Chapter Eighteen

2272 Words
Ellie's POV: Dinala ako ni Yvo sa loob ng janitor's room. "Yvo...." "Ssh." "Nandun siya"-Celestine "Sigurado ka ba ,gurl?"-LJ "Tara"-Margaux Sumilip siya sa may pintuan. "I think they left..." Nagulat ako sa bigla niyang pagharap sa akin. Kaya.. *Hiccup* *Hiccup* "You okay?" Napalunok pa ako para lang pigilan ko ang pag sinok. Napatango lang ako sa kanya bilang sagot. Napahinga na lang ako ng malalim. Grabe, ang hirap takasan ng tatlong aso na yun. Mangangagat pa! Hayst! "Why are they chasing you anyway?" "Nahuli nila akong pinisil ko ang pisngi ng precious Prince nila. Tsk! Si Prince kasi, tinanong ko lang kung na-delete na yung stolen shot ko. Tapos hindi siya sumagot. Ayun, napisil ko ang pisngi n'ya. Kung nakita mo lang ang mukha niya. Hahahahaha" Napatawa din siya. "So that's why." Bakit nga pala siya nandito? Wag n'yong sabihing... "Oo nga pala, Yvo. Bakit nandito ka? Transferee ka rin ba?" Ngumiti siya at tumango bilang sagot. "Yeah." Huh? Tumatanggap pa ng transferees ang school na 'to? Napailing na lang ako. "Napaka weird ng school na 'to." Bigla niyang iniabot ang kamay niya sa 'kin. Ano namang gagagawin ko dun? "Give me your phone." Ah, yun lang pala eh. "Parehas kayo ni Prince. Kambal ba kayo? Teka bakit mo nga pala hinihingi ang number ko?" "Just 'to check on you. Baka mangailangan ka na naman ng tulong ko kapag hinabol ka na naman." Nag dial na siya habang nagsalita uli. "And no, we're not twins. Mas gwapo ako sa kanya." Tsk. Okay. Hindi nga, pero mukhang MAS mayabang ka pa sa kanya eh. "Hahahaha. Don't worry. I'm just kidding. Here." Kinuha ko ulit ang phone ko. "May klase ka ba?" bigla niyang tanong sa akin. "H-huh?" napatingin ako sa relo ko. SHOOT! 25 mins. Late na ako!!!! "Uh, oo. Sa room 404, ngayon na." Napatingin si Yvo sa schedule niya. "Mukhang magkaklase pala tayo. Why don't we head to class together?" "Sige." Nakarating kami sa room at ako ang naunang pumasok... "Good morning Ma'am." "Oh, Ms. Alonso. Why are you late?" tinaasan pa ako ng kilay.. Eeehhh.. katakot! "Uh, eh... Ano po kasi..." uh-oh... galit si Mam Yna. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Yvo. "And who's this?"-Mam Yna "Good morning, miss. I'm a new student here. I have to apologize on behalf of Ellie. Napagtulong po kasi ako sa kanya kaya siya na-late." Napalingon ako kay Yvo. Kasunod ko lang siyang pumasok. Huh? Tinulungan ba kita? May amnesia na ba ako? Bakit parang baliktad yata? "Why didn't you say so, Ms. Alonso. It's okay. Please take your seat. And Mr.-" "Castillo po." "Okay Mr. Castillo, please introduce yourself." Umupo na ako. "Psh." Napakinggan ko si Prince na katapat ko lang. Napatingin ako sa kanya. Nakakainis talaga ang taong 'to! "Mei mei, close kayo? Is he your boyfriend na?"-Ate Tin Tumingin ako kay ate Tin at ngumiti. "Hindi noh! Wala pa akong boyfriend. At saka kanina ko lang siya nakilala. Hinahabol kasi ako kanina ng tatlong aso. Buti nailigtas niya ako kanina. Kasalanan kasi ng isa d'yan." Nilingon ko si Frog Prince at tiningnan ng masama. Nakacross arms siya. Natawa naman si Ate Tin. "Sayang. Kala ko pa naman boyfriend mo na si Yvo. Ang cute niyo eh." Tumingin na ulit kami sa harapan. Pinaupo na pala si Yvo. At sa tapat ko pa mismo.                                                                                        ~***~ 1:30pm na. Vacant namin ni ate Tin. Nakapagbihis na kami kanina para sa P.E namin mamayang 2:30pm. Pumunta muna kami ng canteen para mag lunch. "Can we sit with you guys?"napalingon ako sa may likuran ko. Si Yujin pala kasama si Ian. "Sure." Narinig kong sagot ni ate Tin. Nagpalinga linga naman ako. Sila lang bang dalawa ang magkasama? Teka, paki ko ba sa kanya?! Makakain na nga lang. "So, Ellie, we heard you have a new classmate."napalingon ako kay Yujin. "Ah, si Yvo. Oo." "Magkaibigan ba kayo?" bigla namang tanong ni Ian sa akin. Ha? Bakit naman bigla niya yung naitanong? "Medyo. Ewan. Kakakilala ko lang sa kanya kanina. Bakit?" Papa God, Sorry po. Ang dami ko na yatang kasalanan. Pero hindi ko pwedeng sabihin sa mga 'to na nakilala ko sa Yvo sa party ni Lolo Greg at nasuntok siya ni Frog Prince. Baka mapatay niya ako kapag ginawa ko yun. "Nothing much. By the way, Bakit kayo naka-P.E? Di ba yung players ngayon ay puro boys?" "Sabi kasi ni Mam Melanie, dadagdagan daw ang grade ng mga manunuod at naka-P.E." Si ate Tin na ang sumagot. "That's great. You'll be able to watch us play basketball then."-Yujin Napatingin ako kay Yujin. Ngumiti na lang ako sa kanya. Mayabang din ang taong 'to pero at the same time mukhang medyo mabait naman. Di tulad ni Prince. Teka... "Uh, Ian... Di ba soccer player ka? Marunong ka din mag basketball?" Curious lang ako. "Yup. Yujin, Prince and I, we always play basketball." Prince... Bakit ba ako nag-woworry? Kainis! Pagdating naming sa gym, nandoon na si Prince. Napapractice na. Nagkatitigan kami pero nag-iwasan din kami ng tingin. "Prince, magpapalit lang kami ha."-Ian Tumango lang si Prince at nag shoot ulit ng bola. Wow! Ang galing nya pala mag basketball? "Mei mei, upo tayo dun." Tumuro si ate Tin sa bleachers kung nasaan yung iba naming classmates. Nasa baba lang ng bleachers ang instructor namin at may sinusulat pa sa clipboard niya. Mga ilang minuto na rin ang nakalipas bago nagsimula ang game. Group 1 vs. Group 4 ang unang maglalaro. Kalaban ng team nina Prince ang Team nina Yujin. "Go PRINCE!!!!!"sigaw yan ng fansclub ni Prince Grabe! Butas na ang eardrums ko! Kanina pa sumisigaw ang mga yan kahit hindi pa nagsisimula ang laro. Laging nakaka three points sina Prince. 2 points ang lamang nila sa team nina Yujin. "Grabe, marunong palang mag basketball si Prince?"-me "Mei-mei, kaya nagka-fangirls yang asungot mong amo, eh dahil yan sa paglalaro niya ng basketball since high school pa. Hindi lang yan ang alam niyang sports. Ang alam ko nag-sa-summer training si Prince sa iba't ibang kinds ng sports." Wow. Talaga?! Iba na talaga kapag mayayaman. Napatingin naman ako sa may scoreboard. Malapit kasi dun si Mam Melanie kaya napansin ko agad na kausap niya si Yvo. "Nandito nanaman siya?" hindi ko mapagilang bulong sa sarili ko. "Woooooooooohhhhh!!!!!!!"-sigawan nanaman ang mga babae. WOW! Three points ulit. Kina Yujin naman, humahabol na ang score nila ngayon. Napatingin uli ako sa scoreboard. Nakita kong papalapit na sa bleacher 1 si Yvo. Malapit na siya sa 'min. "Yvo," napalingon naman siya sa'kin at ngumiti. Nilapitan niya ako at umupo sa tabi ko. "Kaklase na naman kita?" tanong ko sa kanya. "Looks like it." ngumiti siya. "Wow. Unbelievable talaga yang schedule mo. Block section yata tayo eh." Tumawa ako. "Anyway, sa next meeting, kasama ako sa mga maglalaro. Our team will play against today's winning team" "Ah, ganun ba? Goodluck! Kaya mo yan! Hehehe" "Are you Yvo?" narinig ko namang biglang tanong ni ate Tin. "Yes." sagot ni Yvo "Nice to meet you. I'm Kirsten Chiu." "Ah, the daughter of Mr. Eldric Chiu. Nice to meet you. I'm Primitivo Kier Castillo." Nagkatitigan kami ni ate Tin. Primitivo daw? Natawa ako. Napakaluma naman ng pangalan niya. "Primitivo pala name mo." "Yep. But I preferred to be called Yvo. My name sucks." "Hindi kaya. Ang cute nga eh. Hahahaha" Napahampas pa ang kamay ko sa balikat niya. "Aaaahhh!!!" sigaw yan ng mga babae. Muntik na pala ako matamaan ng bola. Nakaiwas naman kami. Ano ba yan?! Sino kaya ang nakabitaw sa bola? Whstttttt! Parang nagdidiskusyon sina Mam Melanie at Prince ah. Nabasa ko na lang na ang sinabi ng labi ni Prince ay 'Sorry' at parang masama pa ang loob niya. Ano pa nga bang aasahan mo sa attitude ng isang Frog Prince, di ba? "Ellie, maybe after class, isama natin si Yvo sa coffeeshop." napalingon naman ako kay Yvo at nagtanong. "Gusto mo ba sumama Yvo?" "Sure. Wala naman akong klase mamaya. So I guess I'm free." Ngumiti ulit siya. Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko pa rin ang full name niya. Mapalitan nga pangalan niya sa contacts ko. Prince's POV: I hate this game! Nawawalan na ako ng gana. Whsssstttttttt! Huh? "Mr. Montereal, Anong ginagawa mo?" "H-ho?" "Natatamaan ng bola ang mga kaklase mo. Focus on your game." But how can I focus? Ugh! Damn it! Ilang beses ko ba dapat ulitin sa kanya na wag niyang kausapin ang taong yun. Wait. What am I doing?! I shook my head. What's with me today?! Whsssssttttt! *dribble *dribble *dribble *Shoot YES! Three points! "Yes!" napalingon nanaman ako kina Era. Looks like they're having fun. But why do I care anyways?! *Dribble *Dribble *Pass Shit! Mali ang pasa ko! "ERA! LOOK OUT!" "H-huh?" lumingon siya. Kaso.. *Boing! *facepalm SHIT! Ellie's POV: Huh? Nasan na 'ko? Napa-upo ako. "Okay ka na ba Mei-mei? Naku! Malalagot talaga sa akin ang taong yun!" "H-huh? Sino?" "Sino pa? Eh di yang amo mong asungot!" Eeeeekkk! Katakot si ate Tin! Umuusok ang ilong. "Okay ka na ba Ms. Alonso?"-Doctor Tumango ako. "Kaso medyo nahihilo pa po ako." "Okay, magpahinga ka muna dito sa clinic." Umalis na yung doktor. "Mei-mei, ipagnonotes na lang kita. Then kopyahin mo tomorrow. Okay? Malapit na rin kasi mag-time para sa next class natin." Tumango ako. "Thanks, ate Tin." tumayo na siya at lumabas ng clinic. Kasalanan ng player yun. Kung sino man siya, dapat lang na mag-sorry siya. Kasalanan niya kung bakit parang hilo pa ako. Biglang may pumasok sa clinic... "Ellie..." Manang Fely? "Manang!" Nagulat ako nang makita ko si manang. Bakit siya pumunta dito? "Ipina-excuse na kayo ni young master. Masakit pa po ba ang ulo niyo?" Ah, siya pala ang may dalihan. "Opo. Nahihilo pa ho ako." Totoo naman eh. Sakit kaya ng pagkakatama ng bola sa ulo. Ikaw kaya matamaan ng bola ng basketball sa ulo? "Gusto n'yo po bang umuwi muna?" "Naku, manang okay po lang ako. Pwede na po ako sigurong lumabas dito mamaya. May papasukan pa po akong 5-6:30p.m class." "Sige, hihintayin ko na lang po kayo." Ngumiti naman sa akin si manang. Prince's POV: I returned home alone. Sabi ni manang, Era already went home. I wonder if she's okay already. Pag nagkataon lagot na naman ako kay Lolo Greg. Nakarating na ako sa second floor ng bahay at nakasalubong ko si Era. She only passed by me. Galit ba siya? She went straight to her room and was about to close the door when I suddenly ask her. "You okay?" "Psh. Wala kang paki!" Slam! What the- She just slammed the door. Knock knock knock "Era, I know you're not..... I mean....I'm just wonderin' if-" you're okay. That's what I wanted to ask. "Okay lang ako. Wag kang mag-alala hindi naman ako magsusumbong kay Lolo Greg. Okay lang ako kahit medyo naalog utak ko. Kaya wag kang magtaka bukas kung medyo slow utak ko. Okay?" Okay, why does she have to shout? "Era, galit ka ba?" "Ako? Magagalit? Bakit? Kailangan ko bang magalit?! Hindi naman ako galit kahit nahihilo pa ako ng dahil sa bola mo!" Damn! She is mad. Psh. Why do I care?! Bahala ka. If that's true then I don't have to worry. Do I have to waste my time worrying about you? 'Yes, you did that the last time she got sick. Remember?' Damn you stupid head! Just shut up! I think I should just go to bed. Maybe I can forget about her tomorrow. Yeah.. great idea! Ellie's POV: Kinabukasan, nagpaka aga ako ng gising. Dahil ayokong sumabay sa mayabang na yun. Uhm... Nagpalinga-linga ako. Ang laki talaga ng lugar na 'to. May pag asa pa bang makakarating ako sa gate? "Miss Ellie?" Paktay! May nakakita sa 'kin! Humarap ako para malaman kung sino ang tumawag sakin. Yung isang security guard pala dito. "Ma'am, bakit po ang aga niyo? Hindi po ba kayo sasabay kay Sir Prince?" "Uh, Ano po kasi..." Isip Ellie! Isip! "Uh, Ano po... Para makapag-exercise naman ako. Hehe. Ilang araw din po akong nagkasakit kaya parang gusto ko po mag-exercise eh." Nadagdagan nanaman ang kasalanan ko. Masusunog na ba ako? "Ah, ganun po ba? Gusto n'yo po ba mag sakay pagdating sa may gate? Tatawagan ko po ang naka-assign dun ngayon." Tumango na lang ako. Tumawag siya dun sa parang walkie talkie nya.. (Hindi ko kasi alam kung ano tawag sa phone nya.. Basta phone) "Okay na po Ma'am." "Salamat, Kuya." "Walang anuman po ma'am. Basta ligtas kayo pag-alis. Delikado po kasi kung mag-isa lang kayo... May kakilala po kaming driver ng mga tricycle at jeep. Dun na lang po kayo sumakay. Kahit hindi nyo na po sabihin sa driver, alam na po nila kung ano ang gagawin." Tumango ako. "Sige po, Mam. Ingat po kayo." Umalis na din si Kuya Guard. Naglakad na uli ako. Medyo malapit na pala ako sa may gate. Hoh! Ang dami ko nang na-burn na mga taba. Pagkadating ko sa may gate, nag hintay na ako ng masasakyan. "Mam, sigurado po ba kayong hindi po kayo sasabay kay Sir-?"-Yung guard naman sa may gate ang nagtanong. "Opo. Yaan n'yo na manong. Kaya ko naman po. At saka nakapag-exercise pa ako." Sabi ko sa kanya at itinaas ko ang kamay ko at ipinakita ang muscles ko. "Hahaha.. Kayo talaga Ma'am, palabiro din kayo." Tumayo siya nung nakita na yung tricycle. "Ma'am, sakay na po kayo." Tumango ako ata nagpaalam na sa kanya. Wala namang paki ang FROG PRINCE na yun eh. Paki niya ba kung hindi niya ako kasabay? Hindi niya naman ako mamimiss di ba? Hindi niya naman ako girlfriend para mamiss. Bakit ba ako nag-woworry sa taong yun?! Haist!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD