Prologue
Prologue
I am Alexandra Williams, a writer. They call me ‘Lexi’ for short. I inherited a small publishing company from my estranged dad ‘to build bridges’ because he abandoned me when I was still in my mother’s womb.
Pampalubag-loob sa lahat ng kanyang pagkukulang bilang isang ama, at pambawi sa lahat ng pasakit na binigay niya sa amin ng nanay ko. Lumaki akong mahirap at nag-tiis sa kakarampot na mayroon kami ni nanay; iyon lang naman kasi ang kaya niyang i-provide.
Ang tatay ko ay isang retired American soldier at kinupkop niya ako matapos sumakabilang-buhay ng aking nanay. After a year of living harmoniously and abundantly with him as my acknowledged father, he passed away. Hindi lang publishing company ang iniwan niya sa akin kundi pati na rin ang isang magarang bahay dito sa Pilipinas at sa USA kaya hindi na nakakapag-taka kung mayroong naiinggit sa akin.
Si Kheil Malik, isa sa wicked stepsons ni dad ay walang humpay na sinasabotahe ang kumpanyang ipinamana sa akin, claiming that he is the rightful heir to my dad’s properties, including those in the US. Gusto rin niyang angkinin ang bahay ko rito sa Pilipinas kung saan ako kasalukuyang naninirahan mag-isa. Panay pang-gugulo ang ginagawa sa akin para kusang-loob ko na lang ibigay ang lahat ng gusto niya.
Nag-abala pa siyang lumipad galing Indiana para lang sabihin na mag-impake na ako ng gamit dahil siya na ang titira sa bahay ko.
Inihagis niya sa ibabaw ng aking mesa ang isang folder na naglalaman daw ng titulo bilang katibayan na siya ang may-ari nito. Conjugal property ng mom niya at dad ko ang bahay.
“So, Ms. Williams, if you wouldn’t mind, can you please, get out of my house immediately?” utos niya sa akin at diniinan pa ang ‘my house’.
“Damn you! Why won’t you just settle it legally? So that I could slap the reality in your fvcking face that I am the biological daughter of Mr. Johnny Williams; I have all the fvcking rights to all of my dad’s fvcking assets!” Halos mapatid na ang mga ugat ko sa leeg dahil sa galit. Ngayon lang ako nagalit ng ganito buong buhay ko. Nakuha pang ngumisi ng damuhong ito. Malakas ang loob niya dahil may pinapanghawakan siyang dokumento.
“Whatta nasty mouth you have. Are you some kind of a w***e or somethin’?” he asked mockingly. Gusto ko na siyang sampalin, nagpipigil lang ako. If Lance were here, siguradong nakatikim na ang hambog na ito ng isang suntok. “Well, I’m not that cruel that you think I am. You can stay in that house—” Kheil cupped my chin and gave me an irritating smirk. “—with me,” he added seductively. Hindi pa nakuntento at hinaplos pa ang aking pisngi.
Bumukas ang pinto at parang may lumipad na kamao sa harapan ko. Bigla na lang napahandusay si Kheil sa sahig. Hawak niya ang kanyang labi na pinadugo ng suntok ni Lance.
“No one dares to touch Lexi that way,” ma-awtoridad na sabi ni Lance.
Tumayo si Kheil at nagpakawala rin ng isang rear hook and Lance was able to dodge it. Napasigaw na ako sa takot. They begun to exchange explosive blows. Pumagitna na ako para matigil na sila.
“Lexi, stay in my house. I will never let this fool come near you.” Isang matalim na titig ang iniwan ni Lance kay Kheil bago ako kaladkarin palabas ng aking office.
Sustaining this publishing business and clashing with my stepbrother make my head go nuts, and before I go insane, I took Lance’s offer to unwind in his so-called ‘humble abode’ but in reality, it is grand.
Si Lance ang aking childhood best friend. We have known each other very well ever since we could remember it. Isa siyang sikat na painter, may kaya sa buhay. Hindi man mayaman, hindi rin naman naghihikahos. Isang simpleng mamamayan na parang walang pangarap sa buhay. Tulad ko, isa na rin siyang ulilang lubos. I am the only one he deems as family, aside from his older sister, Chevy. Isang nurse by profession pero sikat na model sa Thailand at sertipikadong matandang dalaga sa edad na thirty-five.
Sobrang malihim nitong aking kababata. Ang ‘mysterious room’ na nasa dulo nitong corridor sa second floor ay katibayan ng kanyang secret life. That room has been bugging my mind and stirring up my curiosity whenever I’m passing by the hallway.
Ang sabi niya, doon nakatago ang abo ng kanyang namayapang mga magulang. Their souls still roam around in that room, seeking eternal repose. I might hear eerie screeching sounds or might feel petrified for a spine-chilling silence as well, and if I do, he suggests shrugging it off. That’s the reason why it is strictly forbidden for me to enter.
Hay naku naman Lance, hindi na ako ang uto-uto mong munting prinsesa na maniniwala pa sa mga kwentong pambata. Nasa panahon na tayo ng holograms, 3D billboards, and AI robots, yet still trying to fool me with a child’s scare? Ooh, it almost frightened the freakin’ s**t out of me. Try harder next time, dimwit!
I must uncover something in that room, like a treasure chest that needs to be unearthed. Wala akong ideya kung ano ba talaga iyon, but my intuition is telling me na kailangan kong makita kung ano ang kababalaghang tinatago ni Lance do’n.
Dahil sa matindi kong curiosity, pinagplanuhan kong maigi kung paano makakapasok sa loob ng secret room. Pinaghandaan ko muna siya ng masarap na breakfast. Ipinagluto ng paborito niyang malasadong sunny-side up egg, malutong na danggit, at fried rice na puro garlic flakes. Sinamahan ko pa ng home-made lumpiang sariwang kanyang kini-crave. Pinagtimpla ko pa siya ng kapeng barako na sa sobrang tapang ay kaya kang ipag-laban.
Ngiti pa lang niya alam ko nang maligaya ang kanyang kalooban for a hearty breaksfast. Hindi na niya napigilan ang sarili na isantabi ang kurbiyertos at mag-kamay. Sarap na sarap siya sa kanyang kain habang sinasawsaw ang danggit sa sukang pinakurat, hind niya alam na sa likod ng masarap kong handa, may namumuo nang kalokohan sa aking malikot na isipan.
Hinanda ko rin ang kanyang susuotin sa pagpasok; isang simpleng pink polo shirt na sa pakiwari ko ay bagay na bagay sa kanyang kayumangging balat. Ang kanyang baon sa tanghalian ay inhinanda ko na rin. Sa tingin niya siguro, para akong nanay na nagpapa-aral ng anak. Pero pakiramdam ko, isa akong mabuting may-bahay. Agad kong pinilig ang aking ulo upang iwaksi ang na-isip kong yo’n. Nakakakilabot.
Buti na lang at nakalimutan ni Lance na dalhin sa kanyang trabaho ang susi ng mysterious room kaya kinuha ko na ang pagkakataon. Dali-dali akong nagtungo sa pinaka-dulo ng corridor kung saan matatagpuan ang silid na pilit niyang iniiwas sa akin. Bigla akong natigilan, parang gusto ko nang umatras nang nakatayo na ako sa harap nito tila may bulong na nasasabing huwag na akong tumuloy.
Standing in front of this mysterious room, I am unsure what to do next. I’m nervous as hell with a bit of excitement. I am curious as to what lies beyond this wooden doorpost. Ang pintuan pa lang nito ay nababalot na ng kababalaghan. Gawa ito sa lumang materyales ngunit matibay na kahoy ng oakwood. I wonder what secret lies behind it.
And here I am, inserting the key into its keyhole, and tada, it opens! I gently closed my eyes before I entered. As I opened the door, darkness converged. I fumbled on the wall to find the switch then pressed the button to turn on the light. I was shocked when I opened my eyes, and I became so numb. I couldn’t even lift my foot as I was enamored by what I was seeing…
Nasa harapan ko ngayon ang mga bagay na marahil hindi ko malilimutan buong buhay ko. Hindi ko alam kung magagalit ba ako dahil nilihim niya ang lahat ng ito sa akin, o mas higit ang aking kasiyahan dahil sa wakas, masasagot na ang matagal ko ng katanungan.
But my dear Lance, why and how had these been kept from me all these years?
ITUTULOY