Chapter 40: Haven

1806 Words
Ngumisi siya sa akin at pinakita ang matutulis niyang kuko. Sa halip na magtagao, tumakbo at iligtas ang sarili ay nagawa ko na lang ipikit ang mata ko at tinanggap ang gagawin niya sa akin. Napapagod na ako. Gusto ko na lang matapos ito lahat. Naramdaman ko ang presensya niya na malapit sa akin. Kinuyom ko ang kamao ko at kinagat ko ang dila ko para pigilan ang sarili na manginig sa takot. Umalingasaw ang kaniyang amoy sa ilong ko. Naghintay ako ng ilang minuto, ngunit, walang nangyaring kakaiba. Naramdaman ko lang ang kamay niya na humaplos sa ulo ko. “Let go.” Dinilat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang dalawang pares na kulay asul na mata. Nagsalubong ang kilay ko at nagtaka ako kung paano siya napunta sa harapan ko. Napatingin-tingin ako sa paligid. Nasa storage parin kami at nagkakagulo ang mga tao. “A-ano ang nangyayari?” tanong ko kay Keane. Litong-lito parin ako kung paano ako napunta rito. Ibig sabihin ay tama lang ang hinala ko na panaginip ang nakita ko kanina? “I’m here to help you escape this place.” aniya. Nagsalubong ang kilay ko. Sinubukan kong gumalaw, ngunit, natigilan ako dahil buhat niya pala ako. Sinubukan kong mag pumiglas pero hindi niya ako binitawan, kasabay din nito ay ang pag kirot ng mga muscles ko. Para isang hampas ng alon nang sunod-sunod kong naalala ang kaganapan dito. Range was about to kill me when Keane stop him. Buong akala ko ay si Basil ang kausap ko kanina bago ako mawalan ng malay. Tinignan ko ang pwesto nila Jax, Basil at Laina at nakita kong nasa dating pwesto parin sila. Napapalibutan sila ng mga alipores ni Range. Tanging ako lang ang hawak ni Keane habang umaatras siya palayo kay Range na nanlilisik ang tingin sa kaniya. “Put her down and give her to me, Keane.” “No! I won’t let you touch her, Range.” bawat salitang binitawan ni Keane ay may diin. “You’re being stubborn Keane!” halos mayanig ang buong paligid sa lakas ng sigaw ni Range. Ang mga alagad niya ay natahimik, ngunit, nanatili sa gilid nila Jax. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Jax. Alam kong gusto niya akong lapitan, pero, parehas kaming mapapahamak kapag gumalaw siya. Maski si Basil ay hindi alam kung ano ang gagawin. Marami sila. Wala na kaming kawala pa. “No! You’re the one who is hard headed here Range! They are not what you think they are! Not all people you meet are the same!” Halos mabingi na ako sa sigawan nilang dalawa. Rinig ko ang bilis ng t***k ng puso ni Keane dahil nakasandal ako sa malapad niyang dibdib. Tiningala ko siya at kita ko ang determinasyon sa mga mataa niya. Nakakapagtaka dahil bakit pinagtatanggol niya kami mula sa sarili niyang kasamahan? Bakit niya sinasakripisyo niya ang sarili para lang sa amin? Ito lang ang unang pagkakataon na nakita ko siya. Hindi ko naman siya siguro nakilala sa past life ko? Napasigaw ako sa gulat nang biglang may nagpaputok ng baril. Napalingon ako kay Range na may hawak na SG. Nakatutok ito sa aming dalawa. Humigpit ang hawak sa akin ni Keane at tinagilid niya ang kaniyang katawan, sakaling magpaputok si Range ay siya ang matatamaan. “You told me that once Keane, and look what happened?! I took your advice and now everything is gone! I lost my parents!” just like his name, he was in deep emotion that made him explode in range. “R-range…” Keane was speechless. Tinaas niya ang kamay niya upang abutin si Range pero sarado na ang puso at isip niya. Mas pinangungunahan na siya ng kaniyang galit. Kinasa niya ang baril at tinutok ito sa amin. “You’ve been a nice nephew Keane, but you need to shut up along with your girl here.” nabaling ang atensyon niya sa akin. Napalunok ako at pinikit ko na lang ang mata ko dahil pinuwesto na niya ang kaniyang daliri sa gatilyo ng baril. Naramdaman ko ang kamay ni Keane na pumalupot sa braso ko at tinakpan ako gamit ang kaniyang katawan. Lumipas ang ilang minuto at walang nangyari. Inaasahan kong babagsak si Keane pero nanatili siyang nakatayo. Rinig na rinig ko ang pagtambol ng puso niya na sumasabay sa ritmo ng akin. “Are you looking for this?!” Dinilat ko ang mata ko at nagtataka akong napalingon kay Jax na hawak ang locket na napulot namin dati. Kumunot ang noo ko, nagtataka kung bakit pinapakita niya ito kay Range. What is he doing? Parang estatwa si Range sa kaniyang pwesto dahil tulala siya at nanlalaki ang mga mata, tila, nakakita siya ng kaluluwa na dumaan. Ang mga mata niya ay nakatuon sa kapatid ko na taas ang noo, parang walang kinatatakutan. “W-where did you get that?” Hindi ko na maintindihan kung ano ang nangayayari. Nautal si Range na siyang nagpabigla sa karamihan, maski sa akin. Dahan-dahan siyang nagtungo sa pwesto ni Jax. Gumalaw ako dahil baka may gawin siya sa kambal ko nang pigilan ako ni Keane. I looked at him and he signaled me to stay quiet. What is going on? “You want this?” ginalaw-galaw ni Jax ang locket na hawak, tila, nang-aasar. Ako naman ay sinusundan lang siya ng tingin. What is he doing with the locket? Ano ang meron dito at ganiyan kabod ang reaksyon ni Range? Hindi nakapagsalita si Range. Sapagkat ay para itong nanghihinang napaluhod sa harapan ni Jax. Marami ang napasinghap sa gulat at dismaya. Hindi ko na maintindihan, kating-kati na ako malaman kung ano ba ang nangyayari sa kaniya. “Y-yes,” nanginig ang labi ni Range at pinagdikit niya ang mga palad niya, tila, nakiki-usap na walang gawing masama si Jax sa locket na hawak. Sumilay ang ngisi sa labi ng kapatid ko. Kapag ganiyan ang kaniyang ekspresyon ay alam kong may pinaplano siya. Sinubaybayan ko na lang ang mangyayari kahit hindi ako sigurado kung ano ang kalalabasan nito. Tinaas ni Jax ang hawak na locket, pinapakita ito sa lahat. Kusa itong bumukas at nakita ko ang larawan na nasa loob. Ang litrato ng dalawang tao. Naningkit ang mata ko habang pinagmamasdan ko ito. Ngayon ko lang napagtanto na pamilyar ang mga tao na nasa larawan, parang may kahawig. Dahan-dahan akong napatingin kay Range at nanlaki ang mga mata ko. Kaya pala ganiyan na lang ang reaksyon niya. Nagtagpi-tagpi na sa utak ko na parang puzzle ang dahilan. Lahat ng ito ay may katuturan na ngayon. Inabot ni Range ang kaniyang kamay, umaamba na hahablutin ang locket mula sa kapatid ko pero nilayo ito ni Jax sa kaniya at dinuro niya. “I will give you your parent’s locket, for one condition.” Katahimikan ang umusbong sa buong paligid. Nanlaki ang mata ko nang umamba ang alagad ni Range kay Jax gamit ang kaniyang itak na hawak nang itaas ni Range ang kamay niya, sinesenyasan na huminto siya. Mag po-protesta pa sana ang lalaki nang tignan siya ng mariin ni Range. Walang nagawa ang lalaki kundi sundin ang utos ng pinuno niya. Umatras siya at nagbigay galang dahil yumuko siya. Binalik ni Range ang atensyon sa kapatid ko. Tumambol ng mabilis ang t***k ng puso ko. Maski si Basil ay hindi malaman kung ano ang magiging reaksyon. Kanina pa siya tahimik at tulala lang habang pinapanuod ang senaryo. Si Laina ay wala paring malay sa sahig. “Set us all free and give our things back.” Bigla akong nabuhayan ng loob. Nakikita ko na ang liwanag at pag-asa. Ang balikat ko na kanina pa tensyonado ay bumagsak at naging kalmado. Napalingon ako kay Keane sa gilid ko na tiim-bagang at nanunuod lang sa nangyayari. Hindi nakapagsalita si Range. Parang nag da-dalawang-isip siya kung susundin niya ang utos ni Jax o hindi. Maya-maya ay natulala na lang siya at may namumuong makintab na bagay sa magkabilang sulok ng mata niya. Umagos ito pababa sa kaniyang pisngi. Walang ibig nagsalita at gumawa ng kahit anong tunog. “I can still remember how I lost them both in war. They were old and they don’t deserve the cruelty they experienced.” Napayuko ang mga alipores niya, kasabay nang pagbaba nila ng kanilang mga armas. Nagtaka ako at napalingon sa buong paligid. Ganon din ang ginawa nila Jax at Basil. Masyado silang nagulat upang makapagsalita. Maski si Keane sa gilid ko ay napayuko at lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. “I was still young. Naive, adventurous, funny. I really thought that nothing would go in our way as we are facing the battles together.” pumikit siya ng mariin kasabay nito ay ang pagdaloy nanaman ng luha pababa. Halata ang sa paghihinagpis sa tono ng boses niya. “They were killed in front of me. They burned our house. They stole our stuff. The only memory I have left is that locket you are holding.” dahan-dahan niyang niyuko ang katawan niya hanggang sa sumalat na ang noo niya sa sahig. Natulala sa kaniya ang kapatid ko sa sobrang gulat na ang pinuno na kanilang tinitingala ay ngayon nagmamakaawa sa kaniya. “P-please, don’t burn it or take it away from me…” Natutop ko ang bibig ko dahil hindi ko inaasahan ang senaryong ito. Si Keane sa gilid ko ay napasinghap at napa-abante ng paa, pero pinigilan niya ang sarili. Hindi nila siguro kayang makitang nanghihina ang kanilang pinuno dahil maski ang ibang alipores ay nangangati ang mga paa na lumapit. Tinignan ko si Jax na kagat ang ibabang labi at mukhang paiyak na. Maya-maya ay nagpakawala siya ng marahas na hininga at lumapit siya kay Range. “Men I can’t handle emotional situations.” lumuhod siya sa tapat ni Range at tinapik niya ang likuran nito. “Look, I understand your story. I will give this locket to you. Just please, if you’re pranking us just to get what you want…” tumingin siya sa akin at ngumiti siya ng malumanay. “Just let my sister live and help her escape in this place along with Basil and Laina.” dahan-dahan niyang nilapag ang locket sa harapan ni Range. “N-no…” umiling-iling ako at tumakbo ako papalapit sa kanila, ngunit, napigilan ako ni Keane. Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya dahil masama ang kutob ko sa gustong mangyari ni Jax. Wala kaming kasiguraduhan kung niloloko lang kami ni Range pero iba na ang mag-iingat. Kahit sa mga oras na ‘to, gusto kong hagkan ang kapatid ko. Bigla akong naging emosyonal sa mga salitang binitawan niya. Ang pag-iisip na mawala siya ay dinudurog ang puso ko na parang nilukot na papel. Binibigyan niya ako ng matamis na ngiti. Sa tingin ba niya ay makakalma ako matapos niyang sabihin handa siyang isakripisyo ang sarili?! “Take them to the haven.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD