Chapter 39: Meaning

1825 Words
Natahimik si Jax sa likuran ko. Si Basil ay kumunot ang noo at hindi makapaniwalang napatitig sa akin, tila, tinubuan ako ng limang ulo. Hindi ko na rin alam kung bakit ito ang nasabi ko, sapagkat, wala na akong maisip pang dahilan. Nakita kong pare-parehas silang natigilan sa pinakawalan kong salita, bukod kay Range na walang emosyon ang ekspresyon. Nakakabinging katahimikan ang namayani. Sunod-sunod na paglunok ng laway ang ginawa ko dahil inaabangan ko ang magiging reaksyon niya. Makalipas ang ilang minuto ay walang nangyari. Nanatili parin ang kaniyang atensyon sa akin. Nanlaki ang mata ko nang galawin niya ang gatilyo ng baril. Napapikit ako ng madiin at kasabay nito ay ang malakas na sigaw ng kapatid ko. Naghintay ako ng putok, ngunit, walang kakaibang nangyari. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko. Hindi ko namalayan kinakapos na pala ako ng hininga at parang may tumatambol sa puso ko sa sobrang bilis ng tinitibok nito. “Gotcha.” humalakhak siya at binitawan niya ang baril na walang bala. Bumagsak ito sa harapan ko. Natulala ako habang pinagmamasdan ito. Naramdaman ko ang kaniyang hininga malapit sa punong tenga ko. Nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko nang magpakawala siya ng salita. “I know she’s not pregnant. I’m not a fool.” Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita ko ang sarili ko na tumilapon sa sahig. Sunod-sunod na mura ang narinig ko. Ramdam kong nahihilo na ako at umiikot ang paningin ko. Sinubukan kong bumangon, ngunit, napangiwi ako sa sakit. Napalingon ako sa braso ko na duguan at hindi ko na halos maigalaw. Malabo na ang boses na naririnig ko sa paligid ko. Napaubo ako at pinilit kong bumangon, pero, natigilan ako nang makakita ako ng dalawang pares ng sapatos sa harapan ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha kay Range na kumislap ang mata nang tumama ito sa liwanag. Sinakal niya ako at unti-unti akong inangat hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sahig. Maluha-luha ako habang nagpupumiglas sa kaniya. Pero wala siyang awa. Para siyang nasisiyahan habang pinapanuod akong magluksa at hindi makahinga. Halos bumaon na ang kuko ko sa kaniyang kamay pero parang wala lang sa kaniya ang sakit. Parang hindi siya nasasaktan. “Don’t lie to me, you ant.” aniya, tila, kayang-kaya niya akong dapurakin. “We helped your friend here. We gave her the proper medication she needed, and you expect us to believe in your petty lies?” Dinuraan niya ako at tumalsik ito sa aking mukha. Napapikit ako ng mariin kasabay nito ay ang pagdikit ng kamao niya sa mukha ko. Umikot muli ang paningin ko at halos mamanhid na ang ilong ko. Sunod-sunod ang pagpapaulan niya ng suntok sa akin. “STOP!” Bumagsak ako sa sahig at parang lantay gulay akong napahiga rito. Wala na akong lakas pa para idilat ang mga mata ko at panuorin kung ano na ang mga nangyayari. Alam kong nagkakagulo na ang paligid dahil sa ingay. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at dahan-dahan akong binuhat. May humaplos sa pisngi ko, ngunit, iniwas ko ito dahil kumirot. Sinubukan kong idilat ang mata ko at natagpuan ko isang pamilyar na lalaki na nakababa ang tingin sa akin. Hindi ko siya maaninag nang mabuti dahil nanlalabo ang paningin ko, ngunit, sa kaniyang silhouette ay medyo nakikilala ko siya. “B-basil?” Hindi siya nagsalita. Sa halip ay humarap siya kay Range. Sinubukan kong ilibot ang paningon ko pero hilong-hilo na ako at bumibigat na ang mga talukap ng mata ko. Hanggang sa hindi ko na kinaya ay tuluyan na akong hinatak ng dilim. “Ate, psst! Ate!” May umaalog sa aking katawan dahilan kaya’t naalimpungatan ako. Bumangon ako at sinandal ko ang likuran ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mga talukap ng mata ko at nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Malabo pa sa aking mata kung nasaan kami kaya kinusot-kusot ko ito habang humihikab. “Nasaan tayo?” Binatukan niya ako ng malakas na siyang nagpagising sa diwa ko. Nanlaki ang mga mata ko at nawalan ako ng balanse. Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ko at paulit-ulit ko siyang sinumpa. Nang mabalik na ako sa wisyo ko ay bumangon ako at sinamaan ko siya ng tingin habang naka-amba ang kamao ko. “Ano ba ang problema mo-” ngunit, napahinto ako at dahan-dahan na nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bumungad sa akin. Napa-awang ang labi ko at hindi ko alam kung saan napunta ang dila ko. Para akong naputulan at ramdam ko ang pagbilis ng ritmo ng puso ko. Nagsalubong ang kaniyang kilay, nagtataka kung bakit nag-iba ang reaksyon ko. “What’s the matter with you? Para kang nakakita ng multo.” aniya at ngumiwi siya, tila, nandidire sa akin. Pero wala akong pakielam kahit husgahan pa niya ako nang paulit-ulit. Napa-iling ako at napa-atras ako habang tumitingin-tingin sa paligid. Hindi maaari. Hindi makatotohanan ang nakikita ko ngayon. Paano nangyari ito? Paano ako nakarating dito? Ilang araw na ba akong tulog? “Ate? Ano bang problema? May sakit ka ba?” tumayo siya ng tuwid at lumapti sa akin. Umatras naman ako at tinaas ko ang kamay ko, sinesenyasan siya na huminto sa pwesto niya. Ayaw ma-proseso ng utak ko ang kaguluhan na nagaganap ngayon. This is too much for me to take. “B-bakit nandito ako?” halos magkabuhol-buhol na ang dila ko sa pagka-utal ko. Alam kong nag-aalala siya para sa akin dahil nakalahad ang kaniyang kamay at gusto akong yakapin upang pakalmahin. Bigla akong inatake ng nostalhik habang nakasamid sa buong lugar. Marami akong ala-ala sa lugar. Ito ang nakasaksi sa paglaki ko. Ang silid na ito ang nakatuklas ng kahinaan ko, napanuod na akong maglupasay sa pag-iyak, makisabay sa ritmo ng kanta, gumawa ng sariling kasaysayan. Lahat ng ito ay bumababalik sa akin, sa puntong sumasakit na ang ulo ko. “Ate, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa’yo.” maski siya ay naguguluhan na rin. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Malinis, walang bakas ng dugo, dumi at paghihirap na aming dinanas. Para siyang isang ordinaryong teenager lang na puro walwal at kalokohan ang pinapairal. “Ano ba ang problema? Eh, kwarto mo naman ‘to.” aniya at sinubukan niya akong hawakan pero tinabig ko ang kamay niya. “Panaginip lang ito.” napahawak ako sa ulo ko at sinabunutan ko ang sarili ko. This must be a dream! Imposibleng makarating agad ako sa amin na parang walang deyablong gusto kaming patayin! Hindi ko maalala kung ano ang huling nangyari sa Death Urban, pero isa lang ang masisiguro ko. Hindi ito totoo. “ATE!” lumapit siya sa akin at pinigilan niya akong saktan ang sarili ko. Inipit niya ang mga kamay ko sa likuran ko at paulit-ulit siyang bumulong sa punong tenga ko. Pinikit ko ang mga mata ko dahil ayokong pakinggan ang boses niya. Ilang beses kong tinatak sa utak ko na hindi siya totoo. “This is all real, I can assure you that.” No. It’s not. You’re not real. This shouldn’t happen. Hindi pa kami nakakauwi. “Open your eyes, ate.” Hindi pa namin nareresolba ang mga misteryo sa Death Urban. “Trust me.” Hindi ko pa nalalaman kung sino ang pumatay kay Lolo. Kung paano kami nakulong sa Death Urban, kung saan nanggaling ang mga shape shifters, at kung paano ako napunta sa bahay namin! Maya-maya ay huminto siya sa pagbulong sa tenga ko. Pinakiramdaman ko siya. Nakakapagtaka dahil parang nawala ang presensya niya sa tabi ko. Kinakabahan man ay sinubukan kong idilat ang mata ko. Natigilan ako dahil wala na ang kapatid ko sa kwarto. Napatayo ako ng tuwid kasabay nito ay ang pagtibok ng mabilis ng puso ko. Napalunok ako at sinubukan kong ilibot ang paningin ko. Bawat sulok ay sinuri ko. Sobrang nakakabinge ang katahimikan. Kinakabahan ako sa hindi malamang rason. Alam kong panaginip ito, ngunit, bakit parang kontrolado ko? Lucid dream? No, it’s more than that. “You’re so naive.” Muntikan na akong mapatalon sa gulat nang may nagsalita sa gilid ko. Napalingon ako rito pero wala namang tao. Pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ang mukha ko at bumuhos ito lahat pababa sa sahig. Hindi ko namalayan may bumabara na pala sa lalamunan ko at hindi na ako makahinga ng maayos. Napa-atras ako habang tumitingin sa paligid. “Who are you?!” lakas loob kong tanong kahit namumuo na ang pawis sa noo ko at ang takot sa puso ko. Katahimikan. Mas natatakot ako sa nakakabinging katahimikan na bumabalot sa buong paligid. Iba na ang atmosperang nararamdaman ko sa lugar. May naririnig akong boses sa likuran ng ulo ko. Iba ang tono. Pamilyar sa aking tenga pero hindi ito nanggagaling sa kapatid ko. “Show yourself! Stop playing with my head!” sinubukan kong suntukin ang ulo ko para magising na ako, ngunit, nasaktan lang ako. Napangiwi ako sa sakit. Umalingawngaw sa buong paligid ang nakakakilabot na tawa. Napadilat ako at halos atakihin ako sa puso nang bumungad sa akin ang mukha ni Kadr. Nakangiti siya ng mala-demonyo sa akin at nakamulagat ang mga mata niya, parang hinihigop ako. Napasigaw ako, sumasabay sa kaniyang nakakarinding halakhak. Pinikit ko ang mata ko at paulit-ulit akong nanalangin. Hindi ito totoo. Hindi siya totoo! “You need to wake up, Jadey!” narinig kong sigaw niya sa aking tenga at sunod-sunod na tawa ang pinakawalan niya. Halos marindi na ang tenga ko. Sumigaw ako ng malakas at pinagsusuntok ko siya kahit tumatama lang ito sa ere. Wala na akong pake kung nagmumukha akong tanga. Ayoko na siyang makita pa! Akala ko ba ay patay na siya?! Bakit palagi siyang nagpapakita sa panaginip ko?! Please! Maaawa na kayo sa akin! Ako ang masisiraan ng ulo dahil sa inyo! Tigilan niyo na ako! Alam kong naririnig niya ang sinisigaw ng utak ko dahil patuloy parin siya sa mala-halimaw niyang tawa. Umabot ito ng halos sampong minuto bago siya tumigil. Hinihingal ako nang maglakas loob kong dinilat ang mata ko. Kumunot ang noo ko at napalinga ako sa paligid. Biglang bumalik sa normal ang kwarto ko. Wala si Kadr. “How…” umabante ako para hanapin siya. Kahit ang anino niya ay wala akong nakita. Kinurot ko ang sarili ko, nagpapa-baka sakaling magising na ako sa bangungot na ito. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ako magising-gising. “Ate.” Na-estatwa ako sa pwesto ko nang marinig ko ang boses ni Jax. Dahan-dahan kong binaling ang atensyon ko sa kaniya. Muntikan na akong mapaluhod dahil biglang nanghina ang mga tuhod ko nang makita ko ang kaniyang itsura. “A-ate…t-tulong…” Pulang likido, sira-sira ang damit, at may kutilsyo na nakatusok sa kaniyang katawan. Napasigaw ako ng malakas sa takot at kilabot. Bumaligtad ang sikmura ko. Please, tama na. Sobra na! Biglang natunaw ang katawan niya at unti-unti ay nagbago ang anyo niya. Napatingala ako nang bigla siyang tumangkad hanggang sa naging pamilyar na sa akin ang itsura niya. “Menken.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD