Ellie's POV:
Nagising ako na hawak ni Prince ang kamay ko habang natutulog. Tinagtag ko ang kamay niya at kumuha uli ng face towel.
"Ano bang naisip mo Prince at ilang araw ka nang hindi kumakain ng ayos? Ha?" tanong ko sa kanya habang pinunasan ko ang mukha niya. As if namang sasagot ang palakang 'to.
Pinagpapawisan pa rin si Prince.
Kinausap ko kanina sa phone si Dr. Aleje. Kaya alam ko na ang dapat niyang kainin at dapat niyang iwasan. Maya maya pa'y napansin kong gising na siya.
"Oy, Frog Prince, bawal ka na sa softdrinks at juice. Lagi ka nang magbabaon ng tubig, okay?" Tiningnan niya lang ako at tumango sa 'kin.
"Era." Inilagay ko na sa isang bucket yung towel kasama ng mga labahin.
"I'm hungry." napalingon ako sa kanya.
Sus! Yan ang napapala ng mga hindi kumakain ng ayos eh.
"Yan kasi, napapalipas ka ng gutom. Tsk tsk!" nilapitan ko siya.
"Saglit lang ha, mag-luluto lang ako."
Tumago uli siya at ngumiti sa 'kin.
Psh! Weird. Napailing na lang ako at lumabas ng kwarto.
Sa Baba, naabutan ko si Manang na nag-luluto na.
"Manang Fely." tawag ko kay manang. Lumingon naman siya sa 'kin.
"O, Miss Ellie. Gising ka na pala."
"Tsk. Manang talaga. Wala naman si Lolo Greg eh. Tawagin niyo na nga lang kasi akong Ellie."
Nilapitan ko siya at tiningnan ang niluluto niya.
"Para po ba kay Prince yan?" Lugaw pala niluluto niya.
"Oo. Kahit ito muna ang kainin niya."
Ah,oo! Tama! Hindi pa nga pala siya kumakain.
Tumulong ako kay Manang Fely sa pagluluto pagkatapos ay inihanda ko na sa tray yung pagkain. At dahil ayaw talaga ni Manang na ako ang magdala ng tray sa kwarto ni Prince, sinamahan ko na lang siya papunta dun..
"Prin-" nagulat ako sa nakita ko.
SHIT! s**t! PAKSHIT TALAGA! Nagsuka si Prince sa sahig! Kawawa naman yung sahig.
"Prince!" nilapitan ko siya at ini-upo sa kama.
"Oy, Kaya mo pa?"tumango siya sa 'kin habang habol ang kanyang hininga. Pinagpapawisan siya ng todo.
Maya maya pa, isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. OCHO NAMAN EH! Ramdam ko ang pag init ng akin mukha, Sign na namumula ako
"Eh Prin-" Tinakloban niya ang bibig ko.
"Just for once, Era, Paki-turn off muna ng megaphone mo. Please?" Tumango ako.
Tinanggal niya ang kamay niya sa pagkakatakip sa aking bibig at humiga ulit sa kama. Teka... Nabingi lang ba ako o nagsalita si Frog Prince ng "Please" word? Marunong siya nun?
"Miss Ellie, kayo po muna ang bahala kay young master. Magtatawag lang po ako ng mag-lilinis ng sahig." Iniwan ni Manang yung tray sa table.
Pagkaalis ni Manang, kinulbit ko si Prince.
"Oy, Frog Prince. Kumain ka muna."
Kinuha ko yung lugaw at ipinakita sa kanya.
"I have no appetite." Natalukbong siya sa kumot niya.
"Aba! Kaya ka nagkakasakit eh! Gusto mo bang mabutas yang tiyan mo?" Ibinaba ko sa bedside table yung lugaw.
Inalog alog ko siya para magising.
"Oy, sabing kain na eh!"
"Ayoko"
"Eh, Prince! Ano ba naman?! Para ka namang bata eh."
"Look who's talking." Aray! Ang harsh mo Prince. Mas isip bata ka kaya kesa sa 'kin.
"Prin-" Napatigil ako sa pagsasalita nung bigla niya akong hilahin at napahiga ako sa kama, yapos yapos niya. OH MY GHAWD! Papa God, parusa ba ito or reward?
Bakit ganun?! Kahit nag suka siya mas nangingibabaw pa rin yung amoy ng pabango niya. Teka... Pabango ba ang pawis ng taong 'to? Tae! Pano ako makakaalis dito?
Sinubukan kong kumalas sa pagkakayakap niya.
Hmph!
Gyah!
Peyld! Kainis! Ang lakas ng taong 'to!
"PRINCE! BITIWAN MO KO!"
"AISH! Era, just let me sleep already. Niyapos na nga kita para tumahimik ka." Napumiglas ako.
"Prince! Isa! Pag ako nakaalis dito, uupakan talaga kita."
"Try mong umalis." Arrrrgggghhh!!!! Bakit hindi ako makaalis?!!! Ang weak ko naman.
"Prince! Ano ba?! Bititwan mo ako!"
"A-yo-ko" Ay! Ang Bad! Ayaw akong paalisin. Huhu
"Ahuhuhuhu... Please? Maawa ka sa 'kin."
"No. Dahil wala akong awa sayo. Muwahahahahahaha.." Eeeeeee!! Katakot ang tawa nya!
As expected of the devil.
BULLFROG! Hindi lang basta FROG PRINCE ngayon. BULLFROG pa. As in BULLYING FROG! ARRRGGHHH!!!! PANO BA PALAYUIN ANG ISANG BULLFROG?! HELP ME GUYS!!!!
"AY JUSMIYO!" nagulat kami sa sigaw ni Manang Fely. Kaya ayun, nabitiwan ako ni Frog Prince at nahulog ako sa kama.
"Aray!"
"Hey, okay ka lang?"
Okay?
"Mukha ba akong okay ha?! Frog Prince?" Bleh!
"Miss Ellie, Young Master, sorry po. Mamaya na lang po ako siguro babalik." Aalis na sana si Manang kaso pinigilan ko.
"Naku, manang, hindi po. Okay lang po. Nakikipabiruan lang po itong si Prince eh." Sinamaan ko ng tingin si Prince.
Totoo yun. Kaya lalong nag-iinit ang dugo ko sa taong 'to eh.
Frog Prince, hindi ka talaga nakakatuwa kahit kailan. ARRRRRGGGHHH!
"Ah sige po." Pinapasok na ni manang yung maglilinis. Pagkatapos maglinis. Umalis na silang dalawa.
Iniwanan na naman ako kasama ang palakang 'to.
"I'll eat porridge if you feed me, Era." Sabi niya habang nakatingin sa 'kin.
Ay leche flan! Ba't ako naku-kyutan sa taong 'to?!
Di ba hindi cute ang isang BULLFROG?
"Kumain ka mag-isa mo. Ang laki-laki mo na , hindi mo pa kayang kumain mag-isa? Anong problema mo ha?" aalis na sana ako nung hinila niya na naman ako.
Leche flan talaga kahit kailan!
Anong nangyayari sa taong 'to at pagkakulit kulit ngayon?
"Aish! Frog Prince naman o! May klase pa 'ko!" tinitigan niya lang ako.
"Ano ba?!"
"Don't leave me." Nagpout siya.
Ay bullfrog mo! Bakit ang cute? Wahahahaha! Para talagang bata. Lakas ng trip o.
Biglang nagring yung phone ko, kaya kinuha ko yun at sinagot.
"Hello?"
[Ellie, si Yvo 'to. Nasan ka?]
"Uh..." tumingin ako kay Prince. Sinamaan niya ako ng tingin.
Paktay! Galit si Bullfrog!
"Nasa bahay ako. Bakit?"
[Absent ka kasi kanina kaya nagtaka ako. Sabay tayo mag-lunch mamaya ha? May gusto kasi akong bilhin para kay mommy kaya magpapasama sana ako sayo.]
"Ah, ganun ba? Sig-" hindi na ako nakatapos sa pagsasalita dahil hinablot ni Frog Prince yung phone ko.
Ang bad talaga kahit kailan!
"She won't be coming with you, may ipinagagawa ako sa kanya. Bye." Inend call niya na.
Ahuhuhuhu. Mamumuti ang buhok ko sa taong 'to! Kainis!
Papa God, malaki po ba ang naging kasalanan ko sa past life ko?
"Hala! Ang bad mo talaga! Akin na yan!"
Inabot ko yung phone ko. Kaso inilayo niya sa akin at tumayo siya bigla.
"Ayoko nga. Bleh!" ANAK NG TOKNENENG NAMAN O!
Pero sa totoo lang natatawa ako sa kakulitan ng taong 'to. Parang nawala yung galit ko sa kanya kahapon.
"Sige na Prince. Ganito na lang. Ibibigay mo sa akin yang phone ko, hindi na ako aalis. Promise!"
Para akong nakikipag-usap sa isang batang ayaw paalisin ang mommy n'ya.
"Sure?" tumango ako. No choice na 'ko eh.
"Kaso...."
"Kaso?"
"Kailangan ko yung notes sa school eh. Kaya please? Papasukin mo na lang ako."
"Ayoko."
Argh!
Bakit kasi ako ipinanganak na likas na punggok?!
Bigla akong tuminkayad para maabot yung phone ko kaso...
Natumba kami sa kama.
"Ayan! Ikaw kasi, ayaw mong ibigay ang phone ko."
"Ikaw din kaya. Sinabi ko nang ayaw ko ngang ibalik sa'yo. Yan tuloy." Bigla siyang ngumiti.
Dug dug
Dug dug
Dug dug
Syete! Bakit ako kinakabahan?!
"Oy, Era. You okay?" tumayo ako.
"Magpalit ka na nga. Nakakainis ka! Argh!!!!"
Hinablot ko sa kanya ang phone ko at lumabas ng kwarto niya.
Ano bang problema ng taong 'to?
Pagkalabas ko ng kwarto. Nagtatakbo ako papunta sa kwarto ko. Dali-dali kong kinuha yung bag 'ko at lumabas ng bahay.
Whew!
Sa ayaw at sa gusto niya, papasok pa rin ako. Hehehehe
Prince's POV:
Nasan na yung taong yun?
Ba't ang tagal niya sa kwarto niya? Tumayo ako kahit medyo nahihilo ako. Parang magkakalagnat pa yata ako.
"Era?" lumabas ako sa kawarto ko at pumunta sa kwarto niya.
Umalis ba siya? Wala akong mauutusan nito eh.Ang sarap pa naman niyang pag tripan. Madaling mainis eh. Argh! I'm so
boreeeeeeed! Tumingin ako sa bedside table ni Umboy. Ito ba ang parents niya?
Kinuha ko yung picture frame at pinagmasdan..
Kamukha niya ang papa niya. Lalo na sa mata. Biglang pumasok si Issay.
"Young master? Bakit po kayo nandito? Di ba dapat nagpapahinga po kayo?"
Ibinaba ko yung picture frame at kinausap si Issay.
"Where's Ellie?"
"Pumasok po si miss Ellie. May game po daw kasi ngayong hapon yung sa P.E nila. Kaya ayun, nagpumilit po siyang pumasok.
Bakit po?"
Argh! Yeah right! I forgot about the game. Bahala siya.
"I see. I'm going back to my room now."
Tumango naman si Issay. Mag-lilinis siguro siya sa kwarto ni Umboy.
Makalipas ang ilang oras... bored na talaga ako.
Nakapag-ps3 na ako. Nagtablet. Nanood ng horror movies.
Sobrang bored na talaga ako. Nakailang text na din ako kay umboy. Pero hindi nag rereply.
Nakakainis! Pupunta na lang siguro ako ng school para mag practice.
Ellie's POV:
6pm na at nandito kami ngayon sa mall ni Yvo.
Pinilit niya akong pasamahin (Kahit hindi niya ako pilitin mapipilitan din ako dahil hinila niya na lang ako.)
"Hmm... Ito kaya?" itinuro niya sa 'kin yung isang necklace.
May pendant ito na diamond na korteng araw.
"Oo. Ang cute nga eh!" Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa 'kin.
Omo!!! Namumula yata ako.
"Miss, I'll take this. Kasama ng shoes kanina."
Inilagay na nung babae yung necklace sa isang box at inilagay sa isang paper bag.
Ibinigay na nung sales lady yung paper bag, kasama yung sapatos, kay Yvo.
Maha-high blood ata ako sa mga presyo dito. Malaginto talaga!
"Okay, your turn. What color suits you? Hmm?" ipinatong ni Yvo sa daliri niya ang kanyang baba. Anong iniisip ng taong 'to?
"Oy, anong iniisip mo?" tinakpan ko ang dibdib ko.
Wah! Manyak yata 'tong taong 'to!
"What color do you want for your dress?"
Wah! Teka! Wala sa usapan 'to! Bakit pati ako?!
"Teka... Bakit pati ako?"
"Because you're my friend and I'm inviting you." Ngumiti siya sa 'kin at ibinigay ang isang invitation card..
"It's my mom's birthday this coming Saturday. Punta ka ha?" Itinulak niya ako papunta dun sa may mga cocktail dress.
"Eeeehhh... Yvo naman eh. Hindi ako mahilig sa mga ganyan. At saka akalain ng mommy mo mamaya girlfriend ako."
"Hala! My mom is not like that. Kahit ikaw pa lang ang maiipapakilala ko kay Mom na first Friend na Girl."
"Ewan ko sa'yo." Tumawa na lang siya.
"So choose. I'll pay for it, don't worry."
"Uhm..."
"O, ano? Wala kang mapili?" Nakangiting tanong niya sa 'kin.
Eh pano ba ako pipili? Ang gaganda kasi ng mga dress dito.
Hala! Ang cute ng pink na yun! At saka yung blue! Teka, alin nga ba dun sa dalawa?
"Tsk. Matatagalan tayo nito." Tumingin siya sa wrist watch niya.
"Eh... wag na lang kasi... hindi ako marunong pumili eh."
May kinuha siyang isang pink dress. Yun yung tinitingnan ko kanina.
"Try this one." Ibinigay niya sa 'kin yung dress at dinala ako sa fitting room.
Sinuot ko yung damit at lumabas din ng fitting room.
"Uhm.. Yvo?" tiningnan niya ako simula ulo hanggang paa.
"Perfect."
"Bibilhin niyo po ba sir?"
"Yes." Nagpalit na ulit ako at ibinigay ko sa sales lady yung damit.
"Sure ka ba Yvo? Parang nakakahiya naman ata."
"It's fine. Mom's gonna like you for sure."
Ewan ko sa'yo.
Napatigin ako sa wrist watch ko. Hala! 6:30 na agad?! Ambilis naman yata? Sira ba yung relo ko?
"Uh, Yvo. Ano oras na sayo?"
"6:30pm. Bakit?"
Kailangan ko nang umuwi.
Ano kayang ginagawa ni Frog Prince ngayon?
Pagkakuha namin ni Yvo ng mga binili niya, pumunta muna ako sa C.R para tumawag.
Nahihiya lang ako na tumawag sa Frog Prince na yun sa harap ni Yvo.
[Hello.] Manang?
"Manang? Nasan po si Prince?"
[Hindi mo ba kasama? Pumunta siya ng school kanina.]
"Ho? Nagpahatid po ba siya?"
[Oo.]
"Uh, sige ho. Pauwi na po ako."
[Sige, hija. Ingat ka.]
Inend call ko na.
Kung si manang ang may hawak ng phone niya, anong dala niya?
Nandun naman si Manong Jules. Okay na siguro siya dun.
Nagsakay na ako ng taxi pauwi. Dala ko yung dress na binili ni Yvo para sa 'kin.
"Maligayang pagdating, miss Ellie." Nadagdagan na naman yung mga maid?
Okay, medyo awkward lang.
Dumeretcho na ako sa taas. Nakauwi na siguro si Frog Prince? Matutulog na ako.
Nag-half bath na ako at nagpalit ng pajama. Pagkatapos dumeretcho na ako ng paghiga. Inaantok na ako.
Zzzzzzz
Zzzzz
Zzz
Zz
Nagising ako bigla nang ala una ng madaling araw. Naalimpungatan yata ako.
Bumaba ako para kumuha ng tubig. Kaso pagbaba ko, napakinggan ko yung usapan ng dalawang maid.
"Uy, umuwi na ba si kuya Jules?"
"Tsk. Oo nga eh. Kaso Hindi daw kasama ang young master."
"Ha? Patay. Parating na si Chairman mamayang 4 am."
Hala! Hindi pa umuuwi si Frog Prince?! Nagmadali akong pumasok ng kwarto niya.
Wala pa nga siya. Nasan nanaman ang taong yun?!
Click
"AY PALAKANG LUMABAS!"
Nagulat kasi ako sa bintana.
Blag!
Hala! Si Frog Prince!
"Oy, Frog Prince." Inalalayan ko siya para tumayo.
"Hmm.... Hu..."
OH s**t!
Tagaktakan na nga ang pawis, mataas pa ang lagnat!
Inihiga ko siya sa kama at lumabas ako ng kwarto.
"Ate Issay! Padala ng isang palangganang tubig at face towel." Naabutan ko kasi siyang kakarating lang ng second floor.
"Bakit po?"
"H-huh? Uh... eh... BASTA! BILISAN MO." Tae! Bakit ako nagpapanic?!
Bumalik ako sa kwarto at pinuntahan si Prince.
"Prince, gusto mo bang magpaospital? May masakit ba sayo?"
Hindi siya sumasagot.
"Oy, gising! Pag hindi ka sumagot-"
"Tubig." buti may tubig sa may bedside table niya. Ikinuha ko siya ng tubig at pinainom.
TAKTE!!!! NASAN NA BA SI ATE ISSAY?! BAKIT BA AKO NAGPAPANIC?
Maya-maya dumating na si Ate Issay at ibinigay sa 'kin yung palanggana na may face towel at umalis na din. Pinunasan ko ng
pinunasan si Prince sa mukha. Napakagat ako sa aking labi.
"Naku naman Prince! Ang taas na ng lagnat mo. Mag paospital ka na."
"Bakit.." Habol niya ang kanyang hininga habang nagsasalita. "Bakit ka u-um-umalis?"
"Eh, kailangan ko nga yung notes may quiz kasi next week..."
"Sigurado ka?" Napahikab pa ako.
"Oo nga. Kulit naman eh. Aish! Matulog ka na nga!" Iniligpit ko na yung towel at palanggana. Iniligay ko yun sa isang table katapat ng isang sofa.
Aalis na sana ako nang bigla na naman akong hilahin ni Prince. Malapit kasi sa may pintuan ang kama niya.
"Dito ka muna."
"Hala! Ayan na naman tayo eh!"
"Hindi ako makatulog, kaya dito ka muna."
"H-huh?" OCHO! Feeling ko nagba-blush na naman ako. Yapos ni Frog Prince ang likod ko habang nakahiga!
LECHE FLAN! UMIRAL NANAMAN ANG PAGKA BULLFROG NITO!
"Oi!" Hinampas ko siya. "Frog Prince! Huhuhu... Bitiwan mo na ako please? Antok pa ako." Magkaroon ka naman ng awa.
"Hindi nga ako makatulog. Kaya dito ka muna." Hala! Ang kulit talaga!
"Argh! Fine." Naramdaman kong binitiwan niya na ako. Tumalikod siguro siya sa 'kin, naramdaman ko kasi ang paggalaw ng kama.
Napahikab na naman ako. So antok na talaga ako! Pumikit na ako para makatulog.
Prince's POV:
Bakit hindi pa rin ako makatulog?
Sumilip ako sa likod. Buti pa si Umboy inantok na.
Humarap ako sa kanya. Hanggang ngayon, I'm still curious about her. Bukod sa nalamang kong both our parents passed away, ano pa
kayang meron sa kanya ang hindi ko nalalaman?
Arrrgghhhh!
What am I thinking?!
It was too late when I realized that I was staring at her face.
Anong ginagawa ko?!
Why did I let her sleep in my arms? There's no helping it then.
Bilang thank you na lang ito Umboy ha. Pasalamat ka nakayapos ka sa 'kin. Yung ibang babae nga pinapangarap pang makatabi ako
at yapusin ko ng ganito.
Pumikit na din ako. I think I can sleep now.
Kinabukasan, nagising akong yapos yapos pa rin si Era.
I stared at her face and smiled.
Ngayon ko lang napansin. Ang ganda pala ng mga pilik-mata niya?
And her nose... matangos din pala?
She looks like an angel when she sleeps.
Click!
Napalingon ako sa pintuan. Nakita ko si Manang na pumasok sa kwarto. She was surprised upon seeing me sleep with Era.
Sinenyas ko siya na wag maingay dahil tulog si Era. Buti hindi siya nakasigaw. Tumango na lang siya at lumabas ng kwarto.
Now, pano ko siya ibababa sa kama ng hindi nagigising?
Man, this girl is such a sleepy head.
"Gising na ba si Prince?" Napakinggan ko yan mula sa labas.
FUCK!
Si Lolo!
Nandyan na pala siya!
"Umboy, wake up!" inalog alog ko si Era.
"Umboy!"
"Wait lang po, Lolo. Five minutes pa!" Hahaha. She looks so silly but cute.
Aish! What am I thinking?!
Dapat magising na siya! Kungdi, baka kung anong isipin ng matandang yun!
"Aish! Umboy! Lolo's here! Gising na!"
I think she woke up. Nakita ko nang iminulat ang kanyang mga mata.
She looked so confused and blinked her eyes upon seeing my face.
"Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!"
Blag!
Napasigaw si Umboy at nahulog sa kama.
Click!
"What's happening here?!" narinig kong tanong ni lolo.
Napa-facepalm na lang ako sa inis.
"Aray." Tumayo si Era sapo-sapo yung pang-upo niya.
"O, Lolo Greg." She suddenly smiled and waved at Lolo.
"Are you okay, hija? What happened?" nilapitan siya ni Lolo.
"Opo, okay lang po ako. Ano po kasi..." tumingin siya sa 'kin.
What the-
Kasalanan ko bang sumigaw ka?!
Tumingin ulit siya kay Lolo.
"May nakita po kasi akong palaka. Nakatalon na po palabas."
"Ah, ganun ba?" Whew!
Good thing she knows how to lie. Is that even a lie? And how did lolo even believed that?
"Anyway, bakit ka nandito?"
Don't tell him.
"Ano po kasi... Nagka-ulcer po si Prince. Tapos kagabi po nagkalagnat naman. Binantayan ko na lang po siya."
Boing!
ARAY!
THAT f*****g HURTS!
"What the- LOLO!" Binatukan ba naman ako?
"Kahit kailan ka talagang bata ka, pasaway ka! I told you to eat properly and never skip a meal."
"Eh, lolo naman."
"Uh, lolo, wag na po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala sa kanya. Pagsasabihan ko na lang po." Tumango tango naman siya
kay Umboy. Dinuro pa niya ako bago lumabas. Galit pa sa 'kin.
"Oy, Frog Prince. Okay ka na?" ipinatong niya ang kamay niya sa noo ko.
Dug dug
Dug dug
Dug dug
"What are you doing? Get your hands off me." Dahan-dahan kong tinagtag ang kamay niya.
I still feel weak. I think masama pa rin ang pakiramdam ko.
Dahil siguro nung nagpractice ako kagabi?
"Ang arte nito. Para titingnan lang eh. O siya. Mukhang mainit ka pa rin. Padadalhan kita kay manang ng gamot at breakfast. Iidlip
uli ako sa kwarto ko." Paalis na sana siya nang pigilan ko yung kamay niya.
"Era.... Thanks." Binitiwan ko yun.
Ngumiti lang siya sa akin at umalis.
Actually, may phobia ako.
Yung tuwing matutulog ako kapag may sakit, natatakot ako. Parang any minute may kukuha sa 'kin. Or I might not be able to wake
up tomorrow.
I'm not scared of anything. But this.
Ewan ko ba kung bakit.
Since wala na ang teddy bear ko, si Era na lang ang niyapos ko.
And last night, I felt much better with her sleeping by my side.
So, Umboy, thanks.