaw ako nang apakan niya ang sikmura ni Basil. Padiin nang padiin hanggang sa bigla itong nagkaroon ng malay at napabalikwas ng bangon, ngunit, natigilan siya nang bumungad sa kaniya ang baril na nakatutok sa noo.
Halata ang pagtataka sa kaniyang mga mata. Kung nasaan ba siya, sino ang nasa harapan niya at paano kami napunta rito. Nangangati na ang mga paa ko na lapitan sila.
“You should be thankful we save your lives.” makahulugang saad ni Range.
Tumaas-baba ang dibdib ni Basil. “Who the f*ck are you?! Where are we?!” biglang nabaling ang atensyon niya kay Laina. Nanlaki ang mga mata niya at lalapitan niya sana ang girlfriend nang pigilan siya ng mga naka-aligid na lalaki sa kanila. Abot kamay na lang niya ang babaeng mahal niya, pinag-kait pa sa kaniya ng mga hayop na ‘to.
Hindi sinagot ni Range ang tanong ni Basil. Sapagkat ay nanatili lang ang isa niyang mata sa kanila. Nakangiwi siya, tila, nandidire sa aming presensya. Halata sa mga mata niya ang matinding galit dahil halos mag-apoy na ito. Umigting ang kaniyang panga at pinilit niya ang sarili na makatayo. Gusto ko siyang pigilan dahil baka mapano siya. Ngunit, nagtaka ako dahil nagawa niyang tumayo ng tuwid, hindi katulad nang kanina na halos gumapang na lang siya. Maski si Basil ay natigilan at napatingin sa kaniyang mga kamay.
“W-what happened to me? Why do I feel-”
“You’re strong and fine?” nagpakawala ng mala-demonyong ngiti si Range at umiling-iling siya, tila, nakakatuwa ang kamang-mangan namin.
Nagkatinginan kami ni Jax. Bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha. Patagal nang patagal ay mas marami kaming nadidiskubre sa lugar na ito. Naalala ko ang babala na sinabi ng aming lolo sa amin. Ang lugar na ito ay hindi ordinaryo at maraming misteryo na kailangan maresolba.
Sa mga Melox lang na nakakasalamuha namin ay halos magkaka-iba silang lahat. Iba-ibang itsura. May malaking Melox, may maliit, may abnormal. Iba’t-ibang klase rin ng Bevils, Class 0, Class 2 at Class 1. Wala pa kaming nakakasalamuhang Class 4 at 3. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko nang maalala ko ang Class 3 at 4. Hindi ko alam kung bakit parang mas delikado silang mabangga.
“We used something on you, something science can’t explain.”
“Range-”
Bago pa man matapos ng lalaki kanina na tumulong sa amin ang balak sabihin ay sinuntok siya sa panga. Napa-atras siya sa gulat at pinatahimik siya ng mga alipores ni Range. Natutop ko ang bibig ko sa gulat. Hindi ko sila maintindihan kung kasama ba nila ang lalaking ito o hindi.
“You need to shut up, Keane.” hasik ni Range at sinenyasan niya ang mga kasamahan niya. Tumango ang mga ito at pinadapa nila si Keane. Napangiwi ako nang ipatong nila ang kanilang paa sa likuran niya at hinawakan nila ang kaniyang buhok para i-angat ang mukha nito.
Sobrang rahas nila kaya’t hindi ko rin malaman kung paano kami makakagawa ng paraan kung paano makakalusot sa kanila. Ngunit, malabo na ‘yon dahil napapalibutan nila kami. Kahit iisa lang ang mata ni Range, para itong isang magnet na sa oras dumikit sa’yo, mahirap na tanggalin.
“Kung may gustong umepal pa sa inyo, step up.”
Katahimikan. Luminga-linga ako sa paligid. Lahat sila ay nakayuko at mga takot. Nabalik ang atensyon ko kay Keane na hirap sa kaniyang pwesto. Hindi ko na masikmuraan ang nangyayari. Masyado na siyang mapang-abuso. Namalayan ko na lang na nakawala ako sa mga alipores niya at tumatakbo ako papalapit sa gawi nila.
“ATE! No!”
Ngunit, hindi ko siya pinakinggan. Biglang umatake ang adrenaline ko at hindi na nagtugma ang dibdib at isip ko. Mabilis ang t***k ng puso ko, parang nakikipag karera sa mga kabayo.
Biglang bumagal ang oras nang magtagpo ang mata namin ni Range. Dahan-dahan niyang hinarap ang katawan niya sa akin at kasabay nito ay may dinukot siya sa bulsa niya. Narinig ko ang malakas na sigaw ng kapatid ko at ang pagpupumiglas niya para lang makalapit sa akin. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at dumausdos ako sa sahig nang makahinto na ako sa harapan ni Range.
Yumuko ako, sa puntong sumasalat na ang noo ko sa sahig. Biglang umapaw ang emosyon na kinikimkim ko. Ramdam ko ang pag-agos ng luha ko na parang lawa. Pumapatak ito nang sunod-sunod sa sahig kasabay ang pagyanig ng mga balikat ko.
“Please! I’m begging you! Don’t hurt them! We’re not as evil as you think! We don’t know anything about this place! We were just here to have a vacation because our grand father lives here but we found him dead! And now, we are trying to survive and leave this place! We want to…” napalunok ako dahil hindi na ako makahinga masyado sa kakaiyak. Nag-angat ako ng mukha sa kaniya. Muntikan na akong maihi sa takot dahil nakatapat sa mismong noo ko ang nguso ng baril. Isang kalabit na lang ay maaari niyang mapasabog ang ulo ko.
“We want to live. Please, spare our lives.” pinagdikit ko ang mga palad ko. “We’re begging you! Just let them live. You can take me if you want!”
“NO!” narinig kong nag protesta ang kapatid ko. Ayokong lumingon dahil baka mas lalong madurog ang puso ko.
“Please…just let them live. Especially Laina,” napalunok ako. I’m running out of ideas.
“S-she's… pregnant.”